Episode 15 Let’s Try ISABELLE’S POINT OF VIEW. Bakit ako bumigay?! AHHH! Parang gusto ko nalang sakalin ang sarili ko sa katagahan na nagawa ko kanina. Muli akong napaisip at napakagat sa aking labi. Ano na ang sunod na mangyayari sa amin ni Luke? Baka isipin ng lalaking iyon na may gusto ako sa kanya kaya ako bumigay kaagad. Luh! Assuming naman siya pag ganun naisip niya. Pero nakakahiya! Ginulo ko ang aking buhok at tahimik na napatili rito sa loob ng tent office ni Luke. Nilibang ko nalang ang aking sarili habang tumitingin ng mga post sa mga fina-follow kong artista sa i********:. Nag post din ako ng mga pictures ko na hindi ko pa na post noon at hindi pa umabot nang isang minuto ay marami ng mga nag he-heart sa mga post ko. Habang busy ako ngayon sa aking cellphone ay napatigil