CHAPTER 2: Complex Job

2033 Words
Liezel "One hundred million pesos. Halos kasing halaga ka ng mga pinakamamahaling kotse sa buong mundo. Sinadya ko talaga 'yan sa ganyan kalaking halaga if ever na tumawad siya," ani Joel sa akin habang ipinapakita niya sa akin ang tseke na nagmula kani-kanina lamang kay Mr. Damien Delavega. Hindi ko pa rin mapigilan ang hindi mapatulala habang nakatitig sa isang pirasong papel na iyon na naglalaman ng halagang kailanman ay hindi ko kikitain hanggang sa kabilang buhay ko. Naging barya lang iyon para kay Mr. Delavega sa loob lang ng ilang segundo. Samantalang ako, buwis-buhay bago kumita ng isang daang piso sa loob ng isang araw. Kapag minamalas-malas ka pa, talagang wala kahit singkong duling. "But because he's indeed a billionaire, the word discount is not in his vocabulary. So, tulad nang napag-usapan natin, I'll give you half. You own the fifty million pesos. You are free to do as you please. But avoid fleeing from Mr. Delavega, dahil siguradong mayayari tayong dalawa. Kaya niya tayong ipahanap sa buong mundo kahit saan pa tayo magtago." Tumango-tango ako sa sinabi niya ngunit hindi ko pa rin mapigilan ang hindi kabahan, lalo na kapag naroroon na ako sa mismong bahay niya. Maraming scenario na kaagad ang namumuo sa isipan ko ngayon pa lang, lalo na ang mga gagawin namin bukod sa magiging utusan niya ako. "He now has you as his property, and there's nothing more we can do because you have already paid. Kung ako sa iyo, bitawan mo na rin ang boyfriend mo dahil d'yan tayo magkakaproblema, sigurado 'yan. Adik naman 'yon kaya huwag mo nang panghinayangan pa." Napasimangot naman ako sa sinabi niya pero may point siya. Hindi alam ni Alvin ang ginawa kong ito at isa iyon sa mga problema ko ngayon. Pero paano nga naman niya malalaman kung palagi naman siyang abala sa ibang bagay. Ni hindi ko na nga alam kung ano na ang pinagkakaabalahan niya ngayon. Kung nakahanap na rin ba siya ng trabaho o hindi pa. Katulad ko rin kasi siyang isang kahig-isang tuka. Bukod sa napakatamad niyang maghanap ng trabaho, nagbibisyo pa siya. Alak, sigarilyo, sugal ay nasa sa kanya na. Kulang na lang ay mambabae siya, o baka nga ginagawa na rin niya iyon ngayon dahil sa mga tsismis na naririnig ko mula sa mga kapitbahay. Nananahimik lang talaga ako at nagbubulag-bulagan sa mga nakikita ko at naririnig sa paligid ko tungkol sa kanya. Katulad nang palaging sinasabi sa akin ni Joel. "Basta ang payo ko sa 'yo, hiwalayan mo na ang lalaking 'yon bago pa maging problema 'yan. Pare-pareho tayong mananagot nito kay Mr. Delavega. He might even throw us in jail when he finds out you're not a real robot. Imbes na ang tatay mo lang ang nakulong, madadagdag pa tayo do'n." Kinabahan naman ako at nakaramdam ng takot sa sinabi niya. "Basta ikaw na muna ang bahala kay tatay kapag nailabas ko na siya sa kulungan. Kukuha ako ng bahay na malayong-malayo sa dati naming tirahan para hindi na matukoy pa ni Alvin," sagot ko kahit sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ko paninindigan ang pinasok kong ito. Kinakabahan talaga ako. Kung bakit naman kasi hindi na lang tunay na babae ang hanapin ng Delavega na 'yon? Bakit robot doll pa? Pero kung tunay man na babae, magugustuhan ba niya ako? Ako pa rin ba ang pipiliin niya? Ayon pa naman sa mga bali-balita ay hindi pa raw nagkakaroon ng girlfriend itong si Damien, bukod tangi sa lahat ng mga kapatid niyang kaliwa't kanan ang mga babae. Marami silang magkakapatid pero halos lahat yata ay mga anak sa labas dahil masyadong babaero din ang kanilang ama na si Mr. David Delavega. Siya lang yata ang hindi nagmana. Hindi kaya bading talaga siya? Pero hinalikan niya ako kanina. Ano 'yon? Nagpapanggap lang? Oh, baka pihikan lang talaga siya sa babae. Ilang beses ko na rin naman siyang nakita noon nang dahil kay ate Diana. Si ate Diana ay dati naming kapitbahay at kapatid siya sa ina ni Alvin. Napangasawa naman ni ate Diana ang isa sa mga kapatid ni Mr. Damien Delavega, na si Kuya Dexter na hanggang ngayon ay crush ko pa rin. Napakagwapo naman kasi niya lalo na sa tuwing ngumingiti. Madalas nalalaglag ang panty ko nang dahil sa kanya. Pero pag-aari na siya ni ate Diana simula noon pa man at kasal na rin sila ngayon. Mayroon na rin silang anak. Madalas din akong kuning makeup artist ng ilan pa sa mga mayayamang kaibigan ng mga Delavega. Kinakabahan nga ako na baka dati na rin akong nakita noon ni Mr. Damien Delavega. Pero wala naman siyang naging reaction kanina noong makita niya ako. At saka, sino ba naman ako para bigyan niya ng atensyon, 'di ba? Ang mga Delavega ang nangungunang pinakamayamang pamilya sa bansang ito kaya naman kilalang-kilala sila, bukod sa lahat sila ay may mga kanya-kanyang kaguwapuhan at kakisigan na talaga namang tinitilian ng lahat ng mga kababaihan. Guwapo na, bilyonaryo pa. Kaya naman maraming mga kababaihan ang sumusubok na magpapansin sa kanila at mang-akit sa kanila kahit sa papaano pang paraan. Pero sa tingin ko ay matatalino ang mga Delavega na 'yon. Hindi sila basta-basta pumapatol sa kung sino-sino lang na mga babae p'wera na lang kung mahulog talaga sila sa mga ito. Nakita ko rin kung gaano kagaganda ang mga girlfriend at asawa ng iba sa kanila. At hindi ako sigurado kung kaya ko rin bang ihilera ang mukha ko sa kanila, sa kutis ko pa lang na hindi naman maputi. Kung hindi pa ako magbabad sa bleach, hindi pa lilinaw ang balat ko. Tsk. "Sige na, prepare yourself for your new life now. Ako na ang bahala sa tatay mo na lumaya. Ako na ang tutubos sa kanya at ang sobra ay ibibili ko ng bahay para sa kanya. I'll deposit the rest at the bank." "Pero gusto ko pa sanang makita si tatay kahit sa huling pagkakataon." "You just met yesterday. Hindi ka na p'wede pang lumabas ngayon. Hindi natin alam, baka mamaya ay may surveillance camera na pala tayo d'yan sa labas from Mister Delavega. Hindi pa tayo nagsisimula, nabuking na kaagad." Napabuntong-hininga naman ako ng malalim sa sinabi niya. Maaaring tama siya. Delikado na ngayon. "Bilhan mo na rin si tatay ng sasakyan at patayuan ng negosyo na hindi siya mahihirapan. Pasensiya ka na, marami akong utos. Dapat ay ako ang gagawa ng lahat ng 'yan at hindi ikaw." "Baka naman magtaka na ang tatay mo niyan? Ang daming pera, anong sasabihin ko?" "Eh, 'di sabihin mo nagtrabaho ako sa ibang bansa at nakapangutang ng malaking halaga. Haayts. Ikaw na ang bahalang mag-alibi." Bigla siyang napakamot sa ulo niya habang nakangiwing nakatingin sa akin. Pinigilan ko naman ang matawa sa kanya. "Ang dami mo palang trabahong iiwan sa akin." "Pasensiya na nga. Okay lang naman kahit bawasan mo na 'yong ibibigay mo sa akin. Kabayaran sa magiging trabaho mo. Napakalaki naman niyan at sobra pa 'yan sa sobra. Basta, huwag mo lang pababayaan si tatay, ha." "Okay, bahala ka. Basta, 'yong trabaho mo rin, ayusin mo. Nakasalalay din sa 'yo ang pangalan ko." "Hanggang kailan ba ang kontrata ko sa kanya?" "Hanggang sa magsawa siya." "Ano?" Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Sana magsawa agad siya." "Don't worry. Most billionaires just get bored with women very quickly. Gusto nila, iba-iba kaya hindi ka naman siguro magtatagal sa kanya ng ilang buwan." "Ilang buwan?" Halos malaglag ang panga ko sa sinabi niya. 'Pag sawa na siyang gamitin ako, gano'n kabilis niya lang akong papalitan. Napabuga na lang ako ng malakas na hangin. Trabaho lang itong gagawin ko at walang ibang mai-involve dito. "Remember everything I told you. Don't ever forget that. You can't display any emotion on your face because the robot doll is heartless and emotionless. Hindi mo kailangang tikman ang mga pagkain na naririyan siya sa tabi mo dahil wala kang panlasa kunwari. Dapat ay kabisado mo na ang lahat ng timpla, because he is aware that your body's computer system will handle all of that... You can't eat, especially if you're with him, so you should be more careful. Gawin mo na ang lahat habang wala siya. Ingatan mo rin na hindi ka masugatan dahil magkakaroon ka ng dugo at siyempre sugat." "Eh, paano naman 'yong ... t-tungkol sa ano ko?" "About your virginity." Marahan akong tumango. "You have checked with the doctor about that, right? It's possible that you will not get blood because your hymen is simply too thin. Your doctor already told you that." Nailang akong bigla dahil lalaki siya pero para sa kanya, parang normal na lang ang pag-usapan ito lalo na't ang negosyo niya ay s*x robot doll. "Pigilan mo na lang na huwag ka kaagad labasan para wala siyang mapansin sa 'yo." Lihim akong napangiwi sa sinabi niyang iyon. Ang awkward lang kasi talagang pag-usapan. "Alam ko na lahat 'yan. Paulit-ulit mo nang sinabi sa akin." "I'm just making sure you remember everything. Furthermore, regarding your speech, you are familiar with English, right?" "Basic English lang," kaagad kong sagot sa kanya. "And your gestures—the sitting, the standing—you already know all that." "Alam ko na. Maraming beses na akong nag-practise." "I also told Mister Delavega to call me as soon as possible so I can take care of you right away if you have any problems." Tumango-tango na lang ako sa mga sinabi niya. Marami pa siyang mga sinabi sa akin at ipinaliwanag. At bago sumapit ang hapon ay naghanda na nga ako ng sarili ko para sa pagtungo ko sa bahay ni Mister Delavega. Nakahanda na ang lahat ng mga gamit ko sa isang traveling bag. Kasama ko siyang magtutungo sa bahay na iyon. Kumain na rin muna ako ng marami upang hindi ako magutom doon. Kapag nag-dinner si Mr. Delavega ay siguradong manonood lang ako sa kanya. *** BAGO KAMI lumabas ng shop niya ay huminga ako ng maraming beses at nagdasal kahit alam kong hindi ako pakikinggan ng Diyos dahil sa gagawin kong ito. Paglabas naman namin ay sinimulan ko na nga ang trabaho ko simula sa paggalaw ko dahil maaaring tama si Joel. Baka nga may nakasubaybay na sa amin dito pa lang sa labas dahil sa laki ng halagang binitawan ni Mister Delavega kanina sa amin. Tuwid akong naglakad at walang emosyon sa mukha bago kami nakarating sa kotse niya na nasa gilid na ng kalsada. Ngunit sasakay pa lang sana kami sa loob nang biglang may lumapit sa aming dalawang lalaking pamilyar sa amin. "Good afternoon po, Sir. Kami po ang sundo ni..." Napahinto sa pagsasalita ang isa sa kanila kasabay nang paglingon niya sa akin na tila ba hindi malaman kung tatawagin ba niya ako sa pangalan ko o ano dahil nga sa pagkakaalam nila ay isa lang akong robot doll. Sila 'yong dalawang bodyguard ni Mister Delavega na kasama niya kanina sa pagtungo dito. "Zel. Call her Miss Zel," kaagad na sagot naman sa kanila ni Joel. Napag-usapan na rin naman namin ito na kailangang palitan ang pangalan ko. Hindi rin naman ito nalalayo sa pangalan kong Liezel. "Miss Zel," sabay namang sambit ng dalawang tao ni Mister Delavega kasabay nang pagyuko nila sa aming harapan. Kinakabahan ako dahil maiiwan ako sa dalawang kulugo na ito. Baka kung ano ang gawin nila sa akin! "Alright, just take care of her. Hindi siya p'wedeng magasgasan at hindi niyo na siya kailangan pang hawakan dahil naka-program na siya. She already knows what she's going to do. Something might change in her when you touch her, and Mr. Delavega will know that. Ituring niyo pa rin siyang mahinhin na dalaga na kailangang ingatan," mahabang pahayag naman ni Joel sa kanila na siyang ikinahinga ko ng maluwag kahit papaano. "Masusunod po." Muli silang yumuko sa harapan ni Joel bago nila ako pinagbuksan ng pinto sa backseat. Ang isa naman ay inilagay ang bagahe ko sa compartment ng kotse. Heto na talaga. Wala nang atrasan ito. Susuong na ako sa isang napakakumplikadong trabaho na hindi ko akalaing papasukin ko sa buong buhay ko. Pero para sa tatay ko, gagawin ko ang lahat ng ito. Maging buhay ko pa ang maging kapalit ng lahat ng ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD