“PA,” MAHINANG SABI ko sabay yugyog sa katawan ni Papa. Nang dahan-dahan ng bumuka ang mga mata ni Papa, napangiti na ako. Masaya lang ako na sa wakas ay makauusap ko na siya nang walang pag-aalala na baka marinig kami ni Kuya. Ala una ng madaling araw pa lang ngayon kaya sigurado ako na mahimbing pang natutulog si Kuya. Gusto ko sanang magpaalam kay Kuya na gusto kong kausapin si Papa pero natatakot ako na baka hindi siya pumayag. Kaya ang ginawa ko, palihim na lang na kauusapin si Papa para maitanong ko ang mga gusto kong itanong. Para lang din naman ito sa ikabubuti niya. “Thess, bakit ka nandito?” tanong ni Papa. “May dapat kang malaman tungkol kay Kuya,” sabi ko. “Ano iyon?” tamad niyang tanong. Halatang inaantok pa siya. “May sakit po siya. Iba siya magalit. Kaya niyang pum*ta