Chapter 1

1671 Words
Chapter 1 "Gosh, I'm running late!" singhal ko sa sarili. I am supposed to meet Steven at 4 o'clock sa favorite restaurant naming dalawa. Pero heto ako, nagmamadaling sumakay ng UV kasi mag-aalas singko impunto na. Nag-extend kasi ‘yong prof ko sa Panitikan. He's late for about 30 minutes. Kami tuloy ang nag-adjust para sa kaniya. Pagkaupo ko sa loob ng UV ay inabot ko na kaagad ang bayad ko. Balak ko na sanang kuhanin ang cellphone ko pagkaabot ng kung sino ng pamasahe mula sa kamay ko nang makita kung sino siya na lumingon din sa ‘kin kaagad nang mukhang makilala rin ako. "Lesley!" "Hoy bruha, ikaw pala ‘yan, saan na naman ang awra mo ha?" Nagtatakang tanong niya sakin. "Ah, pupuntahan ko kasi si Steve, alam mo na... mag-ddate kami." Sabay pataas-taas baba kong kilay sa kanya. "Nang gan'tong oras? Gagabihin kayo niyan. Ang late ng date niyo ha." Nang-aasar na tinignan ako nito kaya inirapan ko siya saka ngumiti. Puro talaga kalokohan. "Manong, isang Morayta po. Estudyante." Sabi ko nang tignan ako ng driver habang hawak ang pera na galing sa ‘kin. "Actually, late na nga ako eh. 4 o'clock ang usapan namin tapos anong oras na ngayon." "Baka umalis na 'yon, isang oras na naghihintay oh.” Aniya habang sinisipat ang relo na suot. “Saan ba kayo dapat magkikita?" "Sa Mi Casa Restaurant." Sagot ko saka napangiti. Naalala ko na hirap na hirap pa kami mamili ng mapagkakasunduan na lugar kung saan magkikita, paano ba naman kasi ay opposite ang lugar na gusto namin palagi. "Ang layo naman!" Komento ni Lesley, sa puntong ito tumunog ang cellphone ko. Sinenyasan ko naman si Lesley habang hawak ang nag-bblink na phone, tumango naman siya. Pagkatingin ko sa caller's ID, si Steve ang tumatawag. ["Nasaan ka na?"] bungad niya kaagad sa ‘kin. Ramdam ko ang inis niya mula sa kabilang linya kaya halos matawa ako. ["Kakasakay ko lang ng UV, Steve. Pasensya ka na, nag-extend kasi ng 30 minutes ‘yung professor ko. Sorry ulit."] Kabado ako dahil alam kong isa ito sa maari naming pag-awayan. Ayoko rin naman na malaman ko kung umalis na sya sa Mi Casa at h'wag na akong papuntahin pa. Dahil sa totoo lang gustong-gusto ko na siyang makita ngayong araw. ["Okay, maghihintay ako."] Mahinahon niyang sagot, narinig ko pa itong nagbuntong- hininga. ["Ingat ka."] Dagdag pa nya, nakaramdam ako ng gaan ng loob sa sinabi nya. Buti nalang hindi siya nagalit.  Madalas kasi kapag late ako sa mga lakad namin, hindi ako kikibuin hanggang sa suyuin ko siya at pansinin ako. Siya kasi ‘yong tipo ng tao na on-time parati. He kept his own schedule planned and organized. Nakaka-inlove tuloy lalo. Madalas niya rin akong pagsabihan lalo na at Accounting student daw ako. Dapat sa ‘kin daw nagsisimula ang pagiging disiplinado sa oras.  Mali ko rin naman, napakabagal ko rin kasing kumilos.   ["Okay, Update kita kapag malapit na 'ko."] I sighed as I ended the call. Nakakadismaya. Dahil alam kong maghihintay na naman siya ng isang oras kung sakali, sobrang traffic pa naman sa Commonwealth. Habang patuloy na umaandar ang sasakyan, kinuha ko naman sa bag ang earphones ko at saka nagpatugtog, binuksan ko na rin ang f******k. May isang friend request, sampung unread message, at tatlong notification. Hindi nga pala ako pala-chat at pala-reply. Tinatamad kasi akong mag-type, mas gusto ko pa ang call. S’yempre ‘di naman lahat ng tao gusto kang kausap. ‘Di ba? Pinansin ko naman ang isang friend request. Di rin ako pala-accept, ginagamit ko lang talaga ang f******k sa mga taong kilala ko personally. Saka ako nagulat noong nakita kong... Steven Blaze Montemayor sent you a friend request. Si Steve? May bagong account? Tiningnan ko muna ang profile niya at nag-scroll ng kaunti. His profile picture was taken I think when he was first year in college. Naka-uniform pa ito at nakatayo siya sa gitna ng mga gusaling nasa likod niya. I think it’s from his old university. Nag-transfer kasi siya. Nakakapagtaka, para saan 'tong new f******k niya? Pero mukang dati pa ang account na ito. May mga ilang post from 2012. Dummy account ba 'to? Poser? Ano 'to? May tinatago ba si Steve sa akin? Nagbuntong-hininga naman ako, at nagisip-isip. Hay, tatanungin ko na lamang siya kapag nagkita kami mamaya.   LUMIPAS ang oras saka ko narating ang Mi Casa Restaurant, nag-reretouch pa ako ng face powder habang lakad-takbo ang ginagawa kanina kaya muntik-muntikan pang madapa. Nakakaloka talaga. Pagpasok ko sa restaurant, hinanap ng mga mata ko kung nasaan siya nakaupo. Nakita ko naman siya kaagad na hawak ang kanyang cellphone. Tiningnan ko muna ang relo ko, 6:23pm na at saka lumakad papunta sa kanya. Hay, ang tagal niyang nag-hintay, halos tatlong oras. "Steve!" Sabay upo ko sa kabilang seat na kaharap niya. "Pasensya ka na talaga. Sobrang traffic, rush hour kasi." Dagdag ko pa. "Okay lang, nagbasa-basa rin naman ako. ‘Di naman nasayang ang oras. Kamusta ka na?" Sambit niya. Saglit akong hindi nakaimik dahil sa naramdamang emosyon mula sa kanya... hindi ko mabasa kung galit ba siya na nagtitimpi lang, o ano. "Ayos lang naman ako, nakakapagod lang yung schedule ko. Palaging gabi ang uwi." Bumagal ang huling mga salitang sinabi ko nang makita na parang may kausap s’ya sa messenger. Nang mapansin yata na nakatuon ang pansin ko roon ay agad niyang pinatay ang phone n’ya. Sino kayang kausap niya? Kaibigan siguro? Parang nagka-urge tuloy ako na tanungin o kaya ay kuhanin ang phone niya para ako mismo ang tumingin. Pinigilan ko ang sarili ko. Ang over-reacting ko na yata. "May gusto ka bang order-in?" Tanong niya. "Hmm, isang iced coffee na lang." Sambit ko, at kinuha ang wallet ko sa bag. Siyempre kahit magka-relasyon kami, ayokong siya ‘yung gumagastos para sa akin. Estudyante lang naman kami, at wala pang trabaho. Ang pera o allowance namin ay galing lang din sa magulang.    "Ako na. My treat." Tumayo na siya agad at hindi na ako hinayaang makapagsalita pa. Seryoso pa rin ang emosyon kaya medyo kinakabahan pa rin ako. Galit o hindi? Ang usual kasi kinukuha niya ang bayad ko dahil alam niyang ayaw ko siyang gumagastos para sa akin. Pero ‘di ko na pinigilan, mag iinarte pa ba 'ko? Late na nga ako. I owe him a lot this time. Habang ako'y nag-sscroll sa twitter na never ko namang nagamit para mag-tweet. Biglang may nag notify. Si Mom ang nag-text. [From: Mom] Nak, nag paalam sakin si Steven na di ka raw makakauwi ngayon at may lakad raw kayo. Pumayag ako dahil wala ka namang pasok bukas at malaki ang tiwala ko kay Steven. Ingat kayo anak, balitaan mo nalang ako pagkauwi mo bukas. I love you. Mag-rereply na sana ako nang biglang umupo na sa harap ko si Steven. "Binilhan kita ng pasta, I just thought na ‘di ka pa kumakain."  “Thank you, Steve.” Sagot ko saka naalala ang itatanong. "Steve, ano yung sinasabi pala ni mom na pinaalam mo 'ko sa kanya? May lakad ba tayo bukod dito?" "Ah 'yon ba?" Sabay nag-buzz ang doon sa counter hudyat na prepared na ang in-order niya para sa akin. Ang bilis naman yata? "Saglit lang, kunin ko lang ‘yong pagkain." Hindi na nya ko pinasagot at tumayo na. Nakatingin lang ako sa kanya na papunta sa may counter. May surprise ba? Hindi naman anniversary namin o kaya wala namang may okasyon sa pamilya niya sa pagkakatanda ko. Nakakunot lang ang noo ko habang tinitingnan siyang pabalik sa table namin dala ang mga pagkain at saka ito inilapag sa harap ko.  "Kumain ka muna. Mukhang gutom ka na." Sabay ngiti niya sa akin.  Anong balak niya? Iba ito sa usual na kinikilos niya. "Steve, anong mayroon? May birthday ba sa pamilya mo?" Tanong ko sabay higop ng iced coffee na binili niya.   "I just want to spend my day and wake up in the morning with you." Sambit niya sabay higop din sa kapeng iniinom niya. Isa nga pala ito sa similarities naming dalawa. Mahilig sa kape. "Hindi kita maintindihan. I mean, bakit may biglaang alis na katulad nito? Mag iibang bansa ka ba? May sakit ka ba? Teka, wala akong dalang extrang damit. Ayokong matulog ng naka-uniform 'no! O wag mo namang sibihin na ‘di talaga tayo matutulog?" Sabay sabay kong tanong. He chuckled and patted my head. Gusto kong umuwi! Syempre first time kaming magsasama sa iisang kwarto kahit 2 years na kaming mag-boyfriend/girlfriend. Ay, advance ko ba mag-isip? ‘Di naman siguro kami magtatabi sa iisang kama? "Don't worry about your clothes. Your mom sent you some. Kinuha ko sa bahay ninyo at dinala ko. About naman sa kung saan tayo pupunta, it's a surprise." He said and smiled sweetly. It's rare that my mom let me spend a whole night with him. I usually have curfew, 12 am na yata ang pinaka gabing uwi ko. Pero sabi ko nga sa inyo, gustong-gusto ko na siyang makita. Halos 2 weeks kaming ‘di nagkita at ‘di man la’ng nag-cchat o video call ‘cause we're both busy sa acads. Hindi na 'ko nag atubili pang sumagot sa sinabi niya. Surprise daw e? Alangan naman na tanungin ko ulit, halata naman na wala akong makukung impormasyon sakanya kung hindi sumama nalang.   Sabagay, gusto ko rin naman ‘yong ideya na magkasama kami buong araw. Siguro nga kailangan namin ng personal at intimate time sa isa't-isa. We need to spice a little bit! Our relationship is getting cold because of our busy schedule. ‘Di ko na namalayan na halos half na pala ng pasta yung nakain ko. Napansin kong nakatingin lang siya sa akin at nakangiti. Nagbago na mood niya, kanina lang para siyang galit na ewan.   Sino ba kasi ‘yong kachat niya? Nawala naman ang ngiti niya noong tumunog ang cellphone niya, mukang may nag-chat sa kanya. Oh, yan na naman?   "Steve, sino 'yan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD