Liezel
At tuluyan na ngang bumiyahe ang sasakyan namin patungo sa bahay ni Mr. Damien Delavega. Sa Tanay Rizal.
Bago ko rin tinanggap ang trabahong ito ay una munang inalam ni Joel ang ilang bagay tungkol kay Mr. Damien Delavega. Bagaman, kilala ko na kung anong klaseng pamilya mayroon siya at ilang beses ko na rin siyang nakita sa personal.
Ako rin ang naging makeup artist ng iba pa sa mga napangasawa ng mga kapatid niya, pati na rin sa mga pinsan nila at mga pamangkin. Kaya hindi nila ako pwedeng makita dahil siguradong mabubulilyaso na itong trabaho ko.
Pero napag-alaman naman ni Joel mula sa source niya na ang buong katauhan ni Mr. Damien Delavega ay mahigpit na lihim mula sa pamilya niya. Ang pagiging Psycho niya ay tanging siya lang at ang mga tauhan niya ang nakakaalam.
Wala ring nalalaman ang buong pamilya niya tungkol sa paggamit niya ng iba't ibang klase ng s*x doll. Kaya ang mga ito ay mayroong sikretong silid sa kanyang bahay.
Mabuti kung ganun. Hindi na ako mag-aalala pang may makakita sa akin isa man sa pamilya niya.
Nanatiling tahimik sa unahan ang dalawang tauhan ni Damien. Panaka-naka nila akong sinusulyapan dito sa likuran kaya naman hindi rin ako makakilos ng maayos. Nakasandal lang ako ng tuwid sa upuan at walang kakilos-kilos. Maging ang ulo ko ay nakasentro lang din sa unahan.
Mabuti na lang at sinuotan ako kanina ni Joel ng isang tinted sunglasses. Malaking tulong ito upang hindi nila makita ang bawat paggalaw ng aking mga mata, na lumilinga-linga sa bawat nadaraanan namin.
Sana lang ay hindi ako ma-stiff neck nito! Mahirap din pala ang maging robot!
***
ISANG ORAS ang nakalipas nang pumasok na ang kotse namin sa isang mataas na gate dito na sa Tanay Rizal kung saan bundok ang inakyat namin at nasa loob ito ng isang subdivision.
Kahit gabi na ay napansin ko pa ring magkakalayo ang mga bahay dito at marami ding mga punong-kahoy. Malayo sa mga kapitbahay.
Sa labas ay bumungad sa amin ang isang 3-story house. Puno na ito ngayon ng mga ilaw. Sa harapan nito ay mayroon pang tatlong mamahaling mga sasakyan at dalawang motorsiklo.
Naririyan na kaya ngayon si Damien? Gabi na at hindi malabong mangyari 'yon.
Muli na namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako maaaring magtanong sa mga tauhan niyang ito ng kahit na ano.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng bahay. Kaagad na lumabas ang bodyguard na kasama namin at pinagbuksan ako ng pinto. Kaagad din naman akong lumabas nang walang emosyon.
Matapos ay nagtungo siya sa likod ng sasakyan at narinig ko ang pagbaba niya sa lupa ng bagahe ko. Ako naman ay diretsong nakatingala sa tatlong palapag na bahay na ito ni Damien.
Hanggang sa mahagip ng aking mga mata ang gwapong binata na nakatayo sa balcony sa second floor.
Damien Delavega...
Tanging bathrobe lang ang suot niya na hindi ko mailarawan ang kulay dahil sa medyo may kadiliman ang kinaroroonan niya. Nakatitig siya sa akin ngunit hindi ko mabasa ang sinasabi ng kanyang mga mata. Napansin ko ang hawak niyang baso na pinagagalaw-galaw ng kamay niya.
Huhulaan ko ang laman niyon. Alak.
Tinungga niya muna ito bago siya pumasok sa loob ng bahay niya. Mas lalo namang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Heto na. Nandito na ako sa mismong lugar na nasasakupan niya at kung saan siya ang hari at makapangyarihan.
"Sumunod lang po kayo sa akin, Ms. Zel," saad sa akin ng isang bodyguard na ngayon ay nasa harapan ko na. Dala na rin niya ang luggage ko.
Hindi naman ako sumagot, pero nang mag-umpisa na siyang maglakad ay sumunod na rin ako sa kanya. Tuwid ang aking paglalakad at straight body.
Pumasok kami sa loob ng bahay ni Damien. Siya naman ay natanaw kong bumababa na ng hagdan.
"Good evening, Sir. Naririto na po si Ms. Zel." Yumuko sa harapan niya ang tauhan niya.
"You can leave us now and make sure all the gates are locked," magaang utos naman ni Damien sa tao niya.
"Yes, Sir." Kaagad na ring tumalikod ang bodyguard at lumabas ng pinto.
Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagsasara niya sa pinto, kaya naman naiwan na kami ni Damien dito sa loob ng malawak niyang sala.
Lihim akong huminga ng malalim at pinakalma ang dibdib. Lihim din akong nanalangin. Kaya ko 'to.
Taimtim na ngayong nakatitig sa akin si Damien.
Naglakad siya palapit sa akin hanggang sa halos isang dangkal na lamang ng kamay ang pagitan naming dalawa.
Tumaas ang kamay niya at tinanggal niya ang suot kong sunglasses. Kaagad namang nagtama ang aming mga mata.
"Do you know who the man is in front of you now?" tanong niya habang may munting ngiti sa mga labi niya.
"Mr. Damien Delavega," walang emosyon ko namang sagot sa kanya.
"Who am I?"
"You are my boss."
Lumawak namang bigla ang pagkakangiti niya habang nakatitig pa rin sa akin. Tila na-impress kaagad siya sa pagsagot ko sa kanya.
"I'm not just your boss here. Treat me as your husband too, but ... remember that I'm the only one who can be obeyed in everything, whether inside or outside this house. And I have my own rules. Do you get me?"
"Yes, Mr. Damien Delavega," pormal kong sagot sa kanya.
Bigla naman siyang tumawa.
"Stop calling me by my name. You can call me now ... Darling."
"I will call you now Darling," sagot ko naman sa kanya, na siyang muli niyang ikinatawa.
"Darling. Just Darling."
"Darling."
Biglang tumamis ang pagkakangiti niya sa akin. Mas lalo namang tumingkad ang taglay niyang kagwapuhan. Lumilitaw ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin, gayundin ang maliliit niyang dimple sa gilid ng mga labi niya.
"It sounds so good. Do you know how to smile?" Tumaas ang kamay niya at marahang humaplos sa pisngi ko.
Kaagad ko rin namang ikinurba ang mga labi ko sa ngiting walang emosyon. Ilang beses ko na rin naman itong pinag-aralan.
"That's creepy. Hindi ka ba marunong ng totoong ngiti?"
Muli kong ikinurba ng mas malaki ang mga labi ko, ngunit nang dahil doon ay mas lalo lang siyang tumawa ng malakas.
Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa napakagwapo niyang mukha. Nakakahalina ang mga ngiti niya. Mga ngiting parang anghel ngunit may itinatago palang lihim sa kabila ng mga 'yan.
Inayos ko na ang pagkakangiti ko para sa kanya. At doon ko naman napansin ang paghinto niya at pagtitig niya sa akin. Tila naagaw kong bigla ang buong atensyon niya.
"Wow. It's so lovely and sexy," aniya sa namamaos na tinig.
Mas lumapit pa siya sa akin at ngayon ay sa mga labi ko na humahaplos ang mga daliri niya. Hanggang sa unti-unti na siyang yumukod sa mukha ko at tuluyan nang siniil ng mainit na halik ang mga labi ko.
Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang init at sarap na hatid nito sa akin. Ngunit unti-unti rin siyang kumalas at muling tumitig sa aking mga mata.
"Do you know how to respond to kisses?"
"I'll just copy everything you do," walang emosyon ko namang sagot sa kanya.
Napatango-tango naman siya.
"Alright. But before that, I'll show you around the whole house."
Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Hinawakan na niya ang kamay ko at hinila na ako patungo sa kanang bahagi nitong malaking bahay niya.
Napakalawak ng sala niya at napakarangya. Naglalakihan ang mga chandelier sa kisame at halos yari sa salamin ang lahat ng mga partition wall. Maging sa sala at sa dining room, kaya naman kitang-kita rin ito mula sa sala.
"Wala akong ibang kasama dito kundi ang mga bodyguard ko lang na nananatili lang sa labas ng bahay. Kapag gusto kong ipalinis ang buong bahay, pinapupunta ko lang dito ang mga maid namin mula sa mansion ng daddy ko... Ahm..." Muli siyang lumingon sa akin. "Your memory will absorb everything I say, right? Just like what Mr. Xavier told me."
"Yes, Darling."
Kaagad naman siyang ngumiti. "Good."
Ipinagpatuloy niya ang paghila sa akin hanggang sa pumasok naman kami sa loob ng kusina.
"This is the kitchen where you will cook. Sinisiguro ko naman na palaging kumpleto ang mga gagamiting sangkap at naririyan lang silang lahat sa storage room at refrigerator." Binuksan niya ang pinto ng double door refrigerator niya. Punong-puno ito ng mga laman at mukhang ang lahat ng pagkain ay mamahalin.
Ipinakita niya rin sa akin ang storage room niya kung saan punong-puno din ng mga groceries. Paano niya kaya nauubos ang lahat ng 'yan?
Baka inabot na sila ng expiration date pero hindi pa rin ubos. Nag-iisa lang naman siya dito, no.
Matapos namin sa kusina ay dinala naman niya ako sa laundry room at sa likod-bahay kung saan may napakalaking swimming pool. Mayroon ding malaking silid dito sa likod ng bahay kung saan mayroong billiard table, mini bar na puno ng mga mamahaling mga alak, flat screen tv na naka-hang sa wall, home theater and sound bar. Mayroon din ditong table at malalapad na mga sofa.
"I don't like hanging out with other people. I don't have any friends. I always stay here after work. Every Sunday naman ay nasa mansion ako ng daddy ko, para sa weekly gathering namin ng buong family," paliwanag niya sa akin.
"Noted, Darling," sagot ko sa kanya, ngunit iba ang nararamdaman ko sa kanya at nakikita ko sa mga mata niya.
Bakit pinipili niyang mag-isa kung pwede naman siyang makisalamuha sa ibang tao. Bakit parang lungkot-lungkot ng buhay niya?
Hindi siya sumagot at muli lang niya akong hinila palabas ng lounge na 'yon, ngunit ang nilabasan naming pinto ay dito na ulit sa loob ng bahay niya.
Nagtungo kami sa hagdan ngunit napansin kong sa ilalim nito ay mayroon pang isang pinto.
"I'll show you the inside of that door later," aniya sa akin.
Hindi naman ako sumagot. Tuluyan na niya akong hinila paakyat ng hagdan hanggang sa makarating na kami sa second floor.
Dito ay mayroon ding malawak na espasyo kung saan parang sala din at nasa harapan nito ang malaking balcony. Kung hindi ako nagkakamali ay naririto siya kanina noong dumating ako.
Mayroon din ditong malalaking sofa at isang napakalaking tv screen sa harapan. Sa kabilang bahagi naman nito ay nakikita ko na ang mga pinto na sa hula ko ay mga silid.
"The master's bedroom is on the right, which is my room." Hinila niya ako patungo sa kanang bahagi nitong second floor. "The rooms on the left are for guests. They are empty."
"Noted, Darling."
Pumasok kami sa loob ng silid niya at halos malula ako sa laki nito. Isang napakalaking kama ang nasa gitna nito, bagaman maayos naman at malinis. Actually, buong bahay yata ay malinis. Kahit sa kusina ay wala akong nakitang anumang kalat.
"I'll give you your room, but when I say you will sleep here next to me, you will obey me. Understand?"
"I'll keep that in mind, Darling."
Ipinakita pa niya sa akin ang lahat-lahat at mga bagay-bagay sa buong bahay niya. Mayroon pa rin siyang mini bar dito sa second floor at mayroon ding office room. Sa third floor naman ay naroroon ang gym niya kung saan puno ng samo't saring equipment.
Mayroon din siya ditong basketball court kung saan glass wall lang ang mga pader at partition. At kung ano-ano pa.
Bumalik kami sa ground floor ng bahay niya at tinungo namin ang pinto sa ilalim ng hagdan. Binuksan niya ito at pumasok kami sa loob.
Ngunit akala ko ay 'yon na, ngunit hindi pa pala. Isang makitid na hagdan ang bumungad sa amin patungo sa ibaba kung saan napakadilim.
Nakaramdam ako ng munting takot sa dibdib.
May pinindot siyang ilaw dito sa kaliwang bahagi ng pader kaya naman biglang lumiwanag sa baba. Nasilip ko ang nilalaman ng mga ito. Mukha itong bodega at mayroong mga lumang kagamitan.
"Follow me," aniya bago siya naunang bumaba ng hagdan.
Kaagad din naman akong sumunod sa kanya
"This is a basement, and the stuff you see here is mine too."
Napatitig ako sa mga lumang gamit na para bang gamit ng mga dukhang katulad ko lang. Pag-aari niya ba talaga ang mga ito?
Mayroong mga lumang durabox, may lumang sewing machine, may katre, mga plastic na upuan, mga nangingitim na mga kaldero at kawali. May sinaunang tv na malaki ang likod, radyo, kulambo, mga unan at kumot na sira-sira na.
Bakit itinatabi pa niya ang mga ito? Bakit hindi pa niya itinatapon?
"Come here."
Napalingon ako sa kanya sa kaliwang bahagi at nakita kong tila may binubuksan pa siya doong pinto. Naririnig ko ang pagkalansing ng mga susi na hawak niya.
Lumapit din naman ako sa kanya. Tuluyan na rin niyang nabuksan ang pinto at hinila ako papasok sa loob. Ngunit isa pang pinto sa loob ang bumungad sa amin na kaagad niya ring binuksan sa pamamagitan ng mga code.
Napakadilim sa loob at parang may kakaiba akong naaamoy. Muli niya akong hinila papasok doon. May narinig akong pag-click na tila switch ng ilaw at kasabay nga nito ay biglang sumabog ang liwanag sa buong paligid.
Ngunit halos mawalan ako ng balanse sa mga bagay na biglang tumambad sa aming harapan.
Isang pulang kama ang nasa gitna nitong silid at napapalibutan ito ng iba't ibang klase ng s*x dolls at s*x toys. Iba't iba ang kanilang mga laki, iba't iba ang mga hugis at hitsura.
Mayroong tila kaparehas ko na kaygaganda ngunit wala namang mga buhay. Mayroong wala na ang iba't ibang parte ng katawan katulad ng mga kamay, ulo, at binti.
Anong ginagawa niya sa mga 'yan? Kinakatay ba niya kapag ayaw na?
Nasisirahan na ba siya ng ulo? Hindi kaya ganyan din ang gawin niya sa akin dito?
Oh, my God. Isa nga siyang Psycho! Tama ba talaga itong pinasok ko?
Ilang ulit akong napalunok at huminga ng malalim. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa mga sandaling ito at para akong papanawan ng ulirat. Hindi kaya ito na ang sikreto niyang silid sa bahay na ito?
Ngunit nang mapansin kong lilingon na siya sa akin ay kaagad kong kinalma ang sarili ko at inalis ang lahat ng emosyon sa mukha ko.
"You will stay here temporarily whenever I have visitors. No one else can see you, especially not one of my family members... Do you understand me?"
Inipon ko muna ang lahat ng tapang sa dibdib ko bago ako sumagot, "noted, Darling."
"And one more thing... Never disobey my orders ... because you will definitely be imprisoned here. And I don't wanna do that to you."
Muli akong kinabahan sa sinabi niya kahit napakakalmado naman at malambing ang tinig niya. Hinawakan pa niya ang pisngi ko at marahang hinaplos.
Ngunit sa ginawa niya, hindi ko alam kung bakit tila kumalma ako at napalitan ng kakaibang damdamin ang nararamdaman ko para sa kanya, na nahahaluan ng lungkot at awa sa kung anumang pinagdaraanan niya sa buhay niya.
"Do you understand me?"
Napatitig ako sa madilim at walang buhay niyang mga mata.
"Yes, Darling."