Kalaliman ng gabi ay tila balisa siya, di niya maintindihan, lumabas siya at sinilip si Luisa.
Himbing na ang tolog nito, kinumutan niya at siya naman ay natulog na.
Nasa malalim na pagtolog si Emerald nang magising siya sa isang malakas na pag igik, na tila ay hirap na hirap, dali dali siyang bumangon upang alamin.
"Help me please manganganak na ako."
si Luisa na tigmak sa dugo ang paligid, mula sa kobre kama at basa sa pawis ang mukha.
"Tulong, mga kapitbahay!" malakas na sigaw niya, dalidali siyang nagbukas ng pinto, at binalikan si Luisa, nakapikit na ito, nag saklolo naman kaagad ang mga ito, mabilis ang mga kilos, siya tigmak ang luha niya sa takot, para sa mag iina, inaalo siya ng mga kapitbahay.
"Kaya niya yan, magdasal lang tayo," si Nanay Suling ang matandang sa likod bahay nila.
Hinawakan ni Luisa ang kamay kung nakahawak sa kabilang parte ng kinahihigaan nito sa ambulansya.
"Eme, a--lagaan mo ang mga anak ko, mahal na mahal ko sila." anitong tila hinang hina na.
"Oo aalagaan ko sila, kayo ng mga anak mo." gumaralgal na ang boses ko.
"D-di ko na kaya, i-to ang sing sing, at kwentas ko, ipasout-- mo sa kanila, bigay ng ama nila yan sa akin." tumango ako, tigmak ang luha sa aking mga mata.
Ngumiti ito, kasabay ng tila pag hahabol nito ng hininga. nilagay ko sa aking wallet ang singsing at ang kwentas.
Agaw buhay na ito ng dumating sila sa hospital, ngunit nginitian pa siya nito, bago bitawan ang mga kamay niya, na wari bay namamaalam.
May mga dumating pang mga kapitbahay nila, ang iba malamang makikichismis lang pero mas marami ang gustong maki damay.
"Both babies are safe, but the mother did not make it im sorry, marami ang nawalang dugo sa kanya." sabi ng doctor.
Humaguhol na ako, parang nanghina ako na di ko mawari, halos pamilya niya na ito, nang hapon ay tumulong na ang mga kapitbahay na linisin ang bahay niya upang doon paglamayan ang labi nito, di niya alam kung sino ang kamag anak nito kaya naman ay tanging ang mga kapitbahay nalang niya ang karamay niya.
Kinabukasan ay inayos ko na ang para sa burol niya, ang mga bata naman ay pwede na daw i discharge.
Umiyak siya ng makita ang mga sanggol na di man lang nayakap ng ina nila, katabi niya ang kaibigang si Violet at si Matty, sila ang kumausap sa punirarya, malaki ang iniabot na pera ng mga kapitbahay, kaya kunti lang ang nabawas sa pera na iniwan ni Luisa.
"Maam Emerald Samonte, ito na ang birth certificate ng mga bata." iniabot ng doctor ang birth certificate ng mga bata, binasa niya ang nakasulat, ngunit ganun nalang ang panglalaki ng mga mata niya ng mabasa ang pangalan niya na pangalan ng ina ng mga ito.
"Doc, mali po ang nakalagay, Luisa po ang pangalan ng nanay nila," sabi ko, maging si Violet ay ganun din ang reaksiyon.
"Ms.Samonte, bago pa man siya manganak ay alam na niya na di niya kakayanin, nung una nakiusap siya na ilagay ko sa maayos na pamilya ang mga bata, kaya lang nitong huli ikaw ang napili niya na kukopkop sa mga bata. at isa sa bilin niya ito," nakangiting turan ng doctor.
Umiyak ako,
'Nasaan ka man Luisa ay sana magkaroon ka ng matiwasay na pamamahinga, aalagaan ko ang mga anak mo, at di ko sila pababayaan.' usal ko.
"Nandito lang kami friendship, so kaya natin yan, alagaan natin ang mga babies na ito." si Violet.
Akmang aalis na kami nang may humahangos na nurse na humabol sa amin.
"Ms.Samonte, bigay po yan ng pasyenteng namatay kagabi." isang sulat ang ibinigay ng isang nurse sa kanya.
'G Humpkin, 262 Lucella Subdivision Makati City.'
that's the father of the twins address,
Take care of my children.
Luisa
Yun lang ang nakasulat.
"Tsaka na natin harapin yan, salamat" at umalis na kami.
Kalong ko ang isang sanggol, halata sa mukha ng mga bata ang gandang lahi, magkamukhang magkamukha, at tila walang ipinagkaiba ang isa sa isa, ngunit siya ay may nakitang kaibahan ng mga ito, may maliit na parang lagpas ang kilay ni Earl habang si Emerson e pantay na pantay, napangiti ako.
"Ang ga gwapo ng mga anak mo beshie." si Matty na tuwang tuwa.
"Oo nga eh hanggang ngayon parang di ko padin matanggap na wala na si Luisa," sabay pahid sa luha ko.
Binigyan naman nila ng maayos na burol ang babae, ang ina ng mga bata, alam niyang wala pang kamuwang muwang ang mga bata pero pag dumating ang araw ay ipapakilala ko sila sa kanilang tunay na ina, di niya ipagkakait ang tunay nilang magulang sa kanila.
Mula sa kinaroroonan nila ay nakatingin sila sa pinaglibingan ni Luisa.
Kalong niya ang isa sa kambal, si Matty naman ang kay Earl.
"Luisa, asahan mong aalagaan at pakamamahalin ko ang mga anak mo, ituturing kung akin, salamat sa pagsilang mo sa kanila," bulong ko.
"Tara na Mars, at mukhang jutom na itong mga junakis mo." singit ni Kiray, isang ka lahi ng aking mga amega.
"Basta wag nyo sanang turoan na maging bakla ang mga anak ko." irap ko sa mga ito.
"Naku mars di talaga, mga ninang nila kami, so dapat good example mama." napangiti nalang ako, sinamahan ako nila sa bahay, at dito sila matutolog, ilang gabi na maligalig si Earl kaya hirap ako.
Kagabi si Aling Mena ang kasama ko sa bahay, salitan ang mga kapitbahay sa pag aalalay sa akin.
At lubos ko iyong ipinagpapasalamat, kung wala ang mga ito, malamang habang ngumangawa ang mga bata ay nakikipag duet na din siya sa mga ito.
Pinadide niya ang mga bata, at gaya ng turo ni Aling Mena, pinadighay niya muna bago pahigain ang sanggol, nilinisan niya ang katawan ang pusod ng mga ito diaper at nilagyan ng bigkis, she dont know anything about parenting a baby so kung ano ang sabi ng kapitbahay yun ang sinusunod niya.
"Mars, tolog na tayo, sabayan natin ang tolog nila, para may energy tayo." si Matty, dala ng ilang araw na pagpupuyat ay nakatolog na din sila, at tila ganun din ang kambal, mahimbing ang tolog ng mga ito, alas kwatro na ng magising siya,nagtimpla siya ng gatas at pinalitan niya ang diaper ng mga bata, muli niyang hinili at natolog naman ang mga ito.
Inayos niya ang mga gagamitin niya sa pag bibake at inumpisahan niya na ang kanyang mga orders sabay na bake ang mga cake niya, saktong alas singko ay mag lalagay nalang siya ng icing at decoration sa cakes.
Gising na ang kambal, karga karga na ng mga ninong niya sa labas at pinapaarawan,
siya naman ay madaliang tinapos ang kanyang orders.
"Mars, ligo na kasi uuwe na din kami, kami na ang bahala sa delivery niyan," sabi ni Violet, tahimik na nakikiramdam lang si Emerson,
Sa sumunod na araw ay ganun at ganun ang routine niya araw araw, mahirap sa una, lalo at mag isa lang siya, kaya naman ay nag hire siya ng yaya, para may kasama siya sa pag aalaga ng mga bata.