Chapter 2

1513 Words
Chapter 2: Twin Hearts "Ang katotohan ng pagkatao mo at pinagmulan mo." Bago pa niya masimulan ang kwento niya ay tumayo siya at pumunta sa bintana. Sinara niya ang lahat ng bintana maski ang pinto ng kwarto niya ay sinara niya ng mabuti. Pagkatapos niyang gawin yu ay humalik siya sa kinauupuan ko at hinawakan ang dalawa kong kamay. "Panahon na para sabihin ko sayo ang pinagmulan mo. Kung sino ka talaga at kung ano ka." Panimula niya. **** 'galing ako sa cliffview mula sa panonood ng Lone Moon noon. Magisa nalang ako sa daan dahil hanggang sa sakayan lang naghahatid ang mga taxi hindi sila makakapasok sa kakahuyan. Naglalakad ako ng may napansin akong anino ng tatlong kalalakihan. Nagtatawanan sila at narinig kong ako ang pinatutungkulan ng kwento nila kaya naman mas hinilisan ko pa ang lakad na halos maging takbo na. Pumasok ako sa gubat na agad kong pinagsisihan. Mas bumagal ang mga hakbang ko dahil sa hindi patag na daan.  Hanggang sa maabutan nila ako. Pero may may tumulong sakin, ang ama mo. Hindi ko alam paano niya nagawa bigla nalamg nagtakhuhan ang mga lalaki, 'di hamak na mas lamang sila sa bilang pero isang tingin lang kumaripas agad sila ng takbo. Lumapit siya sa akin. at tinulungan ako, peri dahil narin sa pagod nawalan ako ng malay. Paggising ko nakita ko siya, nasa isang maliit na kubo kami sa gubat parin at may napansin akong kakaiba sa katawan ko. May parang tatoo ako sa bandang kaliwa ng dibdib ko. Sabi niya simbolo ito ng samahan nila. Akala ko kung anong samahan lang at namalik-mata lang ako kanina pero hindi. Totoo lahat ng nakita ko, hindi siya tao. Isa siyang werewolf. May anyong tao na kayang maging lobo sa kahit anong oras.' "Tama ka ng dinig anak, hindi siya tao at marahil may ideya ka na. Katulad ka niya." 'sinabi niya sakin, na ako ang tinakda ng buwan na magluwal ng tagapagmana niya. Minsan lang mangyari ito sa lahi nila. Hindi siya nakahanap ng tinatawag nilang mate sa mga kauri niya kaya isang tao ang itinakda para sa kanya. Dapat ay gagawin niya akong katulad niya bago isilang ang supling, pero hindi niya ginawa. Mas minabuti niyang manatili akong tao dahil hindi dito nagtatapos ang buhay na meron ako. May pamilya, pangarap at higit sa lahat hindi niya ako katulad. He keeps me in my comfort, as long as kanya ang bata. Pero hindi ganoon kadali. Tao ako kaya hindi ugma ang hormones ko sa genes na meron siya. Nagsilang ako. Tao.. at lobo. Dalawa kayo. At sa paniniwala nila. Kapag tao ang nagsilang ng kanilang lahi at dalawa ito. Dapat mawala ang isa. Pareho kayong may katawang tao. Dahil sa batas nila, tinakas kita, tinulungan niya tayong makalayo. You can run but you can't hide. Hindi kita tinago. Pero nilayo kita sa kapahamakan. Ang kapatid mo ay lalaki. Siya ang tatayong susunod na pinuno ang pack. Hindi ko alam ang binigay niyang panangalan. Pero malalaman mong siya kapag nakita mo ang kaparehong kwentas na to. Hindi magtatagal at magbabago ang anyo mo. Kaya bago pa sumapit ang gabi ng kabilugan ng buwan dapat kang magpunta sa cellar natin. May kinuha siyang susi na kasama ng kwintas. Gamitin mo 'to, may nalakas na amoy ng tao ang kwartong iyon kaya hindi ka nila matutunton kahit magbago pa ang wangis mo. Malakas ang pangamoy nila, at matalas ang mata. Kaya kahit kailan hindi kita hinayaan na itali ang buhok mo dahil sa matamis na amoy ng vanilla sa katawan mo. Magkakaiba ang amoy ng bawat lobo pero magkapareho kayo ng kapatid mo. Maaaring matunton kaniya hindi man ngayon pero alam ko mangyayari 'yon. Magiingat ka palagi. Kapag may kakaiba sa pakiramdam mo umuwi ka kaagad. Hindi kanila magagalaw dito sa loob ng bahay dahil sa basbas ng buwan. Tanging ang mga katulad lang natin ang makakapasok dito.  **** Hanggang ngayon hindi parin maabsorba ng utak ko ang mga rebelasyon tungkol sa pagkatao ko pero isa lang ang alam ko. Nasa panganib ang buhay ko oras na maamoy nila ako. Base sa kwento ni mama magkaparehas kami ng kapatid ko ng amoy. Vanilla. Oras na matrace nila ako papatayin nila ako dahil sa batas nila. Pero sino? Si Leo? o ang lalaki sa CliffView? Alin man sa kanila kailangan kong mag-ingat. --- Weekend ngayon at wala akong balak lumabas. Mas okay ako pag nasa loob ng bahay. Walang magtatangka dahil narin sa sinabi ni Mama na proteksyon. Nararamdaman ko na may nagbabago sa katawan ko. Tuwing may gagawin ako bumibilis ang mga kilos ko na hindi normal, kung dati inaabot ako ng 2 oras sa paglilinis at pagaayos ng lahat sa bahay, ngayon nagawa ko ito sa loob lamang ng dalawampung minuto. Nagbabasa ako ng mga articles na patungkol sa mga taong lobo at isa isa kong nararamdaman ang iba dito. Hindi man accurate ang data sa libro o internet at least may mga tumutugma naman dito. Masyado akong engross sa binabasa ko kaya hindi ko napansin na may ibang tao na sa kwarto ko.  "Sis, ano bang kina-bibusyhan mo at hindi mo kami pinapansin dito." tanong ni Ara. Sinisilip niya ang libro pero tinago ko ito sa likuran ko.  Hindi ko pa ako handang sabihin sa kanila ang mga nalaman ko ngayon. Nasa parte ng isip ko na baka hindi nila tanggap at pwede ring layuan nila ako dahil baka isipin nila na masama ako kagaya ng sa mga nabasa ko.  Dati iniisip ko na iba ako sakanila, na may mali sakin. Totoo pala. Hindi ako ordinaryo at mas lalong hindi ako Tao.  Para mawala ang isipin sakin ay inaya ko silang mag mall. Nasabi sakin ni mama na may mga bagay na magbabago sakin kaya inihanda ko na ang sarili sa posibilidad. Pagkarating sa Mall, nagkayayaan na kumain muna kami dahil maglulunch na. Naghihintay kami ng order nang may biglang umupo sa kalapit naming table. Isang grupo ng hindi ko nalang pinansin ang mga ito pero parang isang bell na nagpantig ang tenga ko. Kahit mahina ang mga boses sa pangkaraniwan, unti-unting lumalakas ang mga ito sa pandinig ko. Mabilis akong napalingon sa mga ito. Tama ang hinala ko. Sina Leo. Kasama ang dalawa pa sa mga kaklase namin at isang lalaking unang beses ko lang nakita.  Hindi ko nalang sila pinansin, simula kasi ng tignan ko sila hindi na nagsalita ang mga ito muli. Sa isip sila nagusap-usap na parang nagkakaintindihan sila. Umuwi na kami mga bandang hapon na. Naisipan kong maglakad papasok ng village para narin makapag isip ako. Hindi maproseso ng utak ko ang mga nangyari ngayong araw pero alam kong ngayon lang 'to. Napatigil ako sa paglakad ng may maramdamang may sumusunod sakin. Kinalma ko ang sarili at itinuon sa presensya ang pansin. Hindi ko malaman kung ano o sino ang sumusunod sakin, pero sa nararamdaman ko tila hindi ito humihinga para hindi malaman kung saan ito nagtatago. Humihina ang presensya niya hanggang tuluyan mawala. Naglakad akong muli at nakarating sa bahay. Hindi ko na ito inisip pang muli. May klase kami ngayon kaya inagahan kong gumising. Pagbaba ko sa kusina wala pa si mama siguradong late nanaman siyang nakauwi kaya late nanaman ang gising niya. Nagluto lang ako ng fried rice at bacon and egg. Nagtimpla narin ako ng coffee para saming dalawa. Umakyat ako sa kwarto niya para gisingin siya. Naabutan kong tulog na tulog pa siya. Gigisingin ko na sana siya ng mahagip ng mga mata ko ang maliit na table sa tabihan niya. Nandoon ang picture naming dalawa sa frame na nakadilit sa lampshade. Katabi nito ang cellphone niyang kanina pa tumutunog ang alarm. Io-off ko nasana ang alarm niya pero may natabig akong maliit na papel na nakatupi. Pinulot ko ito at ilalagay na sana sa table pero may kung anong naguutos sakin na buksan ito at basahin. 'Make her safe until the next selection, L will be the next alpha, we'll make the treaty to make her safe.' PS. You too. ~M Nabitawan ko ang sulat ng mabasa ko ito. Hindi man kumpleto ang sulat, alam kong ang ama namin ang nagbigay nito. Napatingin ako sa bukas na bintana, nililipad ng hangin ang kurtina at tila bago lang ito. Nandito siya. Lumapit ako dito at tinungo ang terasa.  May kulay lilang amoy ang nagliliparan sa hangin. Sinundan ko ito hanggang sa makarating sa malagung gubat sa likod lang ng village.  Hindi ko na ulit nakita ang amoy na ito nang malapit na ako sa pader na hangganan ng village.  Kakulay ito ng amoy ko na ni minsan hindi ko nakita kay mama. Siguro nga dahil magkaiba kami ay wala siyang amoy na tanging mga lobo ang meron.  HIndi na ako nagtagal at hindi ko na hinabol pa ang nagpadala ng sulat. Pumasok na ako ng bahay at tinuloy ang pagkain at pumasok na. Una kong nakita sina Ara sa pwesto namin pagkatapos tumungin ako kina Leo, may bago silang kasama, ang lalaking kasama nila cafe dati.  Tumunog ang bell. Pumasok ang prof namin na may kasamang dalawang lalaki. Namumukhaan ko ang isa dito ang lalaking nakita ko sa Cliff. "Can you please introduce your selves?" sabi ng prof namin sa mga ito. Unang nagpakilala ang kasama nitong lalaki. "Hi, I'am Aaron nice to meet you. Sa aura niya mukha siyang mabait.  "I'm Lucas"  habang sinasabi niya iyon, natayuan ang balahibo ko sa katawan, at parang  may malakas na hangin ang dumaan dahil sa kwarto. "Mine.." mahina pero parang nabingi ako sa binigkas niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD