Chapter 11.

2601 Words
It's been around thirty minutes since Razael left. Hinatid ko sya hanggang sa makasakay na sya sa sasakyan nya at makaalis na sila ng driver nya bago ako mabilis na umakyat sa kwarto ko. My heart is beating so fast. Nang matanggap ko ang tawag ni Jer kanina, hindi ko alam ang sasabihin ko. Sa sobrang kaba ko ay pinutol ko ang tawag nya at pinatay ang cellphone ko. I don't know what to say. I don't want to lie to him again, yet I also don't want to disappoint him. In the end, I decided to be selfish at unahin ang kung anong makakabuti para sa amin ni Razael. It pains me that I am digging deeper into this black hole of sin with Razael pero ngayon lang ako naging masaya ng ganito. "What the hell? Bakit mo ako binabaan?" Ramdam ko na ang inis sa boses ni Jer. Medyo maingay sa background nya, he's probably out partying. "Sorry, my phone died. Tinapos ko na muna 'yung ginagawa ko." "Huh," He doesn't sound convinced. "What was it again?" Maang na tanong ko. "Hindi ko narinig ng maayos 'yung tinanong mo kanina bago mamatay 'yung call." I might sound relaxed but I am walking back and forth inside my room habang kinakagat kagat ang daliri ko. "Okay, so I met with your friend, Matt. Turned out, kaibigan rin sya ni Carrie, 'yung pinsan ko na nag-open ng furniture shop nya sa Alabang. Small world, right?The funny thing is, nang malaman nya na ako 'yung friend mo na sumundo sa'yo last week, he told me he was sorry. Edi ako naman, nagtataka bakit. Sabi mo raw kasi, broken hearted ako kaya maaga ka umalis para samahan ako. Wala nga akong jowa, nakipag break pa sa akin?!" Palihim akong huminga ng malalim. I faked a chuckle. "Sorry. Okay, fine, I am guilty. Na overwhelm lang kasi ako, eh. They were talking about business and investing." Sorry, Erica and Alfie. Sabi ko na lang sa loob ko. "I thought na makakapag relax ako seeing them again but I thought I needed some air bago tayo magkita." Narinig ko na parang may iniinom sa kabilang linya si Jer. Hinintay ko na sumagot sya. Sa tingin ko ay tama na ang explanation ko. I would look lying kapag defensive ako at magdadagdag pa ako ng details. He murmured something like a curse after drinking. "Eh bakit kailangan mo pa akong gamitin na excuse? My gosh. Sana sinabi mo na lang na si Ahren ang nagpapa-uwi sa'yo!" Tunog tipsy na si Jericho. "Sorry na. Alam mo naman na hindi ako magaling sa ganito.." But I am practicing well lately.. "Anyway, where are you? Umiinom ka ba?" I heard him laugh. "Yes, Baby girl. I'm out with my cousins." And just like that, the topic was changed. Ilang minuto pa kaming nag-usap at nag kwentuhan. I entertained Jericho bukod pa sa pagka guilty ko ay gusto ko rin naman syang kausap. I don't want to lose Jericho and at this rate, kung malalaman nya ay siguradong magagalit sya sa akin. I just hope that I'll have enough time.. "Do I look okay?" Pang limang tanong na iyon ni Marion habang nasa kotse kami papunta sa mansion ng mga Templonuevo. Birthday ng Daddy ni Razael and obviously ay invited kami. Nauna na sila Mommy at Daddy dahil sasaglit lang daw sila. Dad's been told to have a lot of rest by the Doctor pero ayaw nya naman daw na hindi man lang sila magpakita sa paty. "Marion, c'mon." I rolled my eyeballs on her. She sighed. "I'm sorry. Darating daw kasi si Spencer kasama 'yung bago nya." Nakanguso na sabi nya. She was talking about her ex. Two years na silang ex. Pumunta sa America si Spencer after their break up and we recently heard na bumalik na ito ulit sa Isabela at may kasamang foreigner na ang sabi ay girlfriend daw nito. "You broke up with him, remember? You acted like you don't care tapos after two years, ngayon ka pa ba affected?" Pagbibiro ko. She sighed. "Ayoko lang naman na matalbugan kung sakali, 'no." Napailing na lang ako. Bata ng tatlong tao kay Marion si Spencer. Isa ako sa iilan lang na may alam ng naging relasyon nila. I don't really know what happened, nalaman ko na lang na wala na sila and that Spencer left for America. Marion doesn't seemed broken or anything, so I thought everything is good. Ngayon ko narealize na baka mali ako. Anyway, this is my first time to attend a party hosted by the Templonuevos. Bihira ako makasama sa mga local gatherings because it's either I was still in school or too busy with stuff I am currently interested in. Come to think of it, kung naglaan lang ako dati ng time, baka wala kami sa ganitong sitwasyon ni Razael. We might have met earlier, in a better circumstances. Puno ako ng panghihinayang with that thought. The moment we arrived, agad namin na hinanap sa crowd sila Mommy at Daddy. Kasama rin nila ang parents ni Marion na sila Tita Heidi at Tito Monty. Ipinakilala nila kami sa parents ni Razael. Raoul and Harriet Templonuevo flashed their controlled smiles on us. I remember Razael saying that people in their house aren't really fond of smiling. Lahat masyadong seryoso. Doon ko rin nakilala ang older sister ni Razael na si Francine. She's with her husband and their daughter. Pasado alas diyes na nang magpaalam sila Mommy at Daddy, sumabay na rin sila Tita Heidi at Tito Monty. One hour in and I still haven't seen Razael or his shadow. Inaasahan ko na magkasama sila ni Sheila, kaya naka handa naman na ako. I am getting good at this game at confident ako na magiging normal lang ang gabi na iyon. Marion and I were glued to each other. Wala kaming date, and it's okay. Kalmado pa noong una si Marion, not until Spencer showed up in the party looking cozy with his blonde date. Kita ko ang lungkot na rumehistro sa mukha ni Marion, pero mabilis iyon na nawala at napalitan ng matigas na reaction. Hinila nya ako sa bar. Kaunti lang ang kinain namin at saglit rin naman kaming nakipag-usap sa ilang mga kakilala namin. "Maglalasing ka ba? I am telling you, hindi kita bubuhatin kapag nalasing ka." Seryosong sabi ko sa kanya. Naka tatlong sunod sunod na shot na sya ng tequilla while I just gulped my first shot. "I am not! Ganito naman talaga ako uminom ah?" Taas kilay na sabi nya bago muling humingi ng isa pang shot sa bartender. Nakatatlong shot ako nang makaramdam ako ng pag banyo. Gusto ko sanang magpasama kay Marion, pero mukhang gusto nyang sundan ng tingin si Spencer at ang kasama nito kahit na obvious na parang nasasaktan sya. "I'll be back, punta lang ako ng bathroom." Tumango lang sya, pero hindi sya tumingin sa akin. She's fixated on Spencer that's currently talking to a group of people his age. Mukhang pinapakilala ang kasama nyang blonde. Dahil first time ko doon ay nagtanong ako sa isang kakilala ko kung nasaan ang bathroom. Itinuro ako papasok sa loob. The party was held in their lawn and the food and the mini stage s under a big tent. Hindi ako agad naka diretso sa bathroom dahil maraming pumigil sa akin at nangamusta. Binilisan ko na lang ang paglalakad ko until I reached the bathroom. Iniisip ko si Marion, baka naka ilang shot na iyon at malasing. Sinabi ko lang na hindi ko sya bubuhatin kapag nalasing sya, but in the end, sino pa ba ang aalalay sa kanya kung hindi ako? Mabilis akong lumabas sa bathroom habang sinasara ko ang purse na hawak ko when I heard murmurs at the other side of the wall on my side. I would ignore it, pero napatigil ako nang marinig ko ang boses ng babae na sinabi ang pangalan ni Razael. Without thinking, mabilis akong gumilid sa nag focus sa kung anuman ang sinasabi ng babae. "... You told me na okay ka na. That you found peace with your decision. Pero damn it, ano 'to? You're thinking of annulment?!" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang marealize na ang boses na iyon ay malaman na sa kapatid ni Razael na si Francine. "I'm sorry, Ate. I really am.." Napatakip ako ng bibig ko nang marinig ko ang boses ni Razael. "Kung hindi pa kinalat ni Catleya ang gamit mo, I wouldn't know about the annulment papers. Pumayag ba si Sheila dito? Do you know how this would impact your political career and our name?!" Francine seemed to be really mad. Naguguluhan ako sa pinag-uusapan nila. I stood there frozen, thinking kung itutuloy ko ba ang pakikinig o dapat na akong umalis. Hindi ko narinig na nagsalita si Razael. "Aren't you afraid of Dad?" Maya-maya ay mahinang sabi ulit ni Francine. "Well, what can he do? Threaten to disown me? Na wala akong mamanahin? I don't want to disappoint our parents pero paano naman ako? Paano naman ang gusto ko?" May hinanakit na sabi ni Razael. Napapikit ako dahil naramdaman ko ang sakit ng sinabi nya. Dahil naramdaman ko na rin iyon. I asked the same questions on my own. "Holy Damn, Razael! Ano ka ba, bata? You agreed to the deal. Ikaw pa nga ang nag-isip na ikasal kay Sheila, na akuin ang anak nya. Masasabi mo pa kaya 'yan kung hindi nalaglag ang bata? You are really out of your mind!" Parang nalaglag ang puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Francine. Nabuntis si Sheila? Nalaglag?! "I wasn't happy with my life. Sumuko na ako. I decided to throw it away and do whatever I can to make Dad happy. I didn't know it will be the biggest mistake I will do.." Rinig ko na gumaralgal ang boses ni Razael, na parang hirap na hirap sya. Francine sighed deep. "Panindigan mo na lang 'yan. Can't you see? You're a powerful man now. Your position guarantees that. You have a wife that's devoted to you. Kung gagawin mo 'yang plano mo, paniguradong masisira ang lahat." "Hindi ko mahal si Sheila. I can't see my future with her.." Halos bulong na sabi ni Razael. Francine groaned. "Who the f**k cares? Do I love my husband? No. But I love the life he can give me and Catleya. Sheila is the reason why you're there. Don't f*****g ruin it." Matigas na sabi ni Francine. I was already too shocked with everything that I heard. Mabilis pero dahan dahan akong umalis doon. Nang makalabas na ako, pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag while being suffocated inside. Tulala lang akong nakatingin sa mga tao. Everyone's busy with whoever they are talking with. "Agnes! Hi!" Napapitlag ako nang may magsalita sa tabi ko. Lumingon ako at pakiramdam ko ay nakakita ako ng multo nang makita ko si Sheila na malapad ang ngiti na nakatingin sa akin. I tried to control my reaction pero gulat na gulat talaga ako kaya napa atras ako. Biglang nagtaka si Sheila. "Are you okay?" Bigla ay naging concern sya. "Y-yeah, s-sorry. Nagulat lang ako." I smiled back at her while trying to calm myself down. Francine and Razael are just talking about Sheila! Bumaba ang tingin ko sa flat na flat nyang tyan. She's also wearing a bodycon like me kaya hapit na hapit ang mga suot namin sa katawan namin. No one would ever imagine na nalaglagan si Sheila. "Sorry kung nagulat kita. Are you alone? Who's with you?" "I'm with Marion." "Really? Where is she?" Lumingon lingon si Sheila, hinahanap si Marion. I chuckled. "She's out there, somewhere. Hinahanap ko nga, eh." "I see." "How about you? Where's Razael? Kanina pa ba kayo?" Maang na tanong ko. Gusto kong pumalakpak sa galing ng acting ko. "Ah, medyo kanina pa naman kaya lang si Razael hinila na ni Catleya, 'yung pamangkin nya. Have you met his sister?" Tumango ako. "Yes, si Francine. Catleya's her daughter." Bahagyang nawala ang sigla sa mukha ni Sheila. "Yeah. Razael's very fond of Catleya." "I can't imagine," Kunwari ay natatawa na sabi ko. Gusto kong ibahin na ang topic o umalis na dahil honestly, I feel uncomfortable. Hindi mawala sa isip ko 'yung sinabi ni Francine. "Hindi lang halata pero mahilig sa bata si Razael." She tried to smile brightly but I felt her struggle. "Uhm, anyway, pasok na muna ako, ha? Hanapin ko muna si Raz. Hinahanap sya ni Daddy. They just arrived." Tumango ako at mabilis na naglakad papasok si Sheila. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa mawala na sya sa paningin ko. I stayed there standing like an idiot. Hindi ko alam ang gagawin after learning many things dahil sa pag eavesdrop ko sa pag-uusap nila Francince at Razael. While I honestly didn't mean to, I still chose to stay and listen. I clenched my fist and pulled back myself. I should just act like nothing happened, or I didn't heard or knew anything. Umikot ako at hinanap si Marion. Napanguso ako nang marealize ko na maraming naka itim ngayong gabi, which was what Marion is also wearing. I called her three times pero hindi sya sumasagot, nagriring lang. Bumalik ako sa dati naming pwesto pero wala na si Marion doon. I decided to cool my head, at nang ayain ako ng isa sa mga dati kong kaklase (namin ni Matt) na sumalo sa table nila ay pumayag ako. I just sent a message to Marion na puntahan na lang ako kung nasaan ako. Dalawa lang ang kilala ko sa table. Walo kaming lahat, and the other five seems to be younger than us. Parang mga teenager pa. Napansin ko na napatingin sa kung saan ang isang teenager at siniko ang isang katabi nya. Sinundan ko ng tingin ang tingin nila and saw Sheila and Razael coming out of the house armed with wide smiles ready for the battle. Para akong naubusan ng hininga nang makita ko ang itsura ni Razael kahit malayo sya. He's wearing a dark blue suit and a white bowtie. Naka abrisiyete si Sheila sa kaliwang braso nya at may mga taong lumapit sa kanila para kausapin sila. I decided to just drink the champagne in front of me when I heard the two teenagers a while ago giggled. Pareho silang babae. "Ang hot nya talaga, 'no?" I heard one whispered. "Swerte ng asawa nya. They must be doing it every night." Sabi naman ng isa na ikinahagikhik pa nila. Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko alam kung maiinis o matatawa na obvious na pinagnanasahan nila si Razael. "I bet he's big. Do you think he's big?" The other one mumured again. Pasimple akong nakikinig sa kanila. "I think so. May nakita akong picture nya na medyo bakat." They giggled again. I rolled my eyeballs, pigil ko ang matawa. If they only know how big Razael is.. Napailing ako. What the hell am I even thinking?! After an hour more, I decided to go around again para hanapin si Marion. Mag-a-alas dose na at kahit walang pasok bukas ay gusto kong umuwi ng maaga. Gusto kong bumawi ng tulog and I can't leave without Marion. And then I saw Marion came out of the dark side of the lawn looking around suspiciously. Lalapitan ko na sana sya nang kasunod nyang lumabas sa dilim si Spencer na mukhang inaayos pa ang buhok at damit. Nang magtama ang mga mata namin ay pinanlakihan ko sya ng mga mata habang mabilis syang lumapit sa akin at nag-aya na umuwi. What a night!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD