Animoy nakipag boxing siya at nakipag buno siya sa sakit ng katawan niya ng magmulat siya. Mag isa nalang siya sa kubo, ngunit nakabihis na siya, suot na niya ang kanyang dress. Bumangon siya, luminga linga siya kung nasaan si Domminick, nang di ito makita ay nagligpit na siya ng pinaghigaan nila, may bakas pa ng natuyong dugo, ang tanda ng pagsuko niya ng pilipinas sa lalaki. Pinagmasdan niya ang kubo, napakaganda pala nito pag maliwanag, napakapayak, pero homey ang dating, may kurtina sa bintana. hinawi niya bukirin na napakalapad ang bumungad sa kanya. Napakapayapa ng kapaligiran, may mangilan ngilang magsasaka sa paligid, at may mga kalabaw, at baka. May mga puno ng sagingan sa kabilang dulo, marami, medyo pabundok ang lugar, kaya kita maging ang taas na bahagi, may mag ha harvest