Hescikaye's POV
"Don't," pigil ko sa kanyang kamay nang tinangka niyang tanggalin ang suot kong facemask.
"Why?...I w-wanna....see your face," bulong niya habang naghahabol ng kanyang hininga sa aming magkadikitang labi.
"Hindi maaari. It's complicated," bulong ko rin sa kaniya. I was still leaning against the back door and he was still hugging me.
"What? B-but why? How?" kunot-noo niyang tanong habang nakatitig sa aking mga mata.
Iling lang ang tanging isinagot ko sa kaniya at muli ko siyang hinalikan ng mariin sa kanyang mga labi. Napapasunod ko naman siya dahil agad din siyang sumasagot at mas malalim na halik ang iginaganti niya sa akin.
He lifted me up and laid me on the bed. Kinubabawan niya ako habang halos nilalamon na niya ang aking mga labi na tila isang gutom na sawa!
"Uhmnnn.." I suddenly moaned as he sucked on my tongue and bit my lower lip.
"You saved me, didn't you? How can I repay you for saving my life?" tanong niya habang nakatitig sa aking mga mata ng taimtim. Naramdaman ko rin ang isa niyang daliring humahaplos sa may kalakihang mole na nasa aking dibdib. Paano niya nalaman?
"Nothing. You don't have to do anything," sagot ko sa kaniya kahit may pagtataka ako kung paano niya nalaman. I hooked my arms around his neck again and kissed him passionately on his lips.
Sumagot naman siya hanggang sa bumaba ang kaniyang mga halik sa aking leeg patungo sa aking dibdib. Ilang beses niyang hinalikan ang aking mole na nasa may gitna at malapit sa aking breast.
Hindi kaya iyan ang naging palatandaan niya kaya nalaman niyang ako ang nagligtas sa kaniya? Naalala kong nagising siya matapos ko siyang i-cpr pero nawalan din naman siya kaagad ng malay.
"Ate?! Where are you?!" Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ko ang tinig ni Hanna, ang bunso kong kapatid kasabay ng mahihinang katok sa pinto na sa palagay ko ay sa ibang silid nagmumula.
"Oh f**k!" napamura ako at malakas na itinulak si Mclaren mula sa aking ibabaw. Napabangon na rin naman siya at inalalayan akong makatayo.
"H-hey. Where are you going?" tanong niya na mukhang nataranta din sa ikinilos ko.
"Kailangan ko ng lumabas," sagot ko habang inaayos-ayos ko ng mabilis ang suot kong bra at panty with long lace.
"Ate kaye, hanap ka ni Daddy! Where are you?!" muling sigaw ni Hanna kasabay ng papalakas na katok sa pinto. Sa tingin ko ay papalapit siya sa silid na aming kinaroroonan.
"H-hindi ba pup'wedeng dito ka na muna? Let's talk first k-kahit sandali lang."
"Next time na lang. Narito lang naman ako sa Villa. C'mon." Dagli ko na siyang hinila patungo sa likod ng pinto.
"A-are you sure?" muli niyang tanong ngunit hindi ko na pinansin.
"Ate?!" Ramdam kong malapit na si Hannafaye dahil lahat ng room na madaanan niya ay siguradong iniisa-isa niyang buksan. "Nasaan ba iyon?" dinig ko pang tanong niya.
"Baby, please. Balik ka rito o kaya sa room ko, 204. I'll wait for you there?" bulong pa rin sa akin ni Mclaren. Muli ko siyang isinandal sa nakasarang pinto. Kinabig niya pa rin ako at siniil ng halik sa aking mga labi.
"Ate? Narito ka ba?"
Mabilis na akong bumitaw kay Mclaren. Nakahagip ako ng tissue na nakapatong sa bedside table at dagling pinunasan ang mga gilid ng aking labi na pakiramdam ko ay nangangapal na. Siguradong nagkalat na rin ang aking lipstick at baka makahalata si Hanna.
"Bye," paalam ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng isang kindat bago ko tuluyang binuksan ang pinto. May nabanaag akong kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko mapangalanan.
"Ate! Kanina pa ako hanap ng hanap sa 'yo eh. Bakit narito ka sa guest room? May kasama ka ba d'yan?" Pilit sinisilip ni Hanna ang madilim na loob ng silid pero hinarangan ko siya at isinara ng mabilis ang pinto.
"Aah...naghanap lang ako ng robe. Nakalimutan ko kasing magdala kanina eh. Let's go." Inakbayan ko siya at hinila palayo sa silid.
"Bilisan mo ng magbihis. Kanina ka pa hinahanap ni Daddy baka makita ka niyang ganyan." Hindi kasi alam ni daddy na isa ako sa mga babaeng nagso-show sa gabi.
Iyon ang dahilan kung bakit kailangan naming mag-facemask para walang makakilala sa akin. Ang tanging nakakaalam lang nito ay si mommy, Hannafaye and Aegia.
Fashion ko kasi ang sumayaw at kumanta ngunit ayaw ni daddy. Wala daw akong mapapala doon. Itutok ko daw ang sarili ko sa negosyo niya para mas malaki daw ang maging pakinabang ko.
"Nasaan na ba siya?" tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami sa hallway. Kailangan kong makabalik kaagad sa aking silid para hindi ako mapansin ni daddy.
"Kaharap 'yung business partner niya na ang anak ay 'yung mapapangasawa ko daw. Hinahanap din nga nila 'yung anak nila ngayon eh. Nawawala daw. Para maipakilala na daw kaming dalawa. Excited na ako ate! Hihihihi! Ang guwapo niya kasi, nakita ko siya sa f*******: and IG. Gossshhh! Ang pogi-pogi! Kinikilig ako ngayon pa lang! Paano pa kapag nagkaharap na kami?! Baka maihi ako! Kailangan ko yatang magsuot ng diaper!" Napangiwi naman ako sa huli niyang sinabi.
"Sige, hiramin mo 'yung kay lola na diaper. 'Yung nagamit na niya at ikaw naman ang sumuot para tipid," natatawa kong sagot sa kaniya.
"Eww! Kadiri ka, ate!"
"Gusto mo 'yun, 'di ba?" Nakarating na kami dito sa aking silid at sumama pa rin siya hanggang dito sa loob.
Mabilis na akong nagpalit ng aking damit. Habang siya ay dinampot ang aking phone na nakapatong sa side table. Humiga siya sa aking kama at nangialam na naman ng camera. Tambak na nga ang selfie niya sa phone ko eh.
"Teka sino ba sa mga ka-business partner ni daddy ang ipapakasal sa iyo? Sigurado ka na ba talagang gusto mong sundin ang kagustuhan ni daddy?"
"Eh kaya nga ni-check ko muna ang background nong guy eh bago ako pumayag kay daddy."
"So, sino nga?" Humiga rin ako sa kama at tumabi sa kaniya. Itinutok niya ang camera sa aming dalawa at nag-selfie-selfie na naman ang bruha.
"Mclaren Lewis Garland! Ang cute ng name niya! Oh my gosh!" sigaw niya.
Bumangon siya at masayang nagtatalon sa gitna ng aking kama.
Ako naman ay tila nabingi sa aking narinig. Tila nag-slow motion ang bawat pagtalon ni Hannafaye sa kama at maging ang kanyang tinig ay bumagal din sa aking pandinig.
"M-mclaren?" tila wala sa sariling bulong ko. Natauhan lang ako nang biglang dumamba sa akin si Hannafaye.
"Yes, ate! Si Mclaren Lewis Garland! Siya ang mapapangasawa ko!"
Pakiramdam ko ay bigla akong sinakluban ng langit at lupa. Hindi maaari. Paano nangyari iyon? Pinaglalaruan ba kami ng tadhana?