Episode 16 Opportunity ISABELLE’S POINT OF VIEW. Pinayagan na ako ni Luke na makabalik na ulit sa aking trabaho. Masaya ako na makita ulit ang mg aka trabaho ko sa kompanya kahit ayoko naman talaga sa aking trabaho. Agad din akong pinuntahan ni Ate Lara sa aking opisina nang malaman niyang bumalik na ako. “Buti nalang talaga at pinayagan ka nang makabalik ni Luke sa trabaho rito, Isabelle,” nakangiting sabi ni Ate Lara. Kung alam lang talaga ni Ate Lara kung ano ang kapalit sa pagpayag ni Luke sa akin para makabalik ako rito sa trabaho ko. Nilandi ko pa talaga siya kagabi at dalawang beses na may nangyari sa amin bago kami nakatulog, pero bago kami natulog ay nagpaalaman muna ako sa kanya kung pwede na bang bumalik sa trabaho. Noong una ay hindi siya pumayag pero nung sinabihan ko si