Chapter 11 Selos

1117 Words
Sylvia's POV Napansin ko na lang ang sarili ko na nakasakay na sa taxi at hindi sa sasakyan ni Calix. "Manong sa West Ville po sa QC. Salamat." tingin ko kay Manong driver. Hindi pa kasi umaandar yung taxi dahil hindi pa ako nagsasabi ng location ko. Nakatulala lang ako buong byahe at iniisip kung tama ba ang nakita ko. Si Calix na nakaupo sa swivel chair niya at ang babaeng nakapatong sa binti niya habang nakikipaghalikan lang naman. Lumpo na nga nagawa pang mambabae. Teka, bakit parang nasasaktan ako? Bakit apektado ako? No, dapat hindi ako masaktan. Kaya agad kong pinabago ang address at uuwi na lang ako sa bahay ni Calix. Agad naman binago ni manong driver ang ruta namin. Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong sinalubong ni Manang. "Oh, ang bilis mo naman ata?" pagtataka nito. "Naku po, Manang, gusto ko po munang magpahinga." matamlay kong sabi. "Sige. magpahinga ka muna sa kwarto niyo." "Sige po." paalam ko dito. Pumunta muna ako sa kwarto para magpahinga at isipin ang mga dapat gawin. Kumuha ako ng kumot at unan tsaka ako lumabas ng kwarto para pumunta sa mini bar. Wala na akong pake kung magalit siya o hindi basta iinom ako. Lalo na at nakita ko ang asawa ko na may kahalikang babae. Tsss. "Oh, Mam Via, saan ka po pupunta?" bungad ni Ate Susan sa akin. "Ahh, sa labas, baka marelax po ang isip ko." mapait kong ngiti dito. "Ganun po ba? Sige po, huwag pong magpapagabi para hindi po kayo magkasakit." ngiti nito sa akin. "Ahh, oo naman po no. Hinding-hindi po." malaking ngiti ko dito. 'kasi sa mini bar po talaga punta ko. hehe' sabi ng isip ko. "Sige po, sa labas po muna ako." paalam ko dito. Tumango lang ito. Nang mawala sa harap ko ito ay dumiretso agad ako sa mini bar. Pagpihit ko ng doorknob ay bukas ito. Kapag nga naman sinuswerte ka hahahaha. Ma-ingat akong pumasok sa loob para hindi nila marinig na nandito ako sa mini bar ngayon ng bahay. Agad akong lumapit sa ref para kumuha ng mga alak, take note, hindi na mahal ang kinuha ko. Baka mamaya eh magbayad pa ako ng mahal gantong wala naman akong nakukuhang pera kay dad. Sinimulan ko ng buksan ang mga bote, nakalimang bote na ako ng alak at hindi pa ako tinatamaan kaya nagbukas pa ulit ako hanggang sa napatingin ako sa orasan. 6:45 pm Ganun na ba katagal ang pag-iinom ko at inabutan na ako ng gabi? Hays di bale na lang, wala naman naghahanap sa akin. Magdilang anghel ang bantay ni Calix kung hanapin man ako nito. Agad naman akong nainis sa naisip ko. Muli kong naalala ang pakikipaghalikan ng lumpong iyon. "Walanghiya ka talaga Calix, nakakainis ka. Sa totoo lang. Lumpo ka na nga, nagawa mo pang magloko. Pasalamat ka mayaman ka." inis kong sabi sa bote sabay lagok ng laman nito. Napayuko naman ako at mukhang umeepekto na yung tama ng alak sa akin. Agad rin akong nag-angat ng ulo at muling binilang yung alak na nainom ko. Naka15 na ako ng bote pero I need more, I want more. Tumayo ako at naghanap pa ako ng matapang pang alak kaso mamahaling alak na ang nakikita ko kaya hindi naman sigurong malalaman nila na kumuha ako ng isa. Nagbukas ako kaagad at isang lagok pa lang ay gumuguhit na sa lalamunan ko ang init nito. Unti-unti ko din nararamdaman ang pag-iinit ng katawan ko. Agad ko na rin itong inubos kahit bumibigat na yung ulo ko at nag-iinit na yung lalamunan ko. Pagkatapos ko ay chineck ko muna iyong orasan at 9pm na ng gabi kaya niligpit ko na lahat ng pinag-inuman ko. kahit papaano ay alam ko parin naman ang ginagawa ko. Ayoko naman makaabala pa kila Manang dahil baka malaman na naman ito. Nang matapos kong malinis ito ay bumalik na ako sa kwarto dahil nakakaramdaman na rin ako pagkahilo kaso mas lamang iyong init ng katawan na nararamdaman ko ngayon. I need to bath, I think. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita ko si Calix na tulog. 'Kita mo itong tao na ito, napaka talaga, wala talagang pake sa akin kahit kailan, hindi man lang ako hinanap. tss. Sabagay, deserve mo naman iyan kahit lumpo ka. ewan ko na lang talaga. ' bulong ko habang lumalapit sa higaan. Hanggang sa nawala na sa isip ko ang pagpunta ng banyo kaya humiga na ako sa tabi niya at nakatingin lang sa kanya. Ngayon ko lang muling natitigan ang mukha niya. Bakit napakagwapo nito. "bakit ang gwapo mo ngayon, ha?" bulong ko sabay hawak sa balikat niya. Napaatras naman ako ng biglang humarap ito sa akin pero pikit padin ang mata niya. "Sh*t, ginugulat mo ako ha. hahaha" sabi ko dito pero hindi parin ito dumidilat. "Hay, naku, alam mo ba, naiinis ako sa iyo. Nakakainis ka, hindi mo man lang ako hinanap kung nasaan ako. Tapos ikaw matutulog lang dito. Alam mo sa lahat ng tao, ikaw pa ang napangasawa ko. Wala man lang concern sa asawa. Paano kaya kung mawala ako, hahanapin mo pa kaya ako? may pake ka kaya sa akin?" mahina kong sabi pero tumulo na yung luha ko kaya agad ko din pinunasan. "Si Dad ka rin ba na matapos akong ipamigay, hindi mo na rin ba ako hahanapin? Sabagay ganyan naman kayo eh. Matapos pakinabangan ay itatapon na lang." "Hindi man lang ako kinakamusta kung okay lang ba ako? kung ayos lang ba ako sa poder mo?*sniff* kung buhay pa ba ako?" "Buti pa yung ate ko, may pake sa akin pero ikaw, wala. Asawa pa naman kita, Ni minsan hindi man lang ako nakarinig ng suporta sa iyo. Kaya naiinis ako sa iyo." hawak ko sa pisngi nito. "Nakakainis ka, pero ganun pala iyon no?" haplos ko sa ilong nito. "Bakit ang ganda ng ilong mo, pwedeng akin na lang yan. hehe." iyak-tawa kong sabi pero hindi parin siya nagigising. "Anw, ganun pala iyong feeling ng magselos, Wala namang tayo pero bakit ganun, Bakit kasi may kahalikan kang babae kanina. Bwisit ka!" sabay hampas ko sa braso niya. "Oops, sorry. hahaha. Tsss. tapos ako hindi man lang nakatikim ng isang halik ng Calix Sylvania, Hayy naku, ano ba itong sinasabi ko. Kainis. lasing lang siguro ako kaya ko nagagawa ito. Matutulog na lang ako at tatanggapin na lang kung ano ako ngayon. *sniff*" punas ko sa luha kong lumandas na naman. I just want to accept what is me today pero dahil lasing naman na ako at tulog naman na ito. I kiss his forehead tsaka na ako umayos ng higa but the thing happens next, he hugs me and kiss my lips.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD