Mariemar
Ilang araw na mula ng nagkasakit si Tatay hindi ko na nga alam ang gagawin kong raket para lang magkasya sa lahat ng gastusin namin. Hindi ako nagrereklamo ah. Masaya ako na ginagawa ko ito para sa pamilya ko, hindi dahil sa utang na loob kundi talagang mahal ko sila mula pa noon kahit iba ang turing nila sa akin. Sa tuwing naaalala ko ang gabi na iyon napapangiti ako kahit nasabon ako ng manager ok lang nakakita naman ako ng hunky. Sa tanda ko na ito hindi ako marunong humarot pero sa lalaking iyon nabuhay ang landi ko na matagal ng tulog since birth.
Hindi ko nga maiwasang kastiguhin ang sarili ko dahil nag-assume ako na sa akin sila nakatingin ng kasama niya. Hindi pa natapos doon ng mahuli ko itong nakatingin sa akin ng minsan akong mautusan na mag serve. Feeling ko that time nagdadalaga palang ako kasi conscious na conscious ako sa mga galawan ko ng oras na ‘yun. Pero ang laki ng panghihinayang ko ng mula ng gabi na makita ko ang lalaki na bumuhay sa isa kong katauhan bilang babae. Pero mula rin noong gabi na iyon ay hindi ko na muli pa itong nakita. Isa pa’y part time lang rin ako doon, kasi nga tatlong araw lang din ang binigay na extra job ko doon sa resto bar na pinagtatrabahuhan ni She.
Wala naman akong magagawa ng bumalik na ako dito sa Cavite kaya sari-saring raket at online selling na lang ang ginawa ko. Hindi na ako makapag-work sa company kasi nag aaral si Paula tapos si Tatay naman makulit pag walang bantay baka lalong samain pa kapag hindi na subaybayan. Magmula ng mamatay si Nanay ay parang naghanap ng pag aaliwan ito pero mali ang nahiligan nito na pag-iinom kaya ayon ang tiyan ang nagkaproblema sa kanya ng malala. Saka minsan mainitin na ang ulo ni Tatay dahil nga rin siguro may dinaramdam, kaya mahabang unawaan na lang total ito naman ang nagmahal sa akin ng tapat kahit hindi ako nito noon dinedepensa kay Nanay.
Lately napapansin ko na bumaba ang timbang nito kaya worried ako sa kalagayan ng aking ama. At ng gabing tumawag ang kapatid ko na hindi na raw kaya ni Tatay at kailangan na itong dalhin nga sa hospital ay doon sumambulat sa akin ang isa pang malaking alalahanin, na confirm nga na bukod sa Gastritis ay meron din itong tatlong pirasong kidney stone sa right kidney. Kaya pala panay ang suka nito at parang gumugulong ang sakit sa loob ng tiyan niya.
Aaminin ko na sobra ang kaba ko sa nangyari kaya nga kung ano man ang i-offer ni She, na raket ay kakagatin ko na. Choosy pa ba ako e, talaga need namin ng pera kasi nga ay need na i-shockwave iyong kidney stone nito isa daw kasi ‘yun sa nagpapahirap kay Tatay pero sabi ng doctor hindi daw basta makukuha sa isang shockwave lang ang lahat ng kidney stone na 'yun. Meaning na malaking pera talaga ang kailangan namin dahil hindi biro ang gagastusin para sa isang session ng shockwave 70 to 100k daw depende pa 'yun sa magiging response ng katawan ni Tatay. Sabi pa ng doctor hindi daw maaaring ipagsawalang bahala ito kaya naman buribot ang utak ko kasi kung ako lang kaya ko ang sarili ko sanay akong magtiis pero sila makita ko na nahihirapan parang mas masakit sa akin ang ganun.
Ilang araw ko ng hinihintay si She, pero walang balita dito kung maisasama ako ulit sa restobar o kahit sa anong raket na alam nito. Literal na perang pera na ako talagang pera ang sandigan sa panahon ngayon. Nadagdagan pa ang alalahanin ko ng minsan kong bisitahin si lola Carmen. Maano bang may maliliit na naman itong sugat sa paa at medyo nakakakaba talaga gawa nga'y diabetic din ito gaya ni Nanay ko plus matanda na rin ito at medyo mahina na ang pangangatawan.
Halos malimit na rin na ma hospital ito, mabuti na lang at ang anak nitong panganay na tiyahin ko na si Nanay Ikang ay may pera kahit matagal ng
a rin na biyuda. Pero ika nga ay hindi maiwasan na mapadaing na rin ito sa gatos dahil hindi biro ang halaga na inilalabas nito kasi nga halos lahat naman ay siya ang sumagot sa lahat ng expenses maging pag may nadidiprensya sa iba pa na kapatid at pamangkin nito. Kahit naman ako malaki ang utang na loob ko kay Nanay Ikang dahil ito ang laging kaagapay ko sa tuwing nasa bingit kami ng alanganin. Pero nito ngang huli a’y humingi na ito ng tulong sa lahat ng anak at mga apo talaga raw nasagad ito, kaya napabigay pa ang 2k na tinatabi ko para sana sa check up ulit ni Tatay lagi akong may ipit na konting halaga para naman may magamit.
Tapos ngayon nga ay may sugat na naman na maliliit si Lola mga simpleng kagat lang daw iyon ng langgam pero nagtutubig at ube na ang kulay. Naitawag na daw ito kay Nanay Ikang pero hindi raw agad mapuntahan pa at wala pang hawak na pera. Hayst sana lang talaga yumaman ako agad para naman lahat sila mapaluguran ko. Kasi naman parang ito ang purpose ko sa mundo at sa pamilyang ito pero inuulit ko masaya ako. Natigilan ako sa pag iisip ng tumunog ang cp ko para sa isang chat.
“(Boi, Sensya na ahh. Di’ pa kita masasama dito sa work, pero last night may nag tanong sa akin about sayo. Ahhh Dragen daw pangalan niya. Know’s mo boi?”. Basa ko sa chat nito pero wala akong maalala na ma kakilala akong Dragen dahil ilag ako sa mga lalaki noon pa man kasi nga ayaw ni Nanay kaya kahit tigok na ito ay still malayo ako sa mga ito.
“(Boi, wala akong kilala na ganyan. Hoy baka naman binigay mo no. ko?. Hinayupak ka She mamaya masamang tao ‘yan”) sabi ko sa chat. Pero sa totoo lang wala akong makapang takot o kakaiba sa pangalan na binanggit nito.
“(Gaga ka Boi, ang hot niya kaya tapos ang bango, plus nuknukan pa sa pogi tapos sureball ako na daks siya fafa Dragen. Kaya paano naman siya magiging masamang tao?E, heaven ang dulot niya sa mga babae aber! Biyaya siya ganern)” Halos mapamulangat ako sa mga pinagsasabi ng bruhang ito.
At paano kya namalan nitong murit na o
ito na daks yung lalaki. Biglang may nag pop-up na isa pang chat at doon nasagot ang tanong ko napa sabi na lang ako ng manyak. Muntakin n’yong habang panay salita daw ng lalaki sa t*ti daw nito s’ya nakatingin kasi raw ay bukol na bukol ang alaga nito at parang ipit na ipit. Waring inaanyayahan daw siya na pakawalan sa loob ng pantalon hitad na hitad ang kaibigan kong ito. Napaka talandi rin ng lokaloka na babaeng ito. Bago pa humaba at kung saan mapunta ang uspaan ay mabilis akong tumipa ng reply para sa kaibigan ko si Miss L din ang peg.
“(Oh diba talagang pinatunayan mo na manyak ka. Ah basta ‘wag kang basta magbigay ng no. ko ah at please pag need ulit ng helper ako na lang Boi, alam mo naman na perang pera na ako sa daming gastusin ba naman.)”reply ko sa kaibigan ko pero iba din ito at sa tulin talaga mareply ng gaga nato para bang hyper lagi.
“(Sus manyak daw. Syempre Aling Mariemar dapat maging aware tayo kung malaki ba ang t*ti o hindi. Aba kaligayahan natin ang nakasalalay doon kung kaya ba tayong patirikin at dahil sa ikapitong langit o baka kahit kiliti ay walang maramdaman dahil kakapurat ang uten baka kahit tingil hindi abutin. It's better to be sure than sorry my friend. At ‘wag kang tanga Boi, alangan na iba pa ang isama ko. E ano pa't Bff kita, kaya ikaw lang ang isasama ko dahil kahit ata ialay ko ang buong banko sentral ng pilipinas kulang pa rin ang pera sayo. Kulang ang pera ng gobyerno inshort para sa'yo para maibigay lahat ng kailangan ng angkan mo. Sige na bye na kahit pa engot-engot ka Boi mahal kita apaw tandaan mo yarn. Yab yuuu)”napailing ako ng mabasa ang reply nito talagang wagas si She kahit kailan pero the best talaga ang gaga na kaibigan maaasahan. Totoo nga ata na kulang ang pera ng gobyerno sa akin.
"Gaga, hindi ka kasi si darna kaya 'wag akuin lahat" Hirit ng isang bahagi ng utak ko. Ewan ko ba parang feeling ko tama na paluguran ko sila dahil pamilya ko sila.
"Bakit mahal at pinapahalagahan ka ba nila?" muling hirit ng utak ko. Bakit ko iisipin pa 'yun kung magiging matuos ako 'di parang gaya na rin nila ako. Iyan lagi ang pamblanka ko sa utak ko. Tama kayo naiisip ko 'yun pero nangingibabaw ang pagmamahal ko para sa kanila.
Isinilid ko na agad ang aking cp at plano ko mag luto ng maaga para mamaya maharap ko ang iba ko pang gagawin kung pwede lang talaga mag Kage bunshin technique gaya ni Naruto ginawa ko na. Yung tipong mga sampung clone para maraming trabaho magawa at syempre maraming kita rin. Isang call center, sales lady, factory worker, kahit dipatcher na rin at iba pa pa rang mabilis makaipon ng kwarta. Buhay d'yeske pera na lang talaga ang may value.
Kaya pa di ba Mariemar laban lang ng laban pasasaan ba't makakaahon din..