Mabuti na lang at hindi niya nagisnan si Alexander ng magising siya. Pagkatapos kasi ng may mangyari sa kanila sa gym ay bumalik siya sa kanyang kwarto. Nakaramdam siya ng antok pagkatapos niyang maligo. Nang magising siya ay alas dies na pala. Nadatnan niya ang Mama Esme at ang kanyang Kuya Ehan na nag-uusap sa kitchen. Humalik siya sa pisngi ng dalawa. Hindi naman siya mapakali dahil sa mapanuring tingin ni Ethan sa kanya. "Bakit?" takang tanong niya. Habol kasi siya ng tingin ng dalawa. "Blooming ka lalo ngayon." untag ni Ethan. Ang mga tingin talaga nito ang nakakapagpakaba sa kanya tuwina. Ngumiti siya. "Matagal na talaga akong blooming, kuya." "Oh, baka naman may dahilan kung bakit ganyan ka na ngayon? Aba! Napapadalas na yata ang pag-alis-alis mo ngayon, a