KUNG ilang sandali rin yatang hindi kumukurap si Candy habang nakatitig sa nakapinid na pintuan ng isang silid. Iyon ang unang araw niya sa trabahong tinanggap mula sa isang may edad ng ginang na si Donya Teresa Soliven. Para sa isang milyong piso ay titiisin niya at kakayanin ang trabahong inialok sa kaniya. Nagbaon na rin siya ng milya-milyang haba ng pasensiya dahil ayon kay Donya Teresa ay masyado raw mainitin ang ulo ng apo nito ngayon dahil sa sakit nito. Twenty nine na raw ang binata ayon din sa matanda. Bukod sa isang kusinera, driver, dalawang katulong at among lalaki ay wala ng iba pang makakasama si Candy sa mansiyon na iyon sa Tagaytay. Isa iyon sa property na pag-aari nina Donya Teresa. Bakasyunan iyon dahil nasa Ayala Alabang Village ang mismong tirahan ng mga ito. Sa kagus