Andrea Point of View
NAGPAPASALAMAT talaga ako doon sa poster sa may coffee shop. Makakapagtrabaho na rin ako sa wakas. Iyon nga lang ay hindi ko alam kung papayagan ba ako ni auntie.
Nahihiya kasi ako. Ang gusto pa naman ni auntie ay doon ako magtrabaho sa company ng asawa niya. Kaya lang parang hindi naman ako bagay doon. Baka mapahiya ko lang si auntie at isa pa wala pa din akong experience sa ganoong klase na trabaho.
Oo nga at nakapag tapos ako pero hindi naman sapat iyon. Tsaka hindi ko lang talaga feel ang ganoong trabaho.
Mas gusto ko iyong simple lang. Gusto ko ring magsimula na muna sa maliit. Tsaka na ang mga bigating trabaho kapag alam ko na sa sarili kong deserve ko na ang trabahong ganoon at may sapat na akong experience.
Hindi rin kasi ako sanay na nakahain na lang sa akin ang dapat kong gawin. Gusto ko iyong pinaghirapan ko para may maipagmalaki naman ako sa pamilya ko. Na dahil sa pagpupursige ko kaya ko narating ang kinalalagyan ko.
Pero wala naman ding masama sa offer ni auntie sa akin. Kung sabagay nga eh pabor na sa akin iyon. Kaya lang hindi ko talaga feel.
Hayy. Bahala na nga.
Bumaba na ako para makapagpaalam kay auntie habang dala-dala ang envelope na naglalaman ng mga requirements ko para sa pag a-apply.
Pagkababa ko ay nakita ko si auntie sa may sala na nagbabasa ng news papers.
Lumapit ako sa kaniya at bumati ng magandang umaga.
"Magandang umaga po auntie." Napatigil si auntie sa pagbabasa at hinarap ako.
"Oh Andrea! Good morning din sayo. May lakad ka ba ngayon?" Tanong niya ng mapansin na nakaayos ako.
Bahagya akong tumango at nahihiyang ngumiti kay auntie.
"Mag a-apply po sana ako ngayong araw auntie. Sana po payagan niyo po ako." Nahihiya kong saad.
Tumayo si auntie. "Ganun ba? Ano, kumain ka na ba? Gusto mo bang ipahatid kita kay manong sa kompanya ng tito mo?" Tarantang tanong niya sa akin. Nahihiya akong umiling.
"Hindi na po auntie. Tsaka hindi po ako doon mag a-apply auntie." Nahihiya kong anas lay auntie. Napatanga naman siya. Mukhang nadismaya si auntie sa sinabi ko.
Patay. Baka hindi na ako payagang mag apply.
"Bakit hindi? Saan ka ba mag a-apply Andeng? Ayaw mo ba doon sa company ng uncle mo?" Malungkot na tanong ni auntie sa akin.
Kahit nahihiya man ay sinagot ko pa rin si auntie.
"Hindi naman po sa hindi ko gusto auntie. Kaya lang po parang hindi naman ako bagay doon. Tsaka isa pa auntie wala pa po akong experience. Gusto ko po munang magsimula sa maliit. Sana po pumayag kayo. Ito po kasi ang gusto ko eh." Nakayuko kong sinabi ang mga iyon.
Bumuntong hinga si auntie kaya napaangat ako sa aking ulo. Ngumiti din naman siya di kalaunan.
"Pumapayag ako Andeng. Basta ba mag iingat ka doon ha?" Kundisyon niya sa akin.
Masaya akong ngumiti at yumakap kay auntie.
"Maraming salamat po auntie. Gagayak na po ako auntie. Magtatanghali na." Paalam ko at tumango si auntie.
Nagmano muna ako sa kaniya bago tuluyang umalis.
Humirit pa si auntie na ipahatid ako pero hindi ako pumayag. Hindi na rin niya ipinilit kasi hindi naman ako magpapatalo. Kinumbinsi ko rin naman siyang baka hindi ako tanggapin sa trabaho kapag nakita nila na bumaba ako galing sa isang magarang sasakyan. Baka hindi ako paniwalaan ng magha-hire sa akin.
Kaya nag commute na lang ako papunta doon sa coffee shop na pag a-applyan ko. Hindi naman siguro ako maliligaw diba? Pwede naman akong magtanong sa mga tao.
*****
ALAS DYES Y MEDYA na ng makarating ako sa coffee shop na pag a-applyan ko. Marami ng tao pagkarating ko. Mukhang sikat na sikat ang coffee shop. Dinadagsa kasi ng maraming tao.
Hindi ako sure kung puro ba mga costumer ang nandoon. Naka nag a-apply din ang iba. Baka hindi na ako makuha. Sayang naman kung sakali.
Kaya hindi na ako nag atubili pa at pumasok na sa loob.
Magulo ang loob ng pumasok ako. Natataranta na ang mga ibang waitress dahil sa dami talaga ng tao.
Lumapit ako sa isang waitress na nagpupunas sa isang lamesa.
"Ah miss. Excuse me, saan dito ang pwedeng mag apply?" Tumingin ang waitress sa akin at itinigil ang kaniyang ginagawa.
"Punta ka doon sa may isang pinto malapit sa staff roon miss. Hanapin mo si maam Star at sabihin mong mag a-apply ka. Pasensiya kana miss ha? Hindi kita maa-assits ngayon. Sobrang dami kasi ng costumer ngayon eh." Mahabang sagot ng babae. Napakamot ako sa aking noo.
Hindi naman halatang busy sila eh.
"Ayos lang miss. Sige, maiwan na muna kita dito ha?" Tumango lang siya bilang pagtugon at pinagpatuloy ang kaniyang trabaho.
Sinunod ko ang sinabi ng waitress kanina. Hinanap ko ang opisina ni maam Star.
Kumatok ako bilang pahiwatig na may tao.
Bumukas naman ang pinto at iniluwa ang isang babae.
"Ano ang maipaglilingkod sa inyo maam?" Ito na ata iyong sinasabing maam star ng waitress kanina.
"Ikaw po ba si maam Star? Mag a-apply po sana ako ng trabaho. Nakita ko po kasing naghahanap kayo ng waitress." Sagot ko at iniabot ang aking envelope na dala.
"Ako nga. Pumasok ka miss. Si maam Alyana ang tumatanggap ng mga aplekante. Deretso ka lang sa loob." Nakangiting sagot niya sa akin. Nginitian ko rin siya pabalik at nagpasalamat bago pumasok na sa loob.
Pagkapasok ko sa loob ay napatanga ako.
Napakurap kurap ako. Tao ba itong kaharap ko ngayon? Bakit sobrang ganda ng nakikita ko? Dyosa ba siya? Nakatanga lang ako sa kaniya.
"Umupo ka miss. Baka mangalay ka diyan kakatayo."
"Ay dyosa!" Nabalik ako sa aking huwisyo ng magsalita ang dyosa sa harapan ko. Pati boses niya sobrang ganda.
Ngumiti siya dahil sa reaksyon ko. Nahihiya akong umupo at nakatitig lang sa kaniya.
Mukhang naghihintay siya sa sasabihin ko. Kaya tumikhim muna ako at inilapag ang dala-dala kong envelope.
"Mag a-apply po sana ako maam. Nakita ko kasing nangangailangan kayo ng waitress." Nahihiya kong sabi.
Ngumiti na naman siya at inabot ang dala kong envelope. Kinuha niya ang mga dokumento ko sa loob at sinimulang magbasa.
"Graduate ka ng Business Ad. Bakit nag a-apply ka ng waitress lang?" Tanong niya matapos basahin ang dokumento ko.
Lumunok muna ako bago sumagot.
"Gusto ko po kasing magtrabaho muna sa maliit para magka experience. Simple lang naman ang gusto ko. Tsaka po uso po ang kursong BSBA sa probinsya namin kaya iyan na lang din po ang kinuha ko. Sabay sa uso ba." Tumawa ako ng bahagya dahil sa sagot ko.
Mahinhin naman na tumawa ang aking kaharap.
"Hahaha. Gusto ko ang sagot mo. Sino ba naman ang matinong tao ang mag-aaral ng kursong hindi niya naman gusto pero dahil ay uso iyon din ang kinuha? Kakaiba ka Drey. Can I call you Drey? Short for Andrea?" Mabilis akong tumango sa tanong niya. Grabe kahit tumatawa ang ganda niya pa rin. Tao ba talaga siya.
"Tingin ko magkakasundo tayong dalawa Drey. I would love to have you here. Welcome to my business Drey. You're hired!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Naku! Maraming salamat po Maam." Masaya kong anas.
Kinamayan niya ako.
"Huwag mo na akong i-po Drey. Alyana na lang. Hindi naman nagkakalayo ang edad nating dalawa." Nakangiti niyang sabi. Nanliit na naman ako. Ang ganda niya talaga. Mabait pa. Hayy.
"Pwede ka na bang magsimula ngayon?" Dagdag na tanong ni maam Alyana.
Mabilis akong tumango.
"Pwedeng-pwede! Aja!" Masigla kong sagot na may kasama pang fighting pose. Tumawa na naman si maam Alyana sa ginawa ko.
May trabaho na ako! Yehey!