Her pov
Naloloka na talaga siya, sa twist ng buhay niya, now here they are magkakaharap habang naglalaro ang kambal, di niya alam kung papaano nila nagawan ng paraan na mag produce ng ganito kadaming laruan, sabagay they are rich according sa assestment niya.
Si Earl sa matandang lalaki nagpakandong habang naglalaro, si Emerson naman sa kanya nakapulupot, medyo ilag, umiiyak pag tumitingin sa mga kamag anak niya, kanina sinusubokan na kargahin ng kambal na si Dianne ata yun, pumalahaw ng iyak, sabagay naninibago pa kasi ang bata.
Umuwe ako kanina para maligo at magbihis, naka pants na butas butas siya na pinarisan niya ng pink na blouse at bahagya niya lang sinuklay ang buhok niya.
Ilang na ilang pa siya kasi madalas niyang mahuling nakatitig ang panganay na kapatid ng ama ng kambal, si Domminick.
"Dominick samahan mo si Emerald na kumain muna, it's already past Twelve, alam kung nagugutom na iyan"si Mommy Divine.
"Come on let's go." sabi nito na akmang tatayo na.
"Ah dito nalang po ako Ma'am, baka kasi hanapin ako agad nitong bata, " sabi ko.
May kumatok naman sa pinto, sumungaw ang kapitbahay naming nursing student na si Fiona, anak ni Aling Mena..
"Ate Eme, may dala akong tanghalian mo,sabi kasi ni Nanay baka di kapa kumakain, magandang araw po."kiming bati ni Fiona.
"Pasok ka Hija." sabi ng matandang babae.
"Salamat Fiona," isa isa ko namang ipinakilala sila, nahihiya pa si Fiona, panu kasi ang lagkit ng tingin ng bunsong kapatid ng mga Humpkins, masisi mo ba naman yung bata kung kay gandang lalaki naman talaga ng magkakapatid, nasa lahi nila.
"Si Mona pala Fiona?" tanong ko dito, pinaupo ko muna, kahit sabi niya ay papasok pa siya, nababato na kasi siya, nakakailang naman kasing kausap ang mga Humpkins.
"Siya ang tumatao sa bakery Te, dapat sara muna kayo te, para di ka masyado na ma stress, lalo at walang gaanong titingin tingin sa bakery, naloloka na din yun kung paano ang pag manage ng bakery." payo nito, which is kino consider na niya lalo at di naman basta basta ang baking, lalo at hands on siya dati.
"Sige pag iisipan ko yan." sagot ko dito.
"Naku Te, una na ako ah, may quiz ako ngayon e, sige po mga Sir,Ma'am mauna na po ako, bye Earl and Emerson." kumaway ito sa mga bata, kumawag kawag naman si Emerson.
"You have bakery?" si Sir Eric ang daddy nila, nang makaalis si Fiona.
"Opo Sir, yun po ang aming pinagkukunan ng pang araw araw, pang gastos at panggatas ng mga bata." sagot ko dito.
"If you want to have bakery, then will make it inside our mall Hija, kumuha ka nalang ng tao, much better kung hands on ka sa mga apo ko." sabi ng Ginang.
Di pupwede to, mukhang kailangan nilang malaman ang totoo, nang makaalis si fiona at kami kami nalang ay mabilis akong nakapag pasya.
"Sir, Ma'am may ipagtatapat po ako sa inyo," simula ko, agad ko naman nakuha ang kanilang atensyon, nag silingonan ang mga ito.
"Go on, ano yun?" si Domminick na kunot ang noo.
"Hindi po ako ang ina ng mga bata, ahmm dalaga pa po ako, that's the reason kung bakit di ko sila ma breastfeed, anak sila ng kaibigan ko, before na mamatay ang ina nila ay inihabilin niya sa akin na alagaan ang mga bata, then binigay niya ang address niyo, kaya po alam ko ang bahay nyo." paliwanag ko.
"So, sino ang nakalagay na mother sa birth certificate ng mga bata?", si Dominick, ang lalaking kahapon pa di ko magets, laging nakatingin pero salubong naman ang kilay, at tila ba pakiramdam niya e sasakalin siya oras na magkamali siya.
"Ako po, pangalan ko po ang nakalagay, ngayon po kung kukunin nyo po ang mga bata, e wala po akong magagawa dun, pero sana Sir hayaan nyo kung madalaw ang mga bata, lalo po at maliliit pa sila." pakiusap ko sa mga ito.
"No, walang dalaw na mangyayari, ikakasal ka sa akin, soon, at lalaking buo ang pamilya ng mga pamangkin ko." sabi nito na ikinamulagat ko, very straight forward.
"Pero panu kung dumating ang lalaking nakatakdang mahalin ko?" usal ko, tila akong nanghina sa narinig ko,di pa niya maimagine ang sarili na ikakasal.
"Honey, sisiguraduhin ko na di ka niya makukuha, now prepare yourself." he smirk.
His pov
Kagabi habang pauwe ay kinausap kami ni Daddy about kay Emerald at sa mga pamangkin niya.
Flashback
"Isa sa inyong dalawa ni Dustin ang magpapakasal kay Emerald," si Dad, na agad agad naman na inalmahan ni Dustin.
"Di ako pwede Dad, I already have special someone, inaantay ko lang na maayos ang lahat sa amin." sabi ni Dustin.
Will ako, okay lang sa akin, besides ayaw din naman niyang lumaking watak watak ang pamilya ng mga pamangkin, besides, he had been attracted to the mother of the twins, lalo at wala na siyang dapat isipin pa.
Di niya alam, pero he love the idea of marrying that woman, seeing her taking care of his nephew make my heart pounded fast.
"No one will know, except us about Dalton's, iisipin ng mga tao na ikaw ang ama ng mga bata, Ipapaayos ko na sa abogado ang marriage contract nyo para di bastardo ang mga bata."sabi nito, ang inaalala niya lang ay baka may kaisntahan ang babae, Emerald is so pretty, so iyon ang inalala niya na baka may kasintahan ito.
"Papayag ako dad, kaya lang ang inalala ko ay si Emerald." sagot ko.
"I will take care of everything, make her fall for you." sabi ni Dad.
"Yes, I will." sagot ko, sa ngayon si Diana at Dria ang kasama ni Emerald sa pagbabantay sa hospital, ako babalik din ako, hinatid ko lang ang magulang namin.
End of flashback
And now, nakahinga ako ng maluwag na dalaga pa ito, at least di siya mahihirapan na solohin ito.
"Makipaghiwalay ka sa nobyo mo." sabi ko dito, binigyan kami ng privacy para makapag usap kami.
itutuloy