Chapter 10 Paghahatid

2250 Words
Sylvia's POV Nagising na lang ako na nasa kwarto at mahimbing na natutulog si Calix sa tabi ko. Bumangon ako para tumingin sa paligid at sa gilid ng kama ni Calix ay ang upuan nitong wheelchair. How I wish na sana ay nakakalakad na lang si Calix. Siguro kaya masungit ito sa akin kasi inggit siya. Ako nakakalakad samantalang siya ay hindi nakakalakad. Kawawa naman pero at least mayaman siyang tao. Iyon nga lang hindi ko naman mabili lahat ng gusto ko. Tinignan ko ang cellphone ko at sakto lang din naman ay mag-6 na ng umaga. Gutom na rin ako pero sasabay na lang ako sa pagbreakfast ni Calix mamaya. Nagtootbrush muna ako bago ako lumabas ng kwarto. Nag-unat-unat lang ng konti tsaka pumunta sa kusina para magtimpla ng gatas. Mga 10 mins na akong nagscroll sa cellphone ko ng dumating si Manang. "Oh, ang aga mo naman ata?" bungad nito habang nahihikab pa. "Ganun po ata kapag maaga natutulog, maaga din nagigising." ngiti ko dito. "Eh paano ba naman ay matulog ka ulit sa labas, buti na lang ay may nakakita sa iyo. Kung hindi ay hahamugin ka sa labas." sermon nito sa akin. "Hindi ko naman po akalain na makakatulog ho ako sa garden." paliwanag ko. "Eh bakit naman kasi pinipili mong matulog sa labas kahit may kwarto naman kayong mag-asawa? Aswang ka ba?" tanong nito na muntik ko ng ikabuga ng iniinom kong gatas. "Ho? eh hindi naman ako lumilipad. Tsaka hindi naman po totoo iyon. Pssh" natatawa kong sabi sa kanya. "Aba't naniwala ka naman. Hay naku, buti na lang talaga ay may nakakita sa iyo kagabi na nasa garden ka pa pala. Eh kung hindi ka nakita kagabi baka ay nilalagnat ka na at baka hindi mo pa maluto yung pagkain na request ng Don ngayon." mahabang paliwanag nito. Tsaka ko lang naalala na magluluto nga pala ako ng adobo dahil nagustuhan niya ang luto ko nung nakaraang gabi. "Oo nga po pala magluluto po pala ako. " agad kong tingin dito. "Wag kang mag-alala at mamayang tanghali pa naman iyon kaya iba ang lulutuin ko ngayong araw." tingin nito sa akin. "Whoo, buti naman." agad kong sabi. Hindi kasi pwedeng malaman ni Calix na ako ang nagluto ng adobo nung nakaraang araw baka kung ano na namang masasamang salita ang lumabas sa matabil niyang dila. Pinanood ko lang magluto si Manang Tes ng dumating naman si Ate Susan at tinulungan na si Manang mag-asikaso ng agahan namin. Ilang minuto lang ang lumipas ng pare-pareho kaming nagulat ng tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko ay tumatawag si Calix kaya sinagot ko na agad. "Hello, bakit?" bungad ko. "Make me a coffee. I'll wait you here." mahinang sabi nito. "Ok- damn." tingin ko sa cellphone ko. Paano pinatay ba naman ang tawag niya. Kainis. Padabog akong tumayo sa center island at napansin naman nila Manang iyon pero hindi na nila ako tinanong ng makita nilang damputin ko ang lagayan ng kape. Pagkatapos kong magtimpla ay dumiretso na ako sa kwarto at nakita ko itong hawak ang laptop niya. As usual, nagtitipa na naman siya sa harap ng laptop niya. Napakaworkaholic naman masiyado. "Ito na po Don yung kape niyo." abot ko sa kanya. "What?" masamang titig niya sa akin. "Hindi ko na uulitin para sa mga taong bingi." sarcastic kong sabi. "Watch your words Ms. Sylvia. You're in my house, Remember?" madiing sabi nito. "Yeah, I know, I know. Pshhh." huling sabi ko bago lumabas ng kwarto namin. Bumalik ako sa kusina at nakita ko sila Manang na nagsasaing na. Nagpaalam naman ako sa kanya na lalabas lang ulit sa garden para magpahangin. Naglibot lang ako sa garden hanggang sa pumunta lang ulit ako sa gazebo at tinitignan ang sikat ng araw. Super satisfying lang dahil nasa gitna ang gazebo. Kaya madaling mapuntahan plus na maganda pa ang sikat ng araw. Tumagal lang ako ng ilang minuto ng biglang tawagin na ako ni Ate Susan dahil nasa dining area na si Calix at naghihintay sa akin. Pagpasok ko ay nakahanda na ang mga pagkain at yung kape na dinala ko kay Calix ay hindi parin nauubos. "Next time when you make a cup of coffee, you need to put some love in it. Para naman nasasarapan ang pinagsisilbihan mo." sabay buntong hininga nito. Napatingin naman ako sa kanya. Kaya pala hindi pa nauubos ang kape dahil baka mapait or mapait talaga. Hindi ko muna kasi tinikman kung matamis or mapait ba or tama lang ang lasa. Bahala siya, basta binabaan niya ako ng tawag kanina. Napasapo na lang ako ng ulo bago tuluyang kumuha ng pagkain at hindi man lang pinansin ang mga sinabi niya. Mabilis lang din naman kaming nakatapos mag breakfast. Kaya pagkatapos niya ay hinatid ko na ito sa kwarto namin para makapaghanda na siya sa pagpasok sa office niya. Simula ata ng dumating ako dito ay hindi man lang nalate ito sa trabaho. Kanya naman iyong company niya, pwede naman siyang pumasok anytime pero never ko talaga siyang nakita na pumasok ng tanghali unlike Dad na 10 am na pumapasok sa office samantalang ako 8 am. Hmmmp. Nagtry ulit akong magpaalam kung papayagan niya akong makipagkita kay Ate Eunice pero ang ending ay bawal pa din. Syempre dahil alam ko naman na ang sagot niya ay hinatid ko na siya sa sasakyan para makapasok na siya at hindi ko na makita ang mukha niya dahil maghapon na naman akong hindi makakaalis dito sa bahay or should I say na natrap na ako sa bahay niya. Teka aalis nga pala ako mamaya dahil maghahatid nga pala ako ng tanghalian niya. Hayssss akala ko ligtas na ako sa hindi pakikipagkita sa mukha niya. Nang makita kong nakaalis na ang sasakyan ni Calix ay bumalik na ako sa loob ng bahay para makapagpahinga at kausapin si Ate Eunice. Agad kong tinawagan si Ate Eunice. Isang ring palang ay sumagot na ito. "Hello, Via?" "Ate Eunice, ayaw pa din." malungkot kong sabi. "Hayssss, paano kaya mapapayag yang asawa mo?" malungkot din nitong sabi. "Nasabi mo na ba kay Dad?" tanong ko dito. "Ayun nga, hindi ko pa masabi dahil maselan ang pagbubuntis ko. Hindi rin ako makakilos at makalabas ng bahay dahil naghihinala itong asawa ko." "Ano ba naman ang buhay natin Ate. Paano ako makakakuha ng lakas ng loob sa iyo kung hindi tayo makakapagkita." "Wag kang mag-alala Via, gagawa parin ako ng paraan na makaalis sa bahay at makausap din si Dad." "Ako din Ate, gagawa din ako ng paraan para makapagkita tayo. Itatry ko din na makausap si Dad para makapag-usap tayo." sabi ko dito. "Si Franco kasi, hindi parin sumasagot sa akin para makagawa siya ng paraan na makapag-usap tayo. Sinabi ko naman na kausapin niya si Dad. Tila walang balak na tulungan tayo." inis na sabi nito. "Naku Ate, hayaan mo na si Kuya Franco, wala naman pakielam sa akin iyon. Simula ng suwayin ko utos niya nawalan na ng tiwala sa akin iyon. Kaya nga hindi na niya ako nasuportahan sa lahat lalo na kay Dad." matamlay kong sabi. "Don't worry, andito pa naman ako Via. I will always support you. Kaya cheer up na, magkikita rin tayo soon." pagpapalakas ng loob nito. "Salamat Ate. Sige na baka malaman pa nila na nagkakausap tayo." pamamaalam ko dito. "Sige Via, mag-iingat ka ha, huwag magpapalipas ng gutom, kilala pa naman kita." hagikgik na tawa nito. "Oo naman Ate basta ikaw ang nagsabi." nagingiti ko na lang na sabi. "Sige, Bye na. tatawag na lang ulit ako." paalam nito bago namatay ang tawag. Hindi na ako nakapagpaalam sa kanya dahil pinatayan niya na rin naman ako ng tawag. Nagpahinga lang ako at hinintay ko ang oras ng pagluto ko para sa tanghalian ni Calix. First Time ko lang palang pupunta ng office ni Calix. Medyo excited lang ako dahil makakaalis din ako sa bahay at the same time makakahinga ako ng maluwag. May time din ako na gumala kahit walang pera. Tawagan ko kaagad si Ate Eunice kung sakaling tatakas man ako ngayon. "Oh Mam Sylvia, halaina na po at ipagpaluto niyo na po ang Don para sa kanyang tanghalian po." bungad sa akin ni Ate Susan. "Sige po, sunod po ako." "Sige po, hinihintay na po kasi kayo sa kusina ng Mayordoma." bilin nito bago ako iwan sa sala. Nagmadali naman ako. Bumalik muna kasi ako ng kwarto para magcharge ng cellphone. Pagkacharge ko ay pumunta na rin ako ng kusina. "Oh Iha, nakahanda na ang rekado, iluluto mo na lang ito. Alalayan na kita." bungad sa akin ni Manang Marites. Tumango na lang ako. Naghugas muna ako ng kamay bago humawak sa lahat ng lulutuin ko. Nagsaing naman si Ate Susan at nagprepare ng lunchbox na dadalhin ko mamaya. "Alam mo Mam, First time lang ni Don itong magpahatid ng pagkain sa office." ngiting tulak sa akin ni Ate Susan. "Hmm, Bakit naman po." kunot noo kong tanong dito. "Hindi ko din po alam, Never naman po siyang nagpaganto sa dati niyang Girlfriend." punas nito sa kamay. Napatingin naman ako kay Ate Susan, Weh, Si Calix, nakapaggirlfriend pa iyon. Pshh. Nacurious naman ako kaya napatanong din ulit ako. "Nagkagirlfriend po siya?" tingin ko dito. "Opo naman, sa gwapo ba naman ng Don." tingin din nito sa akin. Napaisip naman ako. Sabagay, may itsura naman siya pero iyong ugali parang basura. "Bakit po Mam, hindi po ba kayo nagkagusto kay Don?" seryosong tanong ni Ate Susan. "Ahmm, Di ko po alam, Malay ko po ba sa Daddy ko. Tsaka Arrange marriage lang po kami. Kung usapang pag-ibig Ate Susan, hindi ko pipiliin ang Don niyo. Mayaman nga, panget naman ng ugali." inis kong sabi. "Hindi naman po. hehe." natatawa nitong sabi. "Bakit po kayo natatawa?" takang tanong ko. "Wala po, natatawa lang po akong makita kayo na naiinis po kayo sa Don." "Ahhh, Sa nakakainis po kasi pag-uugali niya. Timping-timpi na nga po ako. Tapos ayaw pa akong makipagkita sa Ate ko. Kainis." naiinis ko pading sabi. Hindi naman nakapagsalita si Ate Susan kundi tumatawa lang ito. Napailing nalang si Manang Marites. Tinuloy ko naman ang ginawa ko kaya ng makatapos na ay sila na ang naghanda ng pagkain ni Calix na dadalhin ko sa office. Nag-ayos na rin ako ng sarili ko para naman presentable akong tignan mamaya pag hinatid ang pagkain niya. Binabaybay na namin ang daan papunta sa office ni Calix. Tahimik lang akong nakamasid sa labas at tinitignan ang mga nagtataasang building. At last nakakita din ako ng mga building after kong tumira kila Calix. Nasa tabi ko naman iyong lunch ni Calix. Nakadress lang din ako, wala kasi akong mapili sa mga damit na binili ni Calix kaya itong plain nude dress ang kinuha ko. "Andito na po Tayo Madam Sylvia." "Aww, Thank you po." balik ng ulirat kong sabi dito. "Sige po pasok na lang po kayo. Ipark ko lang po ito. Sunod na lang po ako sa inyo." paalam ng driver sa akin. "Sige po." sabi ko dito bago ako bumaba. Nakapasok naman ako sa building at dire-diretso naman ako sa lobby. "Good day, welcome to SNIA Reality. What can I do for you?" "Hello, Good Day, What floor si Mr. Slyvania?" ngiti ko dito. "Ahmm, Mr. Slyvania is the CEO of this company. Do you have appointment?" paliwanag nito pero bakas sa mukha niya ang pagtataka. "Yeah, I know, what floor is he now?" pigil ko sa sarili ko. "I'm sorry Miss but I didn't tell you where he is now kung wala po kayong appointment sa kanya." paliwanag nito in a nice way padin. "Fine, can you call him for me? Please." "Immediately, wait for a second." ngiti nito bago ako iwan. Bumalik naman ito kaagad. "Ahmm, hello po ulit, ano daw po ang name niyo?" "Ms. Sylvia, Sylvia Domingo." ngiti ko dito. "Sylvia Domingo daw po Sir. Ohhhh, Sige po. Thank you Sir." sabi nitosa kausap. Tumingin naman ito sa akin at muling ngumiti. "Proceed na po kayo sa 12th floor. Ito po ang VIP Pass. Thank you and have a nice day po Mrs. Slyvania." ngiti nito. "Thank you. Ms. Ann" ngiti ko din dito sabay 'shh' ko sa kanya. Gumanti naman ng tango ito sa akin sabay cross-finger naman ito. Mukhang napagalitan pa nga ata ni Calix ito. Tsk. Iyong lalaking iyon talaga kahit sa trabaho, masungit pa din. Dumiretso na ako sa elevator at pinindot ang 12th floor. Nang bumukas ang pinto ay pumunta na ako sa may lalaking nakaupo sa harap. "Good day, Mr. Slyvania is here?" tanong ko sa lalaking nakaharap sa computer niya. "Do you have appointment? Mis- ay kayo po pala Ms. Domingo." biglang tayo nito. "Do you know me? Did we meet?" takang tanong ko. "Actually, diba kayo po ang wife ni Mr. Calix kaya kilala ko na po ang face niyo." ngiti nito. "Ahhh, okay pero si Calix andito ba? Ihahatid ko kasi itong baon niya." "Ahmmm, iwan niyo na lang po, may meeting po kasi siya sa loob." napapakamot na ulo nito. "Sige pero magpakita lang ako sa kanya at sasabihin ko na naihatid ko na iyong pagkain niya." "Ah, eh, ako na lang po magsasabi." "No, ako na." sabay lakad ko papunta sa office ni Calix. Mabilis ang lakad ko, pinipigilan naman ako ng secretary ni Calix. Hinahawi ko lang siya tsaka nakaramdam ako ng kaba. Saktong pagbukas ko ng pintuan ng office ni Calix ay nakita ko itong may kahalikan na babae kaya agad na rin akong umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD