bc

Instant Mommy(completed)

book_age16+
41.1K
FOLLOW
272.0K
READ
billionaire
possessive
second chance
CEO
boss
comedy
sweet
single daddy
realistic earth
virgin
like
intro-logo
Blurb

Warning SPG?

Naging instant mommy si Emerald matapos mamatay ang kanyang kaibigan, inako niya ang responsibilidad ng pagpapalaki sa kambal na mga anak nito.

Ngunit kinailangan nilang hanapin ang pamilya ng ama ng mga bata nang mangailangan sila ng blood donor. Ngunit tila mali ang naging desisyon nila na hanapin ang pamilya ng mga bata dahil kailangan niyang maging instant wife para sa Tito ng mga bata kapalit ng hindi pagkuha ng mga ito sa mga bata.

Magagawa ba niyang ipaubaya ang mga bata gayong napamahal na siya sa mga ito?

chap-preview
Free preview
IM1
Emerald is an orphan, solo flight since nung pumanaw ang ina niya noong high school palang siya. Panu siya nabubuhay, simple lang humihinga siya, charr, iniwanan siya ng ina niya nang apat na kwarto ng apartment na paupahan. Sapat na sa pang araw araw niyang gastosin, hanggang makapagtapos siya ng kurso niyang culinary, medyo nahirapan siya nung una kasi , magastos ang pag aaral ng pagluluto, pero awa ng diyos ay nairaos niya, sa edad na bente tres ay single padin siya, by choice, takot siyang magtiwala lalo at mag isa nalang siya sa buhay. May maliit siyang tindahan sa harap, at nag bi bake ng mga cakes, dagdag ipon para sa kinabukasan niya. Sa lugar nila ay kabi kabila ang paupahan, kaya naman pahirapan ang buhay talaga, nitong huli pinaayos niya ang mga silid na pinapaupahan dati ay iisa lang ang kontador ngayon ay kada kwarto na, pinalagyan niya ng sub meter. Ang dating semento na flooring ay pina tiles niya na, pinaayos niya ang mga lumang tubo, maging ang bubong. Sa ngayon may dalawang room na bakante, pero di siya bothered doon, may iba naman siyang pinagkakakitaan, may mga binibenta siyang mga pabango, at kung ano ano pa. Hapon na kaya naman ay lumabas siya upang mamalengke. Palabas na siya nang makita ang kapitbahay niyang paupahan na tila nag aamok. "Anong iniiyak iyak mo ineng, hindi orphanage ang aking paupahan, hala puntahan mo ang nakabuntis sayo at dun ka makitira." si aling basyon. "Parang awa nyo na po Aling Basyon, di pa po nakapagbayad ang mga kustomer ko, pero magbabayad naman po ako." pagmamakaawa nung babae, ngunit tila lalong bumagsik ang matanda. "Ineng narinig ko na ang ganyang mga dialog, sa tanda ko ba namang ito sa pagnenegosyo ng ganito kung magpapaloko lang ako sa mga katulad mo, hala ayan dalhin mo na ang mga gamit mo, isang buwan kana na di nagbabayad." singhal ng matanda. Agad na dinakot ang mga gamit, umiiyak ito, sa tantiya niya ay anim o pitong buwan na ang tiyan nito. "Wait lang, saan ang punta mo niyan?" tanong ko nang matapat sa harap ko. "Di ko alam, wala akong mapupuntahan,"humihikbing sagot ng babae. "Hapon na at mahamog, halika dun ka muna sa bahay," agad niyang kinuha ang mga dalang konting gamit nito, binuksan niya ang gate niya at pinapasok ito, may dalawang silid ang bahay niya, isa sa nanay niya nung nabubuhay pa at ang kanya. "Salamat, pero wala akong kapera pera ngayon, wala akong maipambabayad sayo." mahinang turan ng babae. "Hayaan mo na, ako lang mag isa dito, kaya wag mong alalahanin, Emerald nga pala ang pangalan ko, Emerald Samonte" kumuha siya ng cake sa ref at juice at idinulot sa babae. "Salamat, ako naman si Luisa Pelipe" pakilala nito. "Ilang buwan na yan?" tanong ko. "Pito na, kambal ang baby ko." tila proud pang sabi nito. "Ah wow, diba mabigat?"tanong ko. "Di naman, medyo lang." sagot nito na nag umpisa nang kumain, tinawagan ko si Violet, ang kaibigan kung bakla, at nakisuyong ipamalengke ako, babayaran ko nalang mamaya pag dating nito. Nang tanungin ko kung nasaan ang ama ng batang dinadala nito, ay malungkot itong ngumiti, sabay ng pagpatak ng luha sa mga mata. "Wala na akong balita sa kanya, basta nalang di nagparamdam." humihikbing sagot nito. "Sorry, tahan na, mabuti pa ay magpahinga ka na muna pagkatapos mong kumain, napakawalang awa talaga ni Aling Basyon, alam naman ang kalagayan mo, di man lang naawa," "Naintindihan ko naman yun, sadyang kinapos lang talaga ako ngayon, may pera ako, pero naka tabi para sa panganganak ko," sabi nito. "Wag mo nang isipin yun, dito ka nalang sa bahay, ako lang mag isa dito, di naman tayo magugutom dito, at para di kana ma problema sa pagbabayad ng upa." sabi ko dito. Iyon ang naging simula nang lahat, naging kaibigan niya ito, siya ang nagpilit dito na magpacheck up, para may record sa hospital at pag oras na ng panganganak nito ay mapapabilis lang. "Luisa anong sinabi ng doktor mo?" tanong ko dito, tatlong taon ang agwat ng edad nila, mas matanda ito sa kanya. "Ayos naman daw kami, tsaka baka sa susunod na linggo ay pwede na akong manganak, " nakangiti nitong sagot. Pinapasamahan niya ito kay noknok ang batang taga kabilang kalye para may aalalay sa kanya once na matumba ito sa daan ay may aakay. "Mabuti kung ganun, alam mo naba kung anong gender ng baby mo?" tanong ko dito. Balak niyang bilhan ng mga baro barong pam baby ang anak nito, kasi kahapon nakita niyang iilang piraso lang ang mga gamit ng baby, at nakita niyang tila na momroblema ito kung saan kukuha ng pambili ng gamit ng baby. Narealize niya kung gaano naghirap ang nanay niya nung pinanganak siya, at nakakahanga ang mga tulad ni Luisa ng nanay niya at ng iba pang ina, na tiniis ang hirap buhayin lang ang anak nila, kaysa sa iba na mas piniling magmukhang dalaga pero pinapatay ang anak nila. tsk "Dalawang lalaki, at pareho silang malulusog." sabi nito, maganda si Luisa, maputi at napakahinhin kung kumilos, pero payat ito, medyo humpak ang mga pisngi. Balak niya sana itong samahan, ngunit ayaw nito, kasi abala na daw sa kanya, halos isang buwan at kalahati na ito sa kanya, mas pumapayat pa ito lalo. "Luisa, ito o kumain ka." dinalhan ko sa silid nito ng niluto kung ulam, masama ang pakiramdam nito, di man magsabi sa kanya ay ramdam niya, alam niyang nahihiya sa kanya ang babae. "Eme, salamat sa pagkopkop mo sa akin, di ko alam kung paano ang buhay ko ngayon kung wala ka," naiiyak na sabi nito. "Ano kaba wala yun, isipin mo ang mga anak mo, kaya magpalakas ka, para pag lumabas sila ay malulusog, hala kain na." nilagyan ko ng baso ng gatas sa gilid nito, parang bahagi na ng buhay niya ang babae, mas madalas niya na itong kausap, at lately pakiramdam niya e, naging magaan ang lahat. "Eme pag dumating ang araw na mawala na ako, alagaan mo ang mga anak ko a, kung di man kalabisan ay ituring mo silang mga anak mo." sabi nito na may luha sa mga mata. "Kuu, wag ganun, pakamamahalin ko sila, pero Luisa naman, di pwedeng mawala ka okay, kaya magpalakas ka." ngumiti ang babae. Pinagmasdan niya ito, madalas manghina ito, feeling niya dahil kambal ang dinadala nito, sinasamahan niya itong mag lakad lakad sa labas pag umaga, para maarawan ayun sa katabing bahay nila na si Aling Sita ay nakakabuti sa buntis ang pagpapaaraw at paglalakad lakad. Nitong huli dahil alam niya na malapit na itong manganak ay sa malapit nalang sila naglalakad lakad. Minsan tumutulong tulong ito sa pag bake niya, di na niya inaawat kasi di naman nagpapaawat, kasi nahihiya daw sa kanya, nang matapos itong kumain ay niligpit niya ang pinagkainan nito. "Magpahinga ka muna jan, at please lang wag matigas ang ulo," iniwan na niya ito. Nag order siya ng mga baro baro na pambata sa online shop nung isang linggo, pinili niya ang unisex na mga gamit at kulay, kasi di pa naman niya alam ang gender ng mga baby. Bumalik siya sa kwarto nito dala ang mga inorder niya, naabutan niya itong nakahiga, at nagbabasa ng pocketbook. "Ano yan?" usisa nito. "Nag order ako ng mga gamit ng mga baby, tingnan mo o, di ko alam kung tama ang nabili ko, tinanong ko naman si Aling Ising yan daw ang mga sinusuot ng baby, konti lang kasi mabilis daw lakihan ng baby, may bigay din si Bea na mga lampin diyan, at ito damit mo, para makakilos ka ng maayos pag magpacheck up ka, medyo masikip na ang mga sinusuot mo e." kinuha naman nito, at umiiyak na niyakap ako. "Salamat sa lahat, alam kung di mo sila pababayaan", humihikbing sabi nito. "No kaba, di ko kayo pababayaan, lalo ngayon," sagot ko bago ginagap ang kamay nito, madalas ay dinadalaw ito ng mga kapitbahay, kinakausap para malibang. hinahayaan niya itong tumambay sa harap ng bahay para di maburyong sa loob. Takot siyang isipin ang mga pahiwatig nito, lalo ang mga kapitbahay niya ay ganun din ang sinasabi. "Basta nandito lang kami Emerald kung manganganak na siya, isang sigaw mo lang, susugod kami," biro pa ni Islaw ang bungal na tambay sa labasan. Medyo panatag na siya, lalo at excited na siyang makita ang mga magiging baby nito, pakiramdam niya e siya ang nanay, lagi niya itong kinukulit, kung ano ang ipapangalan, "Emerson Dwight at Earl Derick,kinausap ko na ang doctor ko, para sa mga papers ng bata, para pag manganak ako, di ka mahirapan na mag asekaso." nakangiting sabi nito, nahihiyang napakamot ako. "Excited kasi ako e, alam mo na, nag iisa lang akong anak, at wala akong naalagaan na baby, haiist" natatawa naman itong umupo, himas himas ang tiyan. "Masaya akong alam kung di sila mapapabayaan,ewan ko ba ramdam ko talaga na di na ako magtatagal," ngumiti ito ng malungkot. "Wag ka ngang magsasabi nang ganyan, nenenerbiyos ako e." sabi ko, bahagya na kasing nag standing ovation ang aking balahibo. Ginagap nito ang mga kamay ko, may isang sobre na inilagay. "Yan ang naipon ko para sa panganganak ko, ikaw yung humawak, at alam mo na oras na mag labor ako, di na ako makakahawak pa niyan." bilin nito. Sa harap niya ay binilang ko, mahigit sixty thousand ang pera. "Tatanggapin ko to, a pambayad natin sa hospital, at mga babies wag nyong pahirapan si Mommy nyo, okay." hinipo ko ang tiyan nito, waring nakaintindi naman at gumalaw ang mga ito. Maya maya ay iniwan na niya ito, para mag asekaso ng mga orders.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
90.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
181.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook