Pigil-pigil ko ang sariling tumawa sa nakikitang reaksyon ng mga kaibigan ko. Parang may isang pagsabog na naganap at hindi nila alam kung paano iyon haharapin. Lahat yata sila ay nakanganga habang titig na titig sa amin ni Ric. Pabalik-balik ang mga mata nila sa amin at sa kamay ni Ric na nasa baywang ko. “Love?” ulit ni Macky. Itinikom n’ya ang kanina ay nakangangang bibig. Itinuro pa n’ya kami pareho. “Are you guys… An item now?” Hindi pa kami nakakasagot ay kaagad nang itinaas nina Sebastian at Sab ang mga kamay. “Sandali nga lang…” Hinarap ni Seb si Ric. “Pare, tinakot ka ba ni Gabriella? Sinabi ba n’yang hawk n’ya ang pamilya mo?” Natatawang sinipa ko sa binti ang lalaki. “Hoy, Sebastian! Hindi ako ganoong klase ng tao, ha!” “Hindi mo kami masisisi,” segunda naman ni Sab na hind