“MAGKUWENTO ka.” Napatingin si Candy kay Mhorric. Katatapos lang nilang kumain ng binata at kasalukuyang nakaupo sa may gilid ng swimming pool habang ang mga paa ay malayang nakalubog sa may tubig na kay init sa pakiramdam. Malamig ang hangin ng gabing iyon. Pero dahil sa mainit na tubig kaya naibsan niyon ang panlalamig niya. Gayon din si Mhorric. “Ano namang ikukuwento ko? Parang natsismis ko na sa iyo ang ilan sa mahahalagang impormasyon sa buhay ko?” Nagkibit ito ng balikat. “Kahit ano na tungkol sa iyo. Sa pamilya mo. Just talk.” “Kailangan ko pa bang ikuwento ‘yon sa iyo? Baka ma-bored ka lang, Sir Mhorric. Hindi naman interesante ang buhay mahirap namin,” aniya bago humigop ng kape. Dahil hindi ito puwede sa kape o kahit sa gatas kaya naman ginger tea ang iniinom nito nang mga s