Ilang araw nang absent si Sir Henry, magmula noong nagkita sila ng ex-girlfriend niya sa resort. Nagsend lang ng message sa email kung ano ang gagawin ko at mga ika-cancel kong meeting na naka-schedule na. Baka naman nagkaayos na ang dalawa kaya magkasama na sila ngayon. Siguro nga. Haist, ewan bahala silang dalawa. Problema naman nila 'yun. Nag-ring ang phone ko. Sinagot ko ang tawag ni Mama. " Hello, Ma, bakit po kayo napatawag?" napakunot noo ako ng marinig ko si Mama na parang umiiyak. " Anak luluwas ako diyan sa Maynila. Magti-text or tatawag na lang kapag nakarating na ako diyan," Base sa kanyang boses parang nag-aalala ito. " Ma, may problema po ba? Bakit bigla-bigla yatang luluwas kayo dito sa Maynila? Baka po hindi kayo payagan ni Papa." Alam ko naman na hindi papaya