Liezel KINABUKASAN ay maagang pumasok muli sa trabaho si Damien. Maayos na maayos na siyang muli ngayon. Nagkape lang siya kanina at binaon na lamang sa trabaho ang niluto kong almusal para sa kaniya. Habang wala siya ay nilinis ko naman ang 3rd floor. Naririto ang gym niya kung saan maraming kagamitan na gamit para sa pag-eehersisyo. Parang gusto ko rin tuloy maranasan 'yan. Dito rin pala mas masarap tumambay dahil pwedeng i-open ang malaking glass door. Pumapasok ang malakas at malamig na hangin mula sa labas. Dito rin pala matatanaw ang magandang view ng siyudad. Kitang-kita ang ka-Maynilaan at ang nagtataasang mga gusali doon. Sa kaliwang bahagi naman ay natatanaw ang Pililla Wind farm dito sa Rizal. Napakaganda pala nito sa personal kahit may kalayuan ito sa lugar na ito. Dati a