Nagmamartsa siya palabas ng hospital at inis na inis siya. Kumukulo ang kanyang dugo sa lalaking naiwan sa loob ng hospital gigil na gigil siya sa hinayupak na yun napakakupal talaga ngali ngaling sakalin niya ito. Litse siya akala nya lahat ng bagay e makukuha niya dahil lang sa gusto niya. Napakayabang nito at saksakan ng arogante na iniisip malamang nito na lahat ng bagay ay mababayaran ng salapi nito. Makakaya niyang mabuhay at buhayin ang mga bata kahit walang lalaki sa buhay niya. Lumaki siya sa hindi maluhong pamumuhay at alam niyang ganun din ang mga bata kasi sa kanya lumaki ang mga bata. Ngunit alam niyang di papayag ang mga ito na basta basta nalang niyang makuha ang mga bata. Alam niyang di niya kakayaning iwanan ng basta basta ang mga bata. Lalo na at parang anak na niya a