6

1025 Words
ANALYN POV Nayayamot ako. Gusto kong mapaiyak dahil sa nangyari. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi hanggang sa maalala ko na nagpunta nga pala ako ng bar para maglabas ng sama ng loob kay Karen. Pero mayroong isang gwapong lalaki na lumapit sa akin. Hindi ko matandaan ang pangalan niya kaya kaagad kong tinawagan si Karen. "Hello! Kamusta ka na? Okay ka na ba? Pinipilit kitang wag umuwi kagabi kasi lasing na lasing ka pero nagmatigas ka pa rin. Pinahatid kita kay Richard kasi natatakot ka sa manugang mo," bungad sa akin ni Karen. Tama nga ang sinabi niya sa akin. Si Richard ang naghatid sa akin. Ngayon ko lang naalala ang lahat. "Nako! Nasaan na ba ang mokong na 'yan? Bakit parang hindi niya ako dinala sa bahay ko?" "Ha anong ibig mong sabihin?" Gusto kong maiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. "Karen... Mukhang naisahan ako no Richard. Nagising na lang ako ng nakahubad, wala na ang ten thousand sa wallet ko at nakahubad pa ako. Wala na rin akong ibang makitang gamit dito kung di puro sa akin lang." "PUTANG INA!!" malakas na sigaw niya sa cellphone, halos matanggal pa nga ang tutuli ko sa sigaw niya. "Teka, tatawagan ko ang lalaking 'yan. Pwede mo siyang sampahan ng kasong kriminal. Ginapang ka niya ng walang pahintulot mo!" pagpapatuloy niya. "Nako... ayaw ko namang humantong sa ganito ang sitwasyon. Baka mabuking pa ako ni Brent. Malilintikan ako sa kanya." "Nahihibang ka na ba? Paanong hindi siya pwedeng managot?" "Ang maigi pa, i forward mo sa akin ang number niya para matawagan ko. Ako na ang bahala dito Karen." "Sure ka? Pero tatawagan ko pa rin siya ha? Kailangan ko siyang pagalitan sa ginawa niya sayo." "Okay sige. Nahiya pa nga siya, nagtira pa siya ng 1k sa akin." Binabaan ko na ng cellphone si Karen. Hanggang ngayon, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Paano na lamang kung malaman ni Brent ang tungkol rito? Sigurado ako na hihiwalayan na niya ako kaagad. Sinuot ko ulit ang damit ko at lumabas. Bago ako lumabas ng building, nagpunta muna ako sa reception area. "Miss, pwede ko bang malaman kung anong oras ako nag check in at sino ang kasama ko? Anong oras siya umalis at ank ang hitsura niya?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya. "Ma'am, sorry iba po kasi ang naka duty kanina. Pero titingnan ko lang ang log book." Hinantay ko siya hanggang sa makita niya ang pangalan ko sa logbook. "Based po sa records, pangalan niyo ang nakalagay. 10:30 pm po kayo nag check in dito." Pinakita niya pa ang record sa akin at sa sulat palang, alam ko na na hindi na ito sa akin. "Ha? Tinginan mo nga yan, hindi ako ang nagsulat niyan miss. Wala ka bang ibang proof na pwedeng ipakita sa akin na may kasama ako? Kasi sobrang lasing talaga ako kaya wala akong naalala kahit na katiting." Medyo nataasan ko na nga ng boses ang receptionist dahil sa galit ko pero mahirap nang mag timpi. "Sige Ma'am, tatawagan ko lang ang kasamahan ko kanina. Siya po ang nakaduty eh." Nagmadali siyang umalis at mamaya, mayroon pang isang babae siyang binitbit na nakasuot din ng uniform. "Hello Ma'am," nakangiting sabi niya. "Actually sabi po ng guy ng mag check in kayo, asawa niyo raw po siya. Gwapo siya, maputi, matangkad at naka polo siya. Sa pagkaka alala ko, Richard po ang pangalan ni guy." Halos matulala na lamang ako sa narinig ko sa kanya. Ang kapal talaga ng pag mumukha ni Richard. Isa akong dakilang tanga para magpauto sa lalaking kagaya niya. Wala na akong magagawa pa, nangyari na ang hindi dapat mangyari. Pag labas ko sa building, tinawag ko ang number ng mokong na yun pero hindi siya sumasagot sa akin. Ganun din ang natanggap kong text mula kay Karen. Nang makauwi ako sa bahay, expected ko na ang lahat ng mangyayari. Bubungangaan ako ng mama ni Brent at huhusgahan niya ako mula ulo hanggang paa. Kumatok ako ng gate kasabay ng pagkabog ng dibdib ko. Natanaw ko kaagad ang biyenan ko na lumabas ng bahay. May suot na naman siyang mga alahas sa kanyang leeg. Donyang donya na naman ang datingan niya. Nakasimangot siya sa akin. Padabog niyang binuksan ang pinto. Tinaasan niya pa ako ng kilaybat tinuro ang loob ng bahay. "Pumasok ka sa loob, mayroon tayong pag uusapan!" seryoso niyang sabi. Pumasok ako sa loob ng bahay at sinundan niya ako. Ni lock niya ang pinto at tsaka niya ako binanatan ng maaanghang na salita. "Saan ka galing babae ka? Bakit ngayon ka lang umuwi?" "Sorry po..." "Anong sorry? Hoy tinatanong kita kung saan ka galing? Wag mo akong gaganyanin!" "Nakipag kita lang po ako sa kaibigan ko sa bar. Babae naman po siya, kung gusto niyo po tawagan niyo pa siya para malaman niyo na hindi ako nagsinungaling," nakayukong sabi ko. "Aba sobrang defensive ka. Sana man lang nagpaalam ka sa akin na aalis ka. Alam ko naman na wala kang masyadong ginagawa dito sa bahay kaya nababagot ka." "Sorry na po. Wag niyo sana akong isusumbong kay Brent. Marami na po siyang iniisip at ayaw ko nang dumagdag pa." "Well, I am so sorry pero hindi ako nagto tolerate ng maling gawain. Ano sa tingin mo ang iisipin ng asawa mo kung nagpunta ka sa bar. Sa bagay, jan ka naman talaga galing kaya hindi na ako nagtaka. Nilandi mo ang anak ko at hindi ko alam kung anong klaseng gayuma ang ginamit mo sa kanya." "Isa po akong dating waitress, hindi po ako isang GRO." "Hay nako! Ganun pa rin 'yun. Isa ka pa ring mababang uri ng tao. Magpasalamat ka kasi binihisan ka ni Brent at ginawa niyang maginhawa ang buhay mo. Kung wala siya, sigurado ako na kapos ka pa rin sa buhay." Kahit masakit na ang naririnig ko sa bunganga niya, tinanggap ko ito. Wala na namang pag asa na magustuhan niya ang isang kagaya ko. "Heto ang tatandaan mo Analyn, mayroon ka na lang dalawang linggo para mabuntis. Kapag hindi ka pa rin magkaroon ng anak, pasensyahan na lang tayo dahil iiwan ka na ni Brent."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD