Prologue!
Paalala:
This story po ay may mga kaganapan na maaaring hindi niyo magustuhan o sabihin na nating sobra na sa kat*ngahan o kamartiran. Ang ilang mga scene ay magiging mapasakit. Marapat lang po na kung hindi po ninyo gusto ang kwento ay 'wag na lang po ninyong basahin. Ang kwentong ito ay isa sa mukha ng aking emahinasyon. Mangilan-ngilan dito ay maarimg nagaganap sa totoong buhay. Sana po ay inyong magustuhan at itoy mag iwan ng mga on points na mga aral. Muli maraming salamat po❤️
Samahan natin ang dalawang tao na parehong naghahanap at nangangarap ng tunay na pagmamahal..
Masaya ang buhay ng mag asawang Hayes at Sharina na biniyayaan ng anak na kambal at ang bunso at ikatlo nga ay si Arthes o mas kilala sa tawag na Azul.
Bata palang si Arthes ay kita na ang kaibahan sa mga kapatid niya lalo na sa lalaki nakakamabal ng Ate Selene niya. Mahusay ang naging pagpapalaki ng mag asawa sa mga anak. Minulat nila ang mga ito na kailangan maging patas sa lahat at maging mapagmahal sa kapwa naiiba man ng antas.
Maging ang amang si Hayes ay laging pinangangaralan ang mga anak na lalaki na huwag na huwag manakit o manggagamit ng kahit na sino mang babae.
Hayes is a better man, husband and father. Mabilis na lumipas ang panahon nagsimula na magkaroon ng kanya kanyang buhay ang mga anak nila. Sila namang mag asawa ay handa pa rin na gumabay at umalalay sa mga ito.
So far ang kambal ay maayos na ang buhay at takbo ng karera. But the only concern that they have right noway ang anak na bunso na si Arthes mula ng mabigo ito sa kasintahan na si Erra ay malaking pagbabago ang naganap sa binata.
Sabagay ay sa una palang naman ay tutol na si Sharina at Selene sa babaeng pinili ng anak at kapatid. Hindi maganda ang kutob nila sa babae na maaaring masaktan o saktan lang si Arthes o magdulot ng pagkawasak ng buhay nito hindi nga sila nagkamali. Maraming pangarap si Arthes at sa lahat ng iyon ay sinama n’ya ang kasintahan. Ngunit hindi makunto doon ang babae at piniling iwanan ang binata. Nang iwan nito si Arthes ay naging parang mistulang buhay na patay ito. Erra choose her career over Arthes kung tutuusin kaya naman ibigay ni Arthes ang lahat.
Doon naisiwalat na isa palang hitad ang babaeng iyon. Doon nagbago ng tuluyan si Arthes na wala na itong hinayaan na babae na makalapit sa kanya naging cold at focus lang ito sa company na minamanage nito. Naging malihim at malayo kahit sa magulang niya. May mga group of friends naman ito at sumasama sa mga lakad. Gusto man ng mag asawa na bumalik na ito sa dati ngunit paano naman?.
“Ano ka ba Mariemar ang simple lang naman niyan hindi mo pa magawa?”Araw-araw ay ganito ang naririnig n’ya.She’s working day and night pero hindi s’ya napapagod mas pagod ang puso at emosyon n’ya sa t’wing hindi maiwasan na sabihing sampid lang s’ya.
She was sixteen ng malaman n’yang hindi s’ya anak ng mag asawang Martinez. Magmula noon may ginalingan n’ya sa lahat sa academic, sports pero ni minsan, no one recognised what's she gained. Mas napupuna pa ang mga pagkakamali niya but she never stop para mahalin s’ya at tanggapin. Ngunit sadyang ipinagkait ‘yun sa kanya. May mga pinasan s’ya na okay naman pero may pinsan din s’yang hindi pabor sa kanya.
But luckily ay swerte s’ya kapatid kasi ok na ok sila. Tunay na kapatid ang turingan nila at walang inggitan. Nalulungkot man si Mariemar kasi hindi na siya hinayaan na nakapagtapos ng kolehiyo, ngunit hindi naman natapos doon ang pangarap niya. Hanggang dumating ang araw na nagkasakit ang kanyang kinikilalang ina siya rin ang nagalaga dito hanggang sa bawian ng buhay ito dahil 'di na kinaya. Nagunit bago pa mang tuluyang mamaalam ang ina ay naliwanagan siya lahat.
Ngunit isang hiling ang iniwan nito na agada din niyang sinang ayunan. Ang hindi niya alam ito ang magdadala pala sa kanya sa mas masakit na mundo. .
“Mariemar anak ko, huwag na huwag mo sanang pababayaan ang tatay at kapatid mo manatili ka hanggang kailangan ka nila anak. Patawarin mo ako naging paraan ko ‘yun para maging matibay ka. Ipangako mo na hindi ka susuko sa lahat mauuna na ako anak”huling kataga ng kanyang ina pero halos parang dinagukan siya akala n’ya hanggang sa huli ipagkakait nito na ma tawag siyang anak.
“Pangako hanggang kaya ko mananatili ako lahat ay gagawin ko hindi lang para kina tatay pati kina lola. Pahinga ka na nanay”bulong na pangako ng dalaga.
Hanggang saan ang kaya mong ibigay para sa pamilyang mahal at iniingatan?. Mananatili ka pa ba sa lugar lung saan ka puulit ulit na nasasaktan?. Hahayaan mo bang makanakaw ka lng ng konting oras at atensyon sa taong iba iba ang pakitungo sayo?
Magababago kaya ang kapalaran ng pusong, uhaw at laging nanglilimos ngpagmamahal?. May pupuntahan kaya ang pagmamahal na wagas at higit pa sa sobra?
Oh muling masasaktan lang at maiiwang durog, luhaan at mag isa. May happy ending ba sa mga pusong lito, pagod at takot ng sumubok mag mahal muli? May magandang bukas ba para kay Mariemar at Azul?