NAPATAKBO AKO SA hospital nang tumawag sa akin si Tita Mary. Ito ay ang ina ng kaibigan kong si Viangka. Ang sabi niya sa akin, nasa parking lot daw ng mall si Viangka nang may biglang sumaks*k dito. Nanginginig ang buong katawan ko sapagkat isang tao lang ang pumasok sa isipan ko na kayang gawin iyon. Kung malalaman ko lang na si Kuya iyon, hindi ko siya mapapatawad. Buhay na ng kaibigan ko ang nakataya rito! Pagdating ko sa hospital, agad akong dumiretso sa information center kung saan naka-confine si Viangka. Hindi ko na nagawa pang magtanong kay Tita dahil sa pagmamadali ko kanina. Natataranta na ako. Nang nakuha ko na ang impormasyon, agad na akong napatakbo papunta roon. Gusto ko lang malaman kung ano na ang kalagayan ng kaibigan. Kung may mangyayari man sa kanyang masama, hindi k