It's monday! Ramdam ko ang magaan at masayang aura ng mga ka-department ko. Isa pa ay maganda talaga ang umaga kahit na hindi pa ganoon kaliwanag ang langit. Lahat talaga kami ay excited ngayong araw. Halata naman iyon sa sigawan at halakhakan sa paligid. Pinag-uusapan lang namin noong nakaraan ang tungkol dito pero heto na ngayon. Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat! Our Department's Retreat Trip! O mas kilala sa tawag namin— Camp. Hindi ko na lang ipinagtaka kung bakit pagkatapos na pagkatapos ng tatlong araw na exam ay bibigyan kami ng tila isang bakasyon na naka-disguise as a trip. Pakiramdam ko nga ay excited na ang pamunuan ng San Sebastian na palayasin kami sa eskwelahan kaya parang ini-spoil nila kami ngayong huling taon na namin sa kolehiyo. Isa rin sa mga na