Madaling araw pa lang ay maaga na akong nagtungo sa kitchen. Ito ay matatagpuan sa may gilid o bandang likuran ng malawak at open place na plaza at siya ring magiging venue o tanggapan at kainan ng mga bisita mamaya. Sa kabilang side pa nito ay ang malawak na entablado na siyang ginanapan ng mga sari-saring palabas kagabi. Sa may bandang likuran ng entablado ay ang amin namang mansion. Nakasuot na ako ng apron at ang mahaba ko namang buhok ay nakapusod at nakatago sa loob ng hairnet at chef's hat. Ramdam ko ang pamamaga ng aking mga mata dahil sa kakulangan ng tulog ko kagabi. Inabot pa kasi ng hating-gabi si Hannafaye sa aking silid bago nagdesisyong lumabas. Buong magdamag lang naman siyang nagkuwento about Mclaren. 'Yung mga gusto niyang mangyari sa kanilang magiging kasal. Kung sa