Muli akong humikab. Antok na antok na talaga ako. Kanina ay nawala ang antok ko nang i-announce ang pagkapanalo ko ngunit ngayon ay bumalik na at mukhang mas matindi pa. Gustong-gusto ko na ngang humilata sa sahig. "Maliwanag ba ang lahat ng sinabi ko?" Nagulat pa ako nang marinig ang istriktong boses ng president ng Student Council. Kunot na kunot na ang noo ko habang tumatango. Nakailang tanong na ba si Ricardo sa bagay na iyon? Maliwanag pa sa sikat ng araw ang mga sinabi n'ya. Maliwanag ngunit iilan lang ang naintindihan ko dahil sa antok na nararamdaman. Damang-dama ko rin ang pagiging Student Council President n'ya, ang authority at posisyon n'ya na pinapairal n'ya ngayon. Iba iyon sa aura n’ya tuwing nasa klase. Sa klase naman kasi ay halos hindi nagsasalita si Ricardo. Kung h