Chapter 2 (Maldita)

1128 Words
"Tonta!" Sigaw pa ni Natasha sa kaniyang sekretarya na nasa kabilang linya ng telepono. Nalaman niyang nagback-out pala ang modelong binayaran niya ng malaki. Bwesit na 'yon, nakipa-agawan pa siya sa ibang clothing line competitors para makuha niya ang damuhong 'yon, tapos doon pala nag-sign ng contract sa kalaban niyang kompanya. "Ayusin mo ang gusot na 'yan Donatela. Give me reports after three hours!" ani niya saka pa itinapon sa kung saan ang hawak niyang aparato. Naiinis siya sa nalaman, bukod sa stress siya sa naging meeting niya rito sa London, ay naiinis siya dahil hindi siya napili na magrepresenta sa London as Philippine distributor ng mga jacket at pantalon na pwedeng ma-feature sa Autumn season sa Vougue Runway. "s**t!" ani niya saka pa inabot ang isang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isang stick. Agad niyang sinindihan ito at hinithit ng makailang ulit bago binuga. Ramdam niyang may mali sa output niya, pero hindi niya alam kung ano. Maganda naman ang mga gawa niyang designs, magagaling naman ang mga fashion editors na napili niya, marami naman siyang galamay at tauhan pero bakit? Bakit parang may mali. Muli niyang tiningnan ang malawak na glass overview room niya na naging isang malawak na transparent na dingding at matatanaw ang mga sasakyang animo'y mga langgam sa ibaba ng building na iyon. Nasa 56th floor siya at ngayon nga'y makikipag-usap sa isang kliyente. Mayamaya pa ay nagbukas ang pintuan at bumungad sa kaniya ang pigura ng isang lalaki. Matangkad ito at masasabing mas matanda ito sa kaniya. "Good morning," tipid na wika ng isang matanda na may hawak-hawak na tungkod. Makikitang respetado ito at may kinabibilangan sa lipunan, isang alta-sosyal. Napanudnod sa ashtray si Natasha ng kaniyang sigarilyo at mabilis na nagpunas ng kamay mula sa kaniyang suot na dress. "An honor to meet you sire, I am Natasha Hettle.." "I know you." Tipid na sabi ng matanda na siyang rason upang hindi matuloy ni Natasha ang pagpapakilala. "Anastacia Hettleworth, H Modelling Corporation." Sabi pa nito saka pa tiningnan ang kaniyang kabuuan mula ulo hanggang talampakan. Ngumiti ito ng makahulugan saka pa nailing. Dahil sa ginawa ng matanda ay ginapangan ng kaba si Natasha. Tumitig ang matanda sa kaniya bago pa nagtanong ulit. "Are you aware that I own 40% of your company?" walang gatol na patutsada nito kay Natasha. She then placed her shocked face. Natigilan siya at tila sumabay yata sa pagtigil ang pagpintig ng puso niya. Alam niya ang tinutukoy ng matanda. Her company was in debt last time, lalo pa nang mamatay si Hernan. "Sir?" wika ni Natasha. "Nothing, I'm just glad to know and see you," muling tumingin ito sa kaniya at tila may kung anong iniisip. At kung anuman iyon, alam ni Natasha na hindi siya qualified na tanggapin sa kinabibilangan niyang estado. Nakaahon siya sa hirap at nagtagumpay pero parang kahit gaano pa niya patunayan at ibalandra ang lahat ng achievements niya, ay kulang pa rin ang mga ito para mapabilang lamang siya sa socialite. "Don't worry, I signed it. I guess you need it most," saka pa nito inilapag ang isang folder at walang paalam na nilisan ang kwartong iyon. Mas sumidhi sa puso't isipan ni Natasha na dapat siyang magpursige at mag-ingay sa industriya. She must reach the standards of what she must be. Nabibilang siya sa estadong iyon, pero animo'y damong-ligaw lamang siya na biglang tumubo sa kung saan-saan. Nang makuha ang folder ay pabagsak niyang isinandal ang likod sa kaniyang swivel chair at tumingala sa kisame. Sa puntong iyon ay may naalala siya. "s**t!" bulalas pa niya na nakaligtaan ang isang paparating na okasyon. Kinuha niya ang bag niya at kinulikot ang isa pang mobile na nandoon. Dapat niyang maka-usap si Levi. Malapit na ang kaarawan nito, sa susunod na linggo na pala. Madali niyang tinipa ang numero nito at nag-video call. Nasa London kasi siya habang nasa Pinas naman si Levi, kasama ang kaniyang mga tauhan at mga maids. Nag-ring ang aparato sa kabilabg linya kaya minabuti niyang makinig muna. Nang makipag-usap na ito sa kaniya ay lutang ang emosyon nito. "Hi baby? Kamusta? Sorry anak ah, natagalan si mommy, sorry anak." Ani niya saka pa hinalikan ang screen ng kaniyang phone, animo'y inaamo ang anak niyang nagtatampo. "You sure you're coming? Baka hindi na naman kayo makauwi mom, last year wala ka po sa birthday ko, kaya okey lang po na wala ka sa 10th birthday ko." Sabi pa nito saka pa tumahimik at walang emosyon na nakadungo lamang sa ibaba. Pinisil ni Natasha ang sariling sintido habang pinapaki-usapan ang kaniyang unico-hijo. "Mommy will go home to your birthday, I promise that, baby. Okey?" ani niya saka pa mapait na napangiti. "I love you mom," himig ng paslit na parang umiiyak na sa kabilang banda. Natasha grab a word to ease Levi's feeling pero hindi na iyon natuloy dahil pinatay na iyon ni Levi sa kabilang linya. Bumuntung-hininga si Natasha at napahilamos sa sariling mukha. She really messed up. First, to her sexlife. Second, to her career. Third, to her standards, and lastly, as being mom to her son. Matapos makipag-negotiate sa lugar na iyon ay mabilis niyang nilisan ito at pumaroon sa lugar kung saan madalas siyang nagpapalabas ng sama ng puson at sama ng loob. Sa kaibigan niya s***h friend with benefit na palaging natatakbuhan niya kapag may kailangan siya. Si Gideon, isa itong photographer na minsan nang nagtrabaho sa kompanya niya. Naging malapit siya rito, at naging extra-special iyon ng may namagitan sa kaniyang dalawa two years after her husband died. He is her s*x-mate. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan sa kung saan na tila hindi niya alintana ang crowded na lansangan ng London. Wala siyang pakialam, ang important sa kaniya ay magkaroon siya ng sumbungan at tagapagtanggol. And she taught, si Gideon iyon. Nang makapunta sa private condo ni Gideon ay agad na pumaloob si Natasha sa isang elevator at pinindot ang fifth floor. She hurrily step a walk on that hallway going to Gideon's room. She bell the door and there, Gideon opened up half naked with a towel only in his waist. "Buongiorno mia dolce signora!" sabi pa nito sa mapang-akit na boses. Halatang mas bata pa ito ng limang taon sa kaniya. Gideon is a thirty hunk man that can play to a thirty five woman like her. "Can I come in?" nang-aakit na response ni Natasha. "Sure, you can come," ngisi pa nito saka pa hinapit papasok ang maliit ay makurbang beywang ni Natasha. Kung anuman ang mangyari sa kanila sa kwartong iyon, it is just for the sake of pleasure and boredome, nothing more and nothing less.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD