Walang imik si Amara habang hawak ni Xander ang kanyang kamay. Kanina pa siya ng nabibingi sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nanatili itong walang imik habang hila-hila siya. Kanina pa niya ito gustong tanungin kung saan sila pupunta pero lahat ng kanyang katanungan ay hindi na niya nasabi pa dahil natanawan niya ang private chopper ni Ethan. "Where are we going?" tanong niya. Tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. "We're going somewhere safer than here. Sa dami kasi ng pupuntahan mo, bakit dito pa?" Nainis siya sa tanong nito. Halos mag-isang linya ang kanyang kilay dahil sa sinabi nito. "How would I know that I could be in danger here? Oh, baka naman dahil sa'yo kaya ako nanganganib ngayon?" Saglit itong natigilan. "Can you please just cooperate? Love, plea