21: ANG MASARAP NA PLANO NI KUYA

1135 Words

PAPAPUNTA NA KAMI nila Papa sa restaurant para kumain. Kagagaling lang namin sa isang magaling na psychiatrist. Hindi napigilan ni Papa ang sarili niya na hindi kami samahan ni Kuya. Para sa kaniya, kailangan din siya roon ni Kuya. Hindi nga siya nagkamali roon. Dahil sa gitna ng pakikipag-usap ni Kuya sa psychiatrist nito ay bigla itong nagwala. Mabuti na lang ay nandiyan si Papa para pakalmahin ito. Sa totoo lang, namamangha ako kung paano kausapin ng psychiatrist si Kuya. Napakahinahon lang niya habang si Kuya ay nanginginig na sa labis na galit. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na puriin ang passion niya sa profession niya. Mas na-appreciate ko sila ngayong nakikinig na lang ako sa kanila kaysa noon na ako iyong pasyente. Iba pala sa pakiramdam. May ginawa ang psychiatrist kay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD