Chapter 3 - Handsome but Jerk

1023 Words
Andrea's Point of View Kinabukasan ng Umaga Hindi ko muna idinilat ang aking mga mata sa kadahilanan na baka panaginip lang lahat ng mga nangyari kahapon o kung tunay ba na nangyari iyon. Baka kapag iminulat ko ang aking mga mata ay ang butas-butas na bubong namin ang bubungad sa akin. Kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking isang mata upang sumilip. Ngunit napapikit ako muli dahil sa sinag ng ng araw o ilaw. Dahan-dahan at sabay kong minulat ang aking dalawang mata at bumungad sa akin ang napakaganda at aliwalas na kwarto. Napapalo ako sa aking mga pisngi upang kumpirmahin kung totoo ba talaga at hindi lang ako nananaginip. Humapdi na ang pisngi ko bago ko napagtanto na totoo nga. Bumangon ako sa aking kama at inayos ang higaan pagkatapos ay inayos ang aking sarili. Nagsipilyo, naghilamos at naligo tsaka nagbihis. Masaya akong lumabas ng aking kwarto sabay pasipol-sipol pa. Hindi mapuknat ang mga ngiti sa aking mga labi. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako sa bahay nila auntie. "Good Morning Andrea." Bati sa akin ni auntie. Ngumiti ako kay auntie at binati din siya. "Good morning din po Auntie." Umupo ako sa isa sa mga upuan sa kusina at pinanood si Auntie na nagluluto. "Magta-trabaho ka ba agad Andeng? O gusto mo munang magliwaliw dito sa Manila?" Tanong niya sa akin. Actually wala pa akong plano. Masyado pa akong overwhelmed na hindi ko pa alam ang gagawin. Pero naisip ko sila mama. Anong kakainin nila kapag hindi ako nakapagtrabaho? Manlilimos na lang ba sila? Mabilis akong umiling sa naisip. "Hindi pwede!" Malakas kong bulalas. Halatang nagulat si auntie dahil napaharap kaagad ito sa akin. Nag peace sign ako sa kaniya at nahihiyang ngumiti. "Hehe. Sorry po auntie." Ngumiti lang si auntie habang umiiling at pinagpatuloy ang pagluluto. Napakamot na lang ako sa aking ulo. Bibig mo talaga Andrea walang preno! Nagpasama ako kay auntie na mamasyal. Hindi ko pa kasi kabisado ang Manila at baka mawala pa ako. Balita ko pa naman ay maraming manloloko dito. Ewan ko kung totoo ba. Pero base na lang sa mga balitang napapanood at naririnig ko. Uso ang hold-up, pagnanakaw, rape at p*****n sa lugar na ito. Kaya for safety purposes nagpasama ako kay auntie. May dalawang body guards din kasi siya eh kaya safe na safe talaga kami. Nahagip ng mata ko ang isang coffee shop. "Auntie, punta po tayo doon oh! Sa may coffee shop mukhang maganda po doon." Tumawa naman si auntie at tumango. Pumunta kami sa coffee shop at namangha na naman ako ng makapasok kami. "Coffee shop ba talaga ito?" Wala sa sariling naibulalas ko iyon. Manghang-mangha talaga ako. Nakita kong lumungkot ng bahagya ang mukha ni auntie na nakatingin sa akin. "May problema po ba auntie?" Tinanong ko si auntie. "I'm sorry Andeng." Naluluhang anas ni auntie. Naguluhan ako. Ano bang inihihingi niya ng tawad? Hindi ko maintindihan. "Bakit ka po nagso-sorry auntie?" Naguguluhan kong tanong sa kaniya. Mabilis lang siyang umiling. Mukhang nagugutom na si auntie kung ano-ano na kasi ang sinasabi. "Auntie, kumain na lang po muna tayo dito. Mukhang nagugutom na po kasi kayo. Kung anu-ano na lang kasi sinasabi mo." Pagbibiro ko at hinila na si auntie upang makahanap kami ng mauupuan. Pinaupo ko si auntie ng makahanap kami ng pwesto at ako naman ay pumunta sa counter para umorder. Hindi pa man ako nakakapila ay may bumangga na sakin at inunahan ako sa pila. Aba! Gago tong lalaking to ah! "Huy! Alagad ni Adan! Hindi mo ba nakikita na nauna ako sayo at sumisingit ka dyan?" Singhal ko at nameywang. Humarap ang lalaki sa akin. Napatanga ako. Shet! Ang gwapo! "Nakapila ka pala miss? Akala ko nagliliwaliw ka lang." Sagot niya at kinindatan ako. Loko to ah! Gwapo nga arogante naman. Turn off! "Bugok ka ba ha? Anong akala mo sa coffee shop pasyalan?" Sigaw ko at napaisip din sandali. "Pero pasyalan nga naman. Ah basta! Pumila ka ng maayos tsonggo ka! Porke ba gwapo ka gumaganyan kana!" Dagdag ko. Nagsmirk siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas ang kilay ko. "You're not my type." Sabi niya at tinalikuran ako ulit. Umusok ang ilong ko sa sinabi niya. Ang kapal talaga ng loko. "Pssh. Yes your handsome but at the same time you're also a jerk! Dyan ka na nga!" Hindi na lang din ako nagsalita pang muli marapos kong sabihin iyon at lumipat na lang doon sa kabilang pila na kunti na lang. Hindi ko na rin tiningnan pang muli ang lalaki kanina. Baka isipin na naman noon may crush ako sa kanya. Pero gwapo talaga siya kaya dyahe na. Hindi niya naman malalaman eh. Nang ako na ang sunod na umorder ay sinabi ko sa babae ang gusto ko. May pinindot siya at sinabihan akong maghintay ng ilang sandali. Naghihintay lang ako ng matanaw ko ang isang sign na nakakabit. Wanted: Waitress Requirements: Biodata and Bachelor's degree. Nang mabasa ko iyon ay may nagpop-up sa utak ko. Tama! Mag a-apply ako. Sana payagan ako ni auntie. Gusto pa naman nun na sa kompanya ng asawa niya ako magtrabaho. Eh feeling ko hindi ako bagay doon. Oo nga nakapagtapos ako pero wala pa naman akong experience. Baka mapahiya lang sila auntie dahil sa akin. Kaya magsisimula muna ako sa maliit. Tsaka na ang mga bigtime na trabaho kapag eksperyensado na ako. I wanted to achieve something for my self without someones help. Gusto kong may marating dahil sa paghihirap ko hindi iyong ihinahain na lang sa akin. Ayoko nun. Pagkakuha ko ng order namin ni auntie ay bumalik na ako sa lamesa namin. Kumain kami ng matiwasay ni auntie at nung natapos na kami ay namasyal na kaming muli. Bukas na lang ako magpapaalam kay auntie tungkol sa plano ko. Papayagan niya naman siguro ako diba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD