IYA POVS
"Good morning' sir?" malambing na tono ko.
Tumango lang sa akin ang amo ko.
Kahit noon ganito na raw sya hindi sya sumasagot kapag binabati sya.
Muli ako bumalik sa trabaho ko konti na lang matatapos ko na itong ginagawa ko.
"Hoy? Babae akala mo, ba hindi ko nakita na nilalandi mo, si sir?" saad ng babaeng kinaiinisan ko.
"Wala akong nilalandi kaya umayos ka dyan. Binati ko lang dahil sya ang boss natin.
Siguro nga kulang sa kape ang utak mo kaya magkape ka muna," saad ko sa kanya.
" May araw ka rin sa akin babae humanda ka? " untag nya sa akin.
"Go, hindi ako natatakot sa' yo. "
Lumipas isang oras sa wakas natapos ko na. Kailangan ko ipasa kay sir para makita nya.
Nagtungo ako sa kumpanya ni sir.
Bago ako pumasok kumatok muna ako sa pinto.
Tok, Tok, Tok. "
" Come in, " rinig kong boses nya mula sa loob.
" Hay po, sir. "
" Anong kailangan mo, sa akin?" seryosong boses nya.
" Sir nagpunta ako dito dahil may ipinasa ako sa' yo. Tingnan mo sir kung ayos na kung may malit pakisabi na lang sa akin," pahayag ko sa lalaki.
" Sige pwede ka na lumabas, " anas nya sa akin.
" Ummh ang sungit naman ni sir mukhang nag-away na naman sila g girl friend nya, " mahinang kong sabi.
" Santos, may sinabi ka? " tanong ni sir sa akin.
" Wala sir sabi ko aalis na po, ako? " pagsisinungaling ko.
Habang naglalakad ako bigla tumunog ang tiyan ko. Tumingin ako sa orasan 12: 01 na pala hindi ko man lang naramdaman ang oras. Kailangan ko na kumain dahil ala una balik na naman sa trabaho.
Naglakad ako patungo sa elevator ngunit mabilis naman sumara. Lintik na babaeng iyon hindi man lang nya ako hinintau nago nya isara.
Wala akong magawa kundi dumaan sa hagdan matagal pa yun baka bumalik sa taas.
Masakit ang binti ko dahil mataas pa ang sandals ko.
Hingal na hingal ako dumating sa canteen.
"Oh ano, maganda ba? Sa' hagdan dumaan," saad pa nya sa akin. Inikutan ko lang sya ng mata.
Sige lang babae hanggang sa magsawa ka.
Naka pila na ako sa likod ng lalaki.
Bigla ko naisipan tawagan ang asawa ko. Alam ko sa mga oras na ito nagpapahinga sya. Kinuha ko ang cellphone ko sabay lagay sa tenga.
Ngunit tumunog lang ito.
Saan kaya nagpunta ang asawa ko bakit hindi man lang nya sinagot ang tawag ko.
Muli ko syang tinawagan ngunit ganun pa rin ito. Kaya malungkot na ibinalik ko ang cellphone sa loob ng bag ko.
Kinuha ko ang order ko at umupo sa bandang dulo.
Mabilis ko naubos ang pagkain ko.
May 30 minutes pa ako natitira. Kaya kinuha ko ulit ang cellphone ko sabay tawag sa kaibigan ko.
"Hello, best?" bungad ko sa kabilang linya.
"Oh, napatawag ka best?" sagot naman ni Rita sa kabilang linya.
"Ang lungkot ko, ngayon best," mahinang sabi ko.
" Bakit naman ano nangyari sa' yo, wag mo sabihin iniway ka dyan? " untah nya sa akin.
" Hindi naman nagtaka lang kasi ako sa asawa ko. Hindi ko matawagawan best?" muling anya ko.
" Akala ko, ano na asawa mo, lang pala. Baka naman busy sya sa trabaho kaya hindi nya nakuha ang tawag mo, " saad ni Rita sa akin.
" Gusto ko lang naman sya makausap ngayon.
Nga pala si sir sa susunod na linggo wala sya sa opisina, " wika ko kay Rita.
" Wow? Talaga wala si sir sa susunod na linggo sa wakas wala na ang amo natin nakasimangot, " saad nya sa kabilang linya. Natatawa talaga ako sa kanya.
"Oh sya kailangan ko na pumasok ulit sa opisina," paalam ko sa kanya.
Isang oras lang ang pahinga namin dito dahil bawat oras mahalaga sa amin. Hindi rin kami pwede magreklamo.
Trabaho ang pinunta namin dito.
Pagbalik ko sa mesa ko kinuha ko agad ang laptop ko. Pagbukas ko iba na ang naka lagay sa ginawang kong email.
Sino naman kaya nakialam nito nandito lang yun kanina," saad ko sa sariliko.
"Bakit balisa ka dyan? " tanong ng kasama ko.
" Elen, nakita mo, ba kung sino ang nakialam sa laptop ko? " tanong ko sa kanya.
" Parang nakita ko si Janice galing dyan. Akala ko nga may ibibigay sya sa' yo. At nagmadali rin sya umalis? " saad ng kasama ko.
" Ganun ba, sige salamat, " sagot ko kay Elen.
Pinuntahan ko si Janice sa kanyang mesa. Abala sya sa pakikipag chismis sa kasama nito.
" Janice bakit mo, pinakialaman ang laptop ko. Hindi mo, ba alam maroon ang lahat ng importante? " seryosong sabi ko.
" Huh? Bakit sa akin ka galit wala naman ako alam? " pagsisinungaling nya sa akin.
" Wag ka na nga magsinungaling babae. Nakita ka nga ni Elen na galing ka sa mesa ko. Bakit ka ba galit sa akin wala naman ako ginagawa sa' yo? " muling sabi ko kay Janice.
" Kasi malandi ka.
Kung hindi ka lang malandi at epal di sana hindi to mangyari sa' yo, pati si sir nilalandi mo. Oh ano napala mo girl. Ang akin ay akin? " galit na sabi ni Janice sa akin.
" Huh? Desperada ka, talaga no? Alam mo naman may asawa na ako.
At yung sinasabi mo, malandi ako wala kang proweba dahil hindi ko nilandi si sir. Kung nagkataon man landin ko sya wala akong pakialam sa' yo dahil walang gusto si sir sa'yo? " ngising sabi ko kay Janice.
Kita ko kung paano nagalit ang babae. Kulang na lang sugurin nya ako.
" Anong kaguluhan dito bakit hindi kayo magsilabalikan sa trabaho! "
" Sir ito kasi si Iya sinugod ako dito. Wala naman po, ako ginawa sa kanya?" pagsisingaling ng babae kay boss.
" Totoo ba, Santos?" tanong ni sir sa akin.
" Hindi po, sir nagpunta ako dito dahil pinakialaman nya ang laptop ko nawala tuloy ang email para bukas," mahinang kong sabi.
" Nakita mo, ba na sya ang nangialam ng gamit mo," muling anaa ni boss.
"Si Elen po, nakita nya," tipid na sagot ko.
" Bakit mo, ginawa yun Janice alam mo ba? Nakasasalay ang kumpanya dito. Wala ka bang isip para gawin mo ang bagay na iyon?" galit na sabi ni Boss sa babae.
" Sir, sorry po? " hingi nya ng paumanhin.
" Hindi ko kailangan ang sorry mo? Magbalot ka na ng gamit mo, at umalis sa kumpanya ko. Hindi kita kailangan dito? " seryosong sabi ni sir.
" Sir, please po, wag nyo, ako palayasin wala na po, ako trabaho dito lang po, ako umaasa, " pagmamaka' awa nya kay boss.