Kalalabas ko pa lang mula sa sasakyan ay kaagad ko nang nadinig ang ingay. Masiglang-masigla rin ang mga kapwa ko estudyante habang naglalakad. May pagmamadali silang dumiretso sa main gate. Sobra ang excitement na mababakas sa mga mukha nila. Ako lang yata ang nakabusangot ang mukha dahil sa antok na nararamdaman. Sana lang talaga ay makabawi ako ng tulog mamaya. Ayokong pagkatapos pa ng festival saka ako makabawi sa tulog at baka sa klase na naman ako matulog. I stretched my arms. Malaki rin ang naging paghikab ko. Nakakahalata na rin ako na sa tuwing umaga na lang ay laging ganito ang eksena. Antok na antok ako at tinatamad na pumasok ngunit hindi rin naman ako maka-absent. Kung dati ay kaagad akong uma-absent kapag inaatake ako ng katamaran, ngayon naman ay hindi ko na magawa. Mahir