15: ANG KATANUNGAN

1714 Words

“DAHAN-DAHAN LANG SA pag-inom ng alak, magandang binibini,” sabi ni Kuya D. Napalingon ako kay Kuya Ace at nakita ko ang inis sa mukha niya habang nakatitig kay Kuya D. Kinakabahan na ako sa posibleng gawin niya kaya dapat na akong mag-isip na pwedeng maging dahilan para makaalis na kami rito. Ayaw ko na saktan niya ang kaibigan ko dahil sa selos na ang babaw lang ng dahilan. Wala naman kaming ginawang masama pero parang nananaksak na ang titig niya. Sigurado ako na nakahahalata na rin sina Viangka at Kuya D sa inaasal ng kapatid ko. Nilingon ni Kuya D si Kuya. “Masama po ba ang iyong pakiramdam, Kuya?” “Sumagot ka nang matino, Kuya, parang awa mo na,” sabi ko sa isipan. Napatango si Kuya. “May iniisip lang.” “Ganoon po ba? Kailangan ninyo po ba ng tubig? Ipagkukuha ko po kayo nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD