1: ANG AKSIDENTE

2029 Words
MARIA THESS “KATAWAN NI KRISTO,” sabi ng pari. “Am—” “Ambibi ko,” bulong sa akin ng pamilyar na boses. “Amen,” sagot ko. Hindi ko na muna pinansin kung kanino nanggaling ang boses na iyon. Nang inilagay na ng pari ang ostiya sa dila ko, umalis na ako at napalingon sa linya kung saan ako galing. Gusto ko lang malaman kung sinong lalaki ang bumulong sa tenga ko. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang triplets na nanggaling sa economic department. Ang triplets na tinutukoy ko ay ang tatlong pinakasikat na mga lalaki sa unibersidad na pinapasukan ko. Dalawa sa triplets ay seryoso habang iyong isa ay parang may tama sa utak. Palagi siyang nagpapapansin sa akin. Pinapansin niya ako kahit hindi naman kami magkakilala. Maybe he wants me to be his victim. Well sorry, I refuse to be his victim. Katulad sa nangyari kanina, siya pala iyong bumulong sa akin. Hindi na nahiya sa Diyos na nakatingin sa amin. Sa ngayon, napatingin silang tatlo sa akin. Nakangiti si Lord Hydrogen habang nakairap naman sina Lord Helium at Lord Lithium. Dahil nasa loob kami ng simbahan ng unibersidad namin, hindi ko na sila pinatulan at yumuko na lang. At isa pa, may ostiya sa bibig ko. Respeto ko na lang ito sa Diyos. Nagsimula na akong humakbang patungo sa upuan ko. Pagdating ko, agad akong nag-sign of the cross bago lumuhod. Ipinikit ko na ang mga mata ko at tahimik na nanampalataya. Ipinagdasal ko ang kaluluwa ni Mama sa langit at ang kalusugan nina Papa at Kuya. Sa ngayon, sila Papa at Kuya na lang ang meron ako. Sobrang mahal ko silang dalawa. Mas mahal ko pa sila nang higit pa sa buhay ko. Nang mawala si Mama dahil sa complications sa katawan dahil sa kanyang diabetes, nagkasakit din ako. I wasn’t mentally stable. Dumaan ako sa depression. Ngayon, mabuti na ako pero sinisigurado pa rin nila Papa na may monthly visit ako sa psychiatrist ko. Kung ako ang tatanungin, magaling na akk. Ayaw ko lang na mag-aalala sa akin sina Papa at Kuya kaya ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para tuluyan ng gumaling. “Panginoong Diyos, sana huwag ninyo pong pabayaan ang Papa at Kuya ko. Sila po ang lakas ko sa pang araw-araw. Kung wala sila, hindi ko na po alam ang gagawin ko. Salamat din po pala dahil sa recent achievements ni Papa as one of the best entrepreneurs in the country. Ang sarap po sa pakiramdam. Bilang anak, sobrang ipinagmamalaki ko siya. Sana din po bigyan mo ng lakas ng loob si Kuya na kaya niyang sundan si Papa. Si Mama po pala, pakisabi po sa kanya na mahal na mahal namin siya. Salamat, Panginoong Diyos,” sabi ko. Natapos kong magdasal ay muli akong nag-sign of the cross. Pagkatapos, umupo na ako at muling itinoon ang sarili sa misa. Isang beses sa isang buwan lang ito nangyayari kaya hinding-hindi ko ipagkait ang presensiya ko sa Diyos. Isa kaya akong masunurin na tagasunod. Diyos ang sandata ko sa anumang laban ko sa buhay. Nang natapos ang misa, agad na akong lumabas sa simbahan. Pagkatapos, dumiretso na ako sa cafeteria para puntahan ang kaibigan ko na hindi katulad ko na isang katoliko. All non-catholics have a choice to attend or not in our mass. This is what I love about our school. Respect of everyone’s religion. “Marites!” sigaw ni Viangka. Pagdating ko sa tapat niya, nag-ayos ako ng buhok. Inirapan ko siya at natawa naman siya. Alam ko na alam niya kung bakit ko siya iniirapan. “Maria Thess at hindi Marites, alam ko iyon,” natatawa na sabi ni Viangka. “Alam mo naman pala,” irap na sagot ko. Inabutan niya ako ng milktea at ininom ko naman iyon. “Thanks for this.” Dahil sa trend na marites ang tawag sa mga taong walang ginagawa sa buhay, naiinis na ako kapag tinatawag ako na marites. Hindi kasi ako ganoon na tao. Hindi ako perpekto pero hindi ako masamang tao. “Thess,” sambit ng kaibigan ko. “Ano?” tanong ko. “Payag ka na na maging hipag ko,” sabi ni Viangka. Napangiti ako. “Hindi ko hawak ang buhay ni Kuya, okay? Kung pwede lang, bakit hindi?” “Kaya kong magpa-convert. Promise ko iyan,” aniya. “Ewan ko sa iyo,” sabi ko. Napangiti ako. Natutuwa lang ako na may isang tao na humahanga sa kapatid ko. Noon pa iyan si Viangka may gusto kay Kuya. She is very vocal about her feelings. Pero ano ang gagawin ko? Kapatid lang ako. Na kay Kuya pa rin ang desisyon. Bagaman sinasabi ko kay Kuya ang tungkol kay Viangka pero mukhang wala naman siyang pakialam sa kaibigan ko. Tamang tango at make face lang sagot niya sa tuwing tinutukso ko siya. [Kuya Ace: I’m already here, Sweetie. Halika na. Dad is preparing for our dinner.] Napangiti ako nang mabasa ang mensahe ni Kuya. Kinalabit ako ni Viangka kaya napalingon ako sa kanya. Napataas naman ang kilay niya habang nakatitig sa akin. Dahil sa titig niya, napakunot din ang noo ko. She looks weird. “W-What?” tanong ko. ”Naglilihim ka na sa akin. Sino iyang secret admirer mo? Si Lord Hydrogen siguro iyan, ’no? Siya na lang naman ang palaging nagpapapansin sa iyo,” sabi ni Viangka. “Pinagsasabi mo riyan. Si Kuya ito, ’no? He sent me a sweet message. Kilala mo ako, ang lambot ko pagdating sa Kuya Ace ko.” Pinatingin ni Viangka ang kamay niya sa akin. “Kung hindi lang kayo magkapatid? Iisipin ko talaga na siya ang gusto mo. Palagi akong napa-prank ng smile mo, e. Ganyan ang ngito ng in love.” Nagsitayuan ang mga balahibo ko. “Kadiri ka! Mga balahibo ko naman ang tumatayo. Hindi ba pwedeng mahal ko lang ang kapatid ko?” “Sorry. Oservations ko lang iyon, okay? Respect,” sabi niya. “Respect ka diyan. Sige na, ihatid mo na ako sa labas nang makita mo si Kuya Ace.” “G.” Tumayo na ako at kinuha ang milktea na binigay sa akin ni Viangka. Tumayo na rin ang kaibigan ko at sumunod sa akin. Hinawakan pa niya ang braso ko habang magkasabay kaming naglalakad. Actually, magkasingtangkad lang kami ni Viangka. Nasa 5 feet and 8 inches ang tangkad namin. Basta ako, sigurado ako na nakuha ko ang tangkod ko kay Daddy. He is about 6 feet and 1 inch. Mas matangkad lang nang kunti ang Kuya Ace ko. Sa totoo lang, sobrang gwapo ng Papa at Kuya ko. Kaya sigurado ako na maraming mga babae ang patay na patay sa kanila. Lalo na siguro kay Papa na biyudo. Hindi naman siya sobrang tanda pa dahil high school pa lang siya nang nabuntis niya si Mama. Hindi man maganda pakinggan pero grade 9 pa lang si Mama nang mabuntis niya habang siya ay grade 8. Mas matanda si Mama sa kanya ng isang taon. Pero ang ipinagpasalamat ko, palaging pinapaalala nina Papa at Mama noon na huwag namin silang gayahin dalawa. At sa awa ng Diyos, nalagpasan namin iyon ni Kuya. 26 na si Kuya at 22 na ako. Magtatapos na ako sa kolehiyo kaya masyado na akong abala sa pag-aaral. Architectural engineering ang kinuha ko dahil mahilig ako sa pagguhit at mahilig ako sa mga numero. Kaya minsan, kapag dinadapuan ako ng anxiety ko, naghahanap ako ng mahirap na math problems. Iyon ang pangpakalma ko. Paglabas namin sa gate, nakasandal na si Kuya Ace sa sasakyan niya. Sa pagkakataong iyon, humigpit na ang kapit ni Viangka sa akin. Kinikilig na ang kaibigan ko nang makita ang bulto ni Kuya. “Thess, mahihimatay na yata ako,” mahinang sabi ni Viangka. “Kalmahan mo ang sarili mo at baka si Manong Guard ang kakarga sa iyo,” sabi ko. “Sira na ang daydreaming ko,” natatawa na sagot niya. Napangiti ako. “Grabe ka kay manong guard, ha?” “Hi, Kuya Ace,” bati ni Viangka. Napatango si Kuya Ace kaya kinurot ng kaibigan ko ang braso ko. Grabe ang epekto ni Kuya sa kanya. Para na siyang baliw ngayon. “Sweetie,” sambit ni Kuya Ace. Gumuhit ang magandang ngiti sa mukha niya. Nilingon ko si Viangka at tinapik. “Thank you. Sige na, bumalik ka na sa loob. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.” “Thanks. Kayo rin.” Nilingon ni Viangka si Kuya. “Babalik na muna ako sa loob, Kuya.” Napatango si Kuya kaya umalis na ang kaibigan ko. Kinawayan ko lang siya dahil paatras siyang naglalakad. Pakiramdam niya siguro ay may mata siya sa likuran niya. Nang nawala na si Viangka sa paningin ko, napangiti na ako nang may kamay na gumapos sa tiyan ko. Hinawakan ko ang kamay ni Kuya at dinama ang yakap niya. Napakalambing niya talaga sa lahat. Tinapik ko na ang kamay niya at hinarap siya. Napatawa naman ako nang tinuro niya ang pisngi niya, alam ko na gusto niyang halikan ko siya. Tumingkayad ako at inabot ang pisngi niya. “I love you. You are the bestest Kuya in the world,” sabi ko. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa balikat ko. “And you are my sunshine, Sweetie. I love you.” Hindi na ako sumagot at niyakap na lang si Kuya nang mahigpit. Kung si Viangka siguro ang gumawa nito, sigurado ako na magwawala iyon sa labis na saya. Napabuwag naman ako sa pagyakap kay Kuya nang may panay busina na para bang nakaharang kami sa daan. Kung tutuusin, ang lapad ng daan. Paglingon ko sa likuran ko, nakalabas na ang ulo ni Lord Hydrogen sa sasakyan niya. Sumilip din ang dalawang kapatid niya at napatingin sila aa amin si Kuya. “Boyfriend mo? Siguro nag-s*x na kayo, ’no?” tanong ni Lord Hydrogen. Napanganga ako habang hindi mapigilan na magsitayuan ang balahibo ko. Nandidiri lang ako sa tanong ni Hydrogen. Tipid pa na ngumiti sina Lord Helium at Lord Lithium dahil sa sinabi ng kapatid nila. Natutuwa pa talaga silang dalawa. What an enabler! “Anong sabi mo?” maangas na sabi ni Kuya. Pinigilan ko si Kuya. “Kuya, kalma.” Nilingon ko si Lord Hydrogen. “Kapatid ko ito, ’no? Pinagsasabi mo riyan.” “Hala! Sorry, bro!” sigaw ni Lord Hydrogen sabay harurot ng takbo ng sasakyan nilang magkakapatid. ”Napaka—” “Shhh. Kumalma ka, Kuya,” sabi ko. “Binabastos ka ba ng lalaking iyon?” inis na tanong ni Kuya. “Hindi. Ngayon lang. Pero mabait naman iyon. Baka carried away lang. Ikaw naman, huwag ka ng palapatol. Ayaw kong napapaaway ka,” sabi ko. Napabuntonghininga si Kuya. “Sa susunod na babastusin ka ng lalaking iyon, isumbong mo sa akin.” “I will. Tara na, nagluluto na si Papa para sa atin, ’di ba?” sabi ko. Napatango si Kuya. “Sige. Pumasok ka na.” Pagpasok ko sa sasakyan, napabuntonghininga na lang ako. Natakot lang ako sa nangyari kanina. Ayaw ko lang na mapaaway si Kuya. Kahit malakas ang kapatid ko, triplets pa rin iyon. Kahit may mali ang kapatid nila, sigurado ako na kakampihan pa rin nila iyon. Pinaandar na ni Kuya Ace ang sasakyan at pinatakbo. Napalingon ako sa kanya nang makitang hindi na siya galit. Inilahad niya ang kamay niya kaya hinawakan ko iyon. Everytime he does it, I always feel safe. Minuto ang lumipas, napatingin na ako sa labas ng kalsada nang malibang naman. Pero nang marinig ko na napapalatak si Kuya, napalingon ako sa kanya. “Anong meron?” tanong ko. “Ang bilis magpatakbo—sandali, mukhang iba na ito!” sigaw ni Kuya. Nanlaki na ang mga mata ko nang pumasok na ang ilaw ng sasakyan na makakasalumuha namin sa loob ng sasakyan ni Kuya. Binitawan ni Kuya ang kamay ko at agad siyang humawak sa manobela. Sa pagkakataong iyon, binitawan niya na ang manobela at agad na niyakap ako. Hanggang sa naramdaman ko na bumangga ang sasakyan sa amin at tumilapon ang sasakyan namin. Ipinikit ko ang mga mata. “PROTECT US, OH, LORD!” ~~~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD