KUNG maaari lang na ubusin na ni Candy ang nakahaing carbonara ay ginawa na niya para wala ng chance na mag-usap sila ni Mhorric dahil abala siya sa pagkain. Ngunit nabusog na siya at hindi na niya kaya pang ilagay lahat sa kaniyang tiyan ang naroong pagkain. Hindi naman kasi kumakain si Mhorric dahil sa sahog niyon na bawal pa rito. Anito pa sa kaniya noong minsan, na isang buwan matapos nitong gumaling ng tuluyan ay saka lang ito kakain ng mga pagkain na ipinagbawal dito habang ito ay mayroon pang mamaso. Humanap na lang siya ng ibang dahilan para makalayo muna rito. Siguradong mauungkat na naman ang hindi dapat maungkat. At iyon ang ikinakabahala niya ngayon. Ayaw niyang ma-corner. Dahil wala pa siyang kapal ng mukha para pag-usapan ang kung ano mang namagitan sa kanila kagabi. “Dada