PROLOGUE

441 Words
PROLOGUE Quinn L's work. "Forgive me, Steve." I pleaded and knelt down in front of him. "Huwag mo ‘kong hawakan. You're disgusting and you ruined my life! Remember that!” he firmly said. "Steve, please. Hindi ko kayang makita ka na nagagalit sa akin nang ganiyan,” Sinubukan ko pa na abutin ang laylayan ng kaniyang damit pero malakas niya la’ng na tinabig ang kamay ko. Nagulat ako roon dahil sa tagal ng pagsasama namin ni Steve ay never niya ‘kong sinaktan nang ganoon. Nanlabo lalo ang mga mata ko dahil sa mga luhang nagbabadya na ngayon na pumatak. Sa tono ng pakikipag-usap sa ‘kin ni Steve ngayon ay alam ko nang buo na ang desisyon niya na iwan ako, alam ko na ‘yon. And it hurts. Marami na kaming binuong mga pangarap at hindi ko na makita ang sarili ko na aabutin ang mga ‘yon nang hindi na siya kasama. I cried even more as if my whole life was crashing into pieces. “Pag-usapan muna natin, huwag mo muna akong iwan... please, kausapin mo muna ako nang maayos-“ "Maayos? Huwag akong magalit? Ha!” nanunuyang tumawa ito na para bang nagbitaw ako ng isang nakakatawang biro saka nagtitimpi na nameywang. “You should have thought that before doing that mistake! Sino pa ang tangang tao ang hindi magagalit sa ginawa mo, hindi ako robot. Let’s end this now-“ No... “Steve, give me one more moment. Magpapaliwanag ako. Please, ayusin natin ‘to-“ pakiusap ko sa kanya habang nababasag na ang boses sa ginagawang pagmamakaawa. Pero nanatili itong malamig. Ang mga mata niya... parehong blanko na sa emosyon. Sa buong pagsasama namin ni Steve, nakita ko kung paano niya ako tignan sa mga mata nang puno ng pagmamahal at pag-aalaga. Pero ngayon? “You didn’t just lose me, but also the relationship we had." He said and walked away, still full of anger. Hindi ko kaya, ang sakit. Parang tinutusok ng kutsilyo ang puso ko. Mali ba na nagmahal ako? Mali ba na umasa sa taong nagpasaya sa ‘kin? "f**k! I should have not done that!" I said while hurting myself even more. "Tangina!" I shouted even louder. I stand and saw myself in the mirror. I am a great mess! What have I done? I started to fix my things, and saw my notebook filled with scratches and dust. Kung saan nag-umpisa ang lahat... "I need to get out of here." I said to myself and walked away. Alam kong may solusyon pa para makuha ulit si Steve. Gagawin ko ang lahat para mangyari ‘yon. Whatever it takes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD