Liezel Sa entertainment room na lamang ako tumambay habang hinihintay ang paglabas ni Damien sa basement. Kasalukuyan na ako ngayong nakaupo dito sa sofa at nakatitig sa mga pagkain niyang nasa mini table. Sinabi pa niyang paborito niya ang apple smoothie na ito. At malamang, pati na rin itong potato fries kasi ito ang nasa ref niya. Pero hindi niya nakain. Biglang bumalik sa alaala ko ang mga panahong nakikita ko siya kasama ng mga kapatid niya. Masaya naman siya at parang walang dinadalang problema. Parang isang normal na tao lang naman siya na ngumingiti at nakikipagbiruan kasama ng pamilya niya. Pero hindi ko akalain na may itinatago pala siyang ganito sa pagkatao niya. Malayong-malayo siya sa tuwing nasa labas siya ng bahay na ito, sa tuwing kasama niya ang angkan niya. Hindi siy