Wala siyang imik habang nasa biyahe sila. Tigas ang leeg niyang hindi tumingin dito. Ilang beses ng tinawag nito ang kanyang pangalan ngunit hindi siya kumibo. Kumukulo talaga ang dugo niya rito. "Love naman...kausapin mo na ako," samo nito. Wala itong natanggap na reaksiyon mula sa kanya. Kahit pa ng mapansin niyang ibang direksyon ang tinutungo nila, wala siyang pakialam. "Please, love. I'm really sorry." Naramdaman niyang tumigil ang sasakyan. At her peripheral vision, she saw him came out from the car. Nagtungo ito sa side niya at binuksan ang pinto. Niyakap lang siya nito nang mahigpit. Nakasubsob ang mukha nito sa may dibdib niya. "Pansinin mo na ako, please? Huwag naman ganito, love. Sorry na. Sorry na talaga." "I hate you," bulong niya. Nag-angat ito