Chapter 1

2809 Words
Chapter 1: Lone Moon Ito ang unanag araw ng klase ko bilang isang ganap na teen. Nakaharap ako ngayon sa walk-in closet ko at pumipili ng damit na susuutin ko. Nakakita ako ng itim na crop top shirt na pinaresan ko naman ng cardigan para mas presentableng tignan at skinny rip jeans. Nagboots naman ako para sa pampaa. Mas nagmukha akong dalaga. Pagbaba ko nakita ko si mama na nagaayos sa hapag kainan. Mabilis ang kilos niya, malamang late nanaman sa work. Kahit kasi sabihin ko sakanya na kaya ko na lagi parin gusto niya siya ang umasikaso sakin. "good morning" bati ko at humalik sakanya. "Late ka na kaya ko naman, I'll clean after. Baka lalo kang mapagalitan sa gingawa mo. ". "Sigurado ka ba na kaya mo na?" tanong niya sakin  "malaki na ko kaya ko na pwede na nga akong mag-asawa eh" tumawa ako dahil nakita ko siya ng napaismid sa sinabi ko. Tumatakbong nagpaalam siya sakin at kinuha ang bag sa salas. Habang kumakain kinakalikot ko naman ang cellphone ko para sa mga social accounts ko. Pagkatapos kong iligpit ang lahat, inayos ko na rin ang bag ko at chineck kung nakasarado lahat ng pintuan.  Lumabas na ako at naglakad papunta sa sakayan. Pagdating ko sa school agad akong sinalubong ng dalawa kong kaibigan. Dumiretso kami sa room at pagkalapag ng gamit namin pinagusapan namin ang mga bagay na ginawa namin sa nagdaang summer. Nagkakasiyahan kami ng biglang tumunog ang bell hudyat ng pagsisimula ng klase.  "May mga bago pala tayong kaklase ngayon, sa narinig ko galing sa north daw mga may itsura." sabi ni Ara, humagikhik siya pagkasabi niya kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit kaya naisipan nilang lumipat dito?" tanong naman ni Sha--Shannon. Oo nga higit na mas magaganda ang school sa North kaya nakakapagtaka na lumipat sila dito. Normal na school lang ang EastLand kumpara sa mga school sa North malalaki ang areas nila doon kaya halos lahat ng sports may sariling field, minsan na akong nakapunta doon ng masali ako sa laro ng baseball. Mahilig kami sa outdoor games. Tatlo kaming kasali sa team ng baseball girls. I am one of the best pitcher of the team. Mas napapamalas ko kasi ang galing sa laro kapag ako ang pitcher. Pag may mga games lagi kaming nagpupustahan kung sino ang mananalo laging may wish na dapat tuparin. Pumasok ng room ang prof namin at nasa likod nito ang tatlong lalaki. Katulad ng sabi ni Ara mga may itsura sila lahat. Pumasok na sila at napansin kong nakatingin sakin ang isa sa kanila. Nahuhuli siya at habang naglalakad parang slow-mo ang dating. Nauna akong nagiwas ng tingin. Dumiretso sila sa harap katabi ni prof at minustrahan na magpakilala. "Good Morning I am Nathan, nice to meet you." Sabi nung naunang lalaki kanina. "I'm Kaden" sabi naman ng lalaking kulay blue ang buhok. Bago naman magpakilala ang lalaking kanina nakatingin sakin isang beses pa niya akong sinulyapan at diretsong tumingin sa kawalan. "Leo". Pagkatapos nila magpakilala pinapunta sila sa likod dahil dun lang walang nakaupo. Nang liningon ko sila nakita ko nakatingin parin siya nakin. Nakipagtitigan ako sakanya, sa paraan ng pagtingin niya sakin parang nakakaramdam akong kilala ko siya. Longing. Hindi ko siya kilala pero parang may nagsasabi sakin na may bond kami sa isa't-isa. Nagpatuloy ang lecture at sinubukan kong ituon ang attention ko sa klase, pero nagloloko ako kung sahihin kong nawala na sa isip ko ang pakiramdam na hindi ko mapaliwanag.  Tanghali na at tapos na lahat ng klase ko para sa araw na ito. Pumunta kami sa paborito naming kainan sa  labas ng campus. Madalas kaming magjamming na magkakaibigan tuwing walang pasok o klase at dito kami madalas pumunta dahil madami ditong instruments tulad ng gitara,  violon, cello, piano at iba pa na libreng pinapagamit samin. Nasa taas kami malapit sa railings ng hagdan sa gitna at mula dito nakikita namin ang mga nasa baba o ang mga bagong pasok. Mula sa kinauupuan ko parang may malamig na hangin ang dumantay sa mukha ko. Kasabay nito ang pagtunog ng bell sa pintuan na ibig ay may pumasok. Parang magnet na napalingon ako sa harapan at nakita ang tatlong lalaki na pumasok. Winala ko sa isip ang mga ito at muling itinuon ang pansin sa mga kasamahan ko. "Malapit na pala maganap ang ina-abangang lone moon, gusto niyo manood?" tanong samin ni Ara. "Sabi ng matatanda, kapag daw napanood mo ang lone moon makikita mo na din ang taong itinakda para sayo kasi ito daw ang magbibigay hudyat sayo at magtatali ng heartstrig mo." pagpapatuloy niya pa.  "Naniwala ka naman? Bakit hanggang ngayon marami paring single sa mga nakakita na ng lone moon? Si Lila nga pinanganak sa mismong araw ng lone moon pero hanggang ngayon single parin hahaha." nagtawanan silang dalwa pagkatapos sabihin ni Sha ang mga bagay na iyon. Sabagay totoong ipinanganak ako sa mismong araw ng lone moon. Sabi ni Mama, ibinigay ako ng buwan sakanya kahit na wala siyang katulong na sumuporta sakin. Hindi naman siya nagsisisi na itinuloy niya ang pagluluwal sakin kahit na wala siyang mapakitang ama. Bigla nalang daw kasing naglaho ito na parang bula noong nasa sinapupunan pa lamang ako.  Wala din naman siyang nabanggit na kahit anong pangalan kasi hindi naman daw niya kilala. Hanggang ngayon hinahanp ko parin siya pero never akong nagtanong dahil alam kong masakit para sakanya. Sabi pa nga ng iba hindi siya ang totoong ina ko at nakita lang ako sa gubat. Meron din na sinabing putok ako sa buho. Wala kaming malapit na kamag-anak at kahit meron ay hindi ko din alam kung sino sila. Simula pagkabata nagpalipit-lipat na kami ng bahay dahil sa trabaho niya at dito na ang huli. College na daw ako at dalaga na kaya hindi na siya kukuha ng trabahong kailangan ng relocatio. Sa isang araw naman kaarawan ko na at 18 na ako. Sadyang mapaglaro ang kapalaran na sa mismong araw ng lone moon ako pinanganak at ngayon naman sa mismong lone moon din ang ikalabing-walo kong kaarawan. "Sabay sa birthday mo, saan tayo?" tanong ni Sha sakin.  "oo nga pala no? san mo gusto?" sabi naman ni Ara. "Simple lang gusto, magcelebrate tayong apat sa Yelli's okay na ako." simpleng sagot ko at umuwas ng tingin. Pero sa pag-iwas ko nakita ko nanaman ang tingin niya sakin. 'Leo sino ka ba talaga?' ---- D-Day Nagsuot lamang ako ng plain white shirt at skinny jeans papasok sa school ngayon. Tinali ko rin ang may kahabaan kong buhok. Simula pa kaninang paggising ay tunog ng cellphone ko lang ang naririnig ko. Mga bati mula sa kaibigan at kakilala ngayong kaarawan ko. Pagkatapos magligo at magbihis ay bumaba na ako. Naabutan ko nanan siyang nagmamadali. May cake sa lamesa at smoothies para sakin dalawa. Nakangiti siyang napatingin sakin pero agad din nawala ng makita niya ang ayos ko. "Palagi kong sina-sabi sayo na huwag mong itatali ang buhok mo" pagkatapos ay lumapit siya sa akin at kinalas ito. Kumuha siya ng suklay at pinaupo ako sa harap ng cake. Sinusuklahan niya ang buhok ko. Sa hindi malamang dahilan, palaging hindi pwedeng itali ang buhok ko. Sabi niya mas maganda daw na nakalugay lang ito. "let's blow the candle mom" tawag ko sa pansin niya "baka malate ka na naman, wala natayong pambili ng pagkain." biro ko  sa kanya. Hindi naman talaga kami mayaman hindi rin mahirap. Bata palang ako marunong na siyang mag-invest kaya may nagagastos kami sa pang araw-araw. Pero mas pinili niyang magtrabaho para samin dalawa at ipunin ang lahat ng kita sa investment para sa future ko. "Nga pala ma, nag-aaya sila Ara at Sha na manood ng Lone Moon mamaya tapos magcecelebrate sa Yelli's kaya late na kong uuwi" sabi ko sakanya. Napansin kong natugilan siya kasi nagsisindi siya ng kandila at tuminhin sakin. "Hindi ka pwedeng manood. Magdiretso nalang kayo sa Yelli's at mag celebrate." "Bakit naman hindi pwede? Birthday ko naman, payag na.. please?" pag pupumilit ko pero humindi lang siya at sinabing ayon sa pamahiin hindi pwedeng lumayo ang may birthday dahil pwedeng madisgrasya o ano mang masama ang mangyari dito. "Nagmamadali ako kaya hipan mo na 'to at papasok na ko. Lila, makinig ka sakin at huwag pasaway" Kumanta siya ng happy birthday at hinipan ko na ang kandila. Parang may kung anong hangin ang dumapo sa pisngi ko.  Nasa school grounds kami at nanonood ng mga naglalaro ng soccer. Maraming nandito ngayon kasi may try-out ng soccer. Inaya nila akong manood muna bago kami punta sa North. Sinabi ko sakanila na hindj ako pwedeng umalis pero mapilit talaga sila. Magiingat naman daw kami kaya okay lang. Hindi nalang daw nila sasabihin kay mama para hindi kami pagalitan. Habang nanonood ng laro, nakita ko nanaman sila leo. Mag tatry-out rin siguro sila dahil naka plain jersey sila katulad ng mga manlalaro. "Ara si mr. sporty na ang maglalaro." kinikilug na sabi ni Sha sabay hataw sa kamay ni Ara at turo kay Kaden. “Seriously, may gusto ka sa kanya?” tanong ko dito. “Ang hot kaya niya, ang mga ganun ang tipo kong lalaki. May muscles. Hahaha” Nanood nalang kami ng laro, magaling din naman sila, sila lang lagi ang nakakapuntos sa friendly fight. What to expect taga-North sila at field games ang best games nila. Tumayo kami at dumiretso sa parking lot. Mag-aalas kwatro na ng hapon at mahigit isang oras ang biyahe papunta sa CliffView. Ito ang pinakamalapit na sight-seeing place mula sa east. May mga equipments na ginagamit dito na ready na para sa mga taong gusto nanood ng stars at moon. Ginawa itong Observatory dahil nasa taas ito ng Cliff. Habang nasa biyahe, unti-unti akong nakakaramdam ng pagbabago sa katawan ko. Hindi ko mapaliwanag, hanggang sa makatulog ako. Nakaramdam ako ng mumunting tapik sa pisngi at balikat kaya minulat ko ang mga mata ko. Napansin kong madilim na ang paligid kaya tumingin ako sa labas at nakita kong nakarating na kami sa pakay naming lugar. Medyo blured pa ang nakikita ko sa paligid kasi magigising ko lang. Nanatiling nakaupo ako habang nakasandal ang ulo ko sa likod ng kotse. Pagkatapos ay lumabas na kami, magsisila saktong 7:08  ang paglitaw ng lone moon kaya humanap kami ng magandang pwesto. May dala kaming snacks at drinks at may picnic blanket rin na nakaready sa kotse. Inilatag lang namin lahat ng ito sa hindi kalayuan sa bangin pero hindi rin sobrang malapit. Sa pag labas ng kakaibang kulay sa buwan marami ang nasisiyahan. Maraming kumukuha ng litrato at maraming may hawak ng binaculars. Sa hindi malamang kadahilanan. Parang nagiging maliwanag ang buwan para sakin. Ang hampas ng hangin sa balat ko ay umaakap sakin. Ang lamig nito ay hindi maramdaman parang may kung anong mahika ang bumabalot dito. Muli kong tinignan ang buwan at may nakita akong parang babaeng may koronang nakaupo sa parang butas nito. Pinilig niya ang ulo at muling tinignan ang buwan ngunit wala na dito ang nakita niya.  Dali-daling kinuha niya ang binacular kay Sha na ginagamit nito at tinutok sa buwan pero wala parin siyang nakita. Nagbalik sa dati ang paningin niya. Ganoon na lamang ang panghihinayang niya pero nawala rin agad dahil sa gandang dulot ng buwan. Binalik niya sa kaibigan ang gamit sa lumapit ng kaunti sa bangin. Dumako sa ibaba ng bangin ang tingin ko at may maunting tao rin sa baba. Pinagmasdan ko lang silang lahat pati narin ang mga galaw nila. 'he's here' may narinig akong bulong ng isang babae kaya agad akong napatingin sa likod ko. Ako lang ang tao dito dahil malayo layo na sila sakin. 'sa baba' Creepy, pero parang hinihila nito ang paningin ko at muling bumaling sa ibaba. May nakita akong isang lalaki pero hindi ko  makita ng ayos ang mukha nito. 'he found us' who found who? who are you. Hindi ko alam pero ito ang nabigkas ko sa isip ko. At laking gulat ko ng sumagot ito sakin. 'our mate, he found us he's here' o my goodness, naririnig ko ang sub conscience ko. 'hindi ako sub con, ako ang wolfself mo.' wo-wo-wolfself? ano 'yon di ko alam 'yon? 'hindi pa ito ang tamang panahon, pero alam kong malapit na.. malapit na tayong magkita' Pahinang pahina ang boses nito at bago pa ako makabawi muli kong tinignan ang lalaki sa ibaba ngunit wala na ito sa lugar king saan ko siya nakita. Tinignan kong mabuti ang paligid pero iba ang nakita ko. Sina Leo, kausap ang mga kaibigan ko.  Pero bago pa ako makalapit sa kanila, nakita ko nanaman siya sa di kalayuan.  'mine...' Pagkarinig ko sa mga katagang iyon ay bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung paano nangyari 'to pero isa lang ang alam ko... hindi normal ang nararamdaman ko.  Muli ay pabalik na sana ako sa mga kasamahan ko pero may kung anong bagay ang pumupigil sakin.  Isang parang salamin na bumabalot sa paligid ko. Hindi ako makahinga. Nababalot ng dilim ang palid ko at unti-unti akong hinihila pababa. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari paggising ko kinaumagahan ay nasa bahay na ako. Bumukas ang pinto at niluwa nito si mama na may pagaalala sa mukha at dali daling nagpunta sa tabihan ko ng makitang gising na ako. "Tignan mong bata ka kung anong napapala mo sa katigasan ng ulo mo.? Sinabihan na kitang huwag pupunta doon hindi ba?" pagalit pero may pagaalalang sabi niya. "Ma, okay na sorry na. Masakit pa ang ulo ko kaya mamaya ka na manermon please." ako sabay higa muli. Alam kong hindi siya titigil sa kakasermon niya.  "Napapala ng pasaway, may kakaiba ka bang naramdaman noong nandoon ka? Masakit sa katawan? Ano?" sunod sunod na tanong niya. Hindi ko si pinapansin at naka pikit lang ako, tumagilid ako ng higa pero pinaharap parin niya ko sa kanya. "o may nakita kang ibang tao?" doon ako napamulat, nagulat pa siya noong bigla akong bumangon.   "Oh my gosh" napatawa nalang ako. Pero agad nagsink in sakin ang unang tanong niya. "Ma, pano mo nalaman na may ibang tao doon?" "Siguro totoong makikita mo ang itinakda pag pumunta doon no?" Hindi siya sumagot agad parang iniisip niya kung ano ang isasagot sakin ng mabuti.  Noong hindi siya nagsalita, nagpatuloy ako "Ma, alam mo bang may kumausap sakin sa isip ko?" tahimik lang siya at nakinig sakin. May konting guilt akong nakita sa mga mata niya pero hindi parin siya nagsalita. "Sabi niya siya ang wolfself ko. Eh, tao kaya ako paano naman ako magiging wolf?" "Parang may ibang katauhan ang gustong kumawala sakin. Tapos noong pupuntahan ko na sila Ara nakita ko sina Leo 'yung bago naming blockmate kasama 'yung dalawa niyang alipores, hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko na parang may something sa hangin na hinarangan ako. Katulad ng mga napapanood sa movies na invisible walls, hinihigop niya ang lakas ko."  "Tapos 'yon na nawalan na ko ng malay paggising ko nandito na ko sa bahay." pagkatapos ng kwento ko ibinagsak ko ang katawan ko.  Alam ko namang hindi kapanipaniwala ang kwento ko pero malay mo diba naniwala.  Tinignan ko siya at hindi parin siya gumagalaw kaya pumalakpak ako mismo sa tapat ng mukha niya at nagbalik na diwa niya.  Hinila niya ko papunta sa kwarto niya at may pinakita siyang parang logo seal. Crescent moon na may babaeng nakaupo at may suot na korona, sa baba naman ay dalawang sword na paekis.  "Oh, nakita ko 'to bago magbago ang normal na buwan at maging orange, nakita ko ang buwan na may babaeng nakaupo. Bigla nalang kasing naging malinaw ang paningin ko. Ganitong ganito 'yon mama. Saan mo to nakuha?" tanong ko. Naguguluhan na ko. Lalong nanlaki ang mga mata niyang tumingin sakin. May kinuha ulit siya sa box na pinagkuhanan niya ng tela na kwintas at pinakita sakin.  Pamilyar sakin ang kwentas na iyon pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. "Bakit parang nakita ko na ang kwintas na ito dati? Hindi ko lang matandaan saan pero alam kong nakita ko na ito." "Ma, saan mo nakuha lahat ng 'yan?" kinakabahan ako pero hindi ko napigilan ang sariling magtanong sa kanya. Marami ang gustong malaman.  "Panahon na para malaman mo ang katotohanan." Katotohanan? anong hindi totoo. Ampon ba ko? Kinakabahan ako sa mga tingin niya sakin parang guilty siya sa isang bagay at takot? Saan? Bakit siya natatakot, may kasalanan ba siya? "Ma, anong katotohan ba ang sinasabi mo? kinakanahan ako, ampon ba ko? Ma, please." Doon lang siya natauhan at sinabi ang kinatatakutan ko. "Ang katotohan ng pagkatao mo at pinagmulan mo." itutuloy... wan ko.  Alam ko namang hindi kapanipaniwala ang kwento ko pero malay mo diba naniwala.  Tinignan ko siya at hindi parin siya gumagalaw kaya pumalakpak ako mismo sa tapat ng mukha niya at nagbalik na diwa niya.  Hinila niya ko papunta sa kwarto niya at may pinakita siyang parang logo seal. Crescent moon na may babaeng nakaupo at may suot na korona, sa baba naman ay dalawang sword na paekis.  "Oh, nakita ko 'to bago magbago ang normal na buwan at maging orange, nakita ko ang buwan na may babaeng nakaupo. Ganitong ganito 'yon mama. Saan mo to nakuha?" Lalong nanlaki ang mga mata niyang tumingin sakin. May kinuha ulit siya sa box na pinagkuhanan niya ng tela na kwintas at pinakita sakin.  Pamilyar sakin ang kwentas na iyon pero hindi ko maalala kung saan ko nakita. "Bakit parang nakita ko na ang kwintas na ito dati? Hindi ko lang matandaan saan pero alam kong nakita ko na ito."  "Panahon na para malaman mo ang katotohanan." "Ang katotohan ng pagkatao mo at pinagmulan mo." itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD