Iya POV
"Best paano mauna na ako?" paalam ni Rita sa akin.
"Sige mag-ingat ka," saad ko dito.
Naghintay ako sa labas.
Hanggang ngayon wala pa rin si Rico.
Saan kaya ang lalaking iyon bakit hindi man lang tumawag kung late sya sa pagsundo sa akin kainis naman kung kailangan ko staka naman late.
Dumilim na ang paligid kaya hindi ko na hinintay si Rico. Baka abutin pa ako bukas dito.
Sumakay ako ng Jeep sinubukan ko tawagan si Rico ngunit nakapatay ang cellphone nito.
Hindi nagtagal nakarating ako sa bahay.
Pagbukas ko ng pinto naroon pala si Rico sa loob. Nagulat pa sya sa akin.
"Mahal nandyan ka na pala?" gulat na sabi nito sa akin.
"Oo nandito na ako kanina pa ako tumawag sa' yo, sana man lang nagsabi ka sa akin kung hindi mo ako susunduin?" mahabang sermon ko sa asawa ko.
"Sorry mahal lowbat ang cellphone ko. Akala ko nandito ka na kaya hindi na kita dinaanan sa trabaho mo?" paliwanag nya sa akin.
Kung hindi ko lang mahal ang asawa ko baka naghinala na ako sa kanya.
"Mahal sorry na wag ka na magalit sa akin promise sa susunod tatawag ako sa' yo?" wika nya sabay pikit ng mata.
"Sige na nga."
"Mahal heto pala magkape ka, alam ko napapagod ko?" malambing na tono ng asawa ko.
"Ay ang sweet naman ng mahal ko.
Sempre may kiss ako sa' yo," saad ko kay Rico.
"Kamusta pala ang trabaho mo mahal? " tanong ko kay Rico.
" Ayos naman mahal kahit papaano mabait naman ang amo ko! "
" Mabuti naman kung ganun, pagsipagan mo lang para lalo magustuhan ka ng amo mo, " anas ko sa asawa ko.
" Sige mahal magpalit muna ako ng damit. "
Natutuwa ako sa asawa ko ang sipag nya magtrabaho.
Nang matapos ako magpalit ng damit lumabas ako.
Kailangan ko magluto ng pagkain nagugutom na rin ako.
"Mahal wala pala tayong ulam pwede ka ba, lumabas para bumili," wika ko sa asawa ko.
"Sige Mahal," sagot nya sa akin.
Binigyan ko sya ng 500 pesos.
"Anong ulam na gusto mo?" tanong nya sa akin.
"Kahit ano Mahal."
Maya-maya dumating ang asawa ko may bitbit na sya ng supot.
"Mahal nandito na ako," rinig kong sabi nito.
Sakto nakapag lapag na ako ng plato.
Ulam na lang ang kulang.
Adopong pusit at pritong manok ang binili ng asawa ko.
Tahimik lang kami kumain ng asawa ko.
Kahit dalawa lang kami sa buhay masaya naman kami ng asawa ko.Pareho rin kaming walang magulang.
Nang natapos kami kumain tinulungan ako ni Rico maghugas ng plato.
"Mahal ako ma dito magpahinga ka na alam ko pagod ka?" wika ni Rico sa akin.
Tumango ako at nagpunas ng kamay.
Tama si Rico pagod ako dahil maraming pinapahaga si boss sa akin kahit hindi ko naman gawain. Taga print lang ako ng mga report.
At ako rin ang nag-email sa mga taong gustong mag-apply o di kaya ako rin nag sent ng email sa ka meeting ni boss.
Humiga ako sa malambot na kama. Paglapag ng aking likod agad ako naka tulog hindi ko namalayan si Rico.
Kinabukasan nagising aki sa malakas na alarm ng cellphone ko.
5: 00am pa pang gising na ako dahil kailangan ko maaga pumasok dahil tampak ang trabaho ko sa opisina.
"Good morning" Mahal, " bati ni Rico sa akin sabay halik sa labi ko.
" Good morning" paumanhin kung tinulugan kita kagabi, " saad ko sa asawa ko.
" Ayos pang mahal hindi naman ako galit."
Ito ang gusto ko sa asawa ko hindi marunong magalit sa tagal na namin mag-asawa ni sigaw hindi ako nakatanggap sa kanya. Kaya labis ako nagpapasalamat may asawa akong mabait at higit sa lahat gwapo pa.
Sabay kami lumabas ng bahay.
Napagluto na rin ako ng almusal namin ni Rico.
"Mahal may tumawag sa' yo?" tawag ni Rico sa akin.
Nasa loob pala ng kwarto ang cellphone ko.
"Sige saglit lang mahal," balik na sagot ko.
Wala naman ibang tumatawag sa akin kundi si Rita.
"Hello? Bakit ang aga mong napatawag?" saad ko sa kabilang linya.
" Pasensya na kung naabala kita.
Nais ko lang sabihin sa' yo, na hindi ako papasok ngayon nag pasa na rin ako ng excuse letter kay boss? " wika nya sa kabilang linya.
"Bakit ano nangyari sa' yo? " wika ko sa kabigan ko.
" Bigla ako nilagyan ang hina rin ng katawan ko. Hindi ko talaga kaya pumasok ngayon, " untag ni Rita sa akin.
" Sige magpahinga ka na at uminom ka ng gamot. "
Naawa ako sa kabigan ko marami sila magkakapatid ngunit sya lang ang may trabaho.
Dahil ang iba maliit pa.
Saludo rin ako sa kanya dahil hindi sya nagreklamo.
"Sige matutulog ulit ako," wika pa nya sa akin.
Binaba nya na ang tawag.
"Mahal doon na lang ako mag-almulsal sa opisina heto sayo doon mo na rin kaininan kailangan na natin maka alis, " saad ko sa asawa ko.
Hindi na sya nagtanong kung bakit nagmamadali ako.
Lalo ngayon traffic pa naman sa daan.
"Mahal baka magkasakit ka nyan, una sa lahat kailangan mo mag-almulsal. Paano ka magtrabaho kung walang laman ang tiyan mo?" anas nya sa akin.
Tama naman ang asawa ko wala ng oras.
Kinuha ko ang bag at cellphone ko sabay labas ng bahay.
" Heto suutin mo , " sabay bigat ng helmet sa akin.
Ito ang motor na regalo ko sa asawa ko.
Mabilis lang kami nakarating.
Binigay ko ang helmet kay Rico sabay halik sa labi nito.
"Mahal mag-ingat ka sa daan wag mabilis magpatakbo ng motor," saad ko sa kanya.
"Oo mahal ikaw rin ingat ka i love you?" saad nya sa akin.
"I love you too mahal."
Agad ako pumasok sa loob.
"Hay nakakalungkot naman pumasok wala si Rita, " mahina kong sabi. Sya lang ang kaibigan ko dito ang iba hindi namamansin. Hindi ko ba alam sa kanila pare-pareho naman kami sinasahuran dito.
Kinuha ko ang laptop sa loob ng bag ko. Nag-umpisa na ako magtrabaho.
Marami akong email natanggap mula sa ibang kumpanya.
Ngunit napatigil ako ng biglang tumunog ang tiyan ko. Oo nga pala hindi pa ako mag-almulsal.
Kinuha ko sa loob ng lalagyan ang almusal ko. Tumayo ako at kumuha ng kape.
Napangiti ako dahil nagustuhan nila ang ginawa ko. Panigurado matutuwa si boss sa ginawa ko."
"Ang saya naman natin ngayon Miss, Iya, " saad ng katrabaho ko.
" Ikaw naman Janice hindi ka na sanay sa akin. Palagi naman ako masaya kung pumasok hindi gaya ng iba dyan nakasimangot lang," saad ko kay Janice.
" Ako ba? ang pinatamaan mo? " sagot nya sa akin.
" Hindi pero kung natamaan ka hindi ko nakasalanan yun. Sige maiwan na kita may gagawin pa ako," saad ko sa babae.
Sya ang number 1 kinaiinisan ko akala mo naman sya ang amo. Ang lakas pa nya sumipsip kay boss akala nya siguro