Tagaktak ang kanyang pawis sa buong katawan at habol niya ang hininga ng matapos sila. Hindi lang shooting exercices ang ginawa nila dahil pagkatapos ay sinubukan naman nito ang kanyang hand to hand combat skills. "Jessica really did a good job in training you but still you're no match for me." Inabot ni Alexander ang towel sa kanya. Maski ito ay tagaktak din ang pawis. "Because you a monster in regard to this field. Simula pagkabata, ginagawa mo na ito kaya bihasa ka na. Samantalang ako, I was fifteen nang simula akong turuan ni Ate Jess." "But you still manage to master them. Magaling magturo si Jess and you're very eager to learn kaya swak ang tandem niyo." Sabay silang napatingin ng tumunog ang cellphone nitong nakapatong sa lamesa. Nakasunod ang tingin niya sa bawat