Shin’s POV
Kung nakamamatay lang ang tingin, siguro kanina pa pinagla-lamayan ang lalaking nasa aking harapan. Ngunit aasa pa ba ako? Eh kahit atomic bomb pa yata ang lumabas sa aking mga mata ay hindi man lang ito maaapektuhan sa mga sandaling ito.
Napaungol ako. “Nang-aasar ka ba?!” hindi na nakatiis na sikmat ko kay Raffa Greyson. Prenteng nakaupo ito sa sofa na nasa pinakasentro ng study room na nasa left wing ng pinakamalaking bahay sa loob ng compound. Samantalang sa katapat naman nito ako nakaupo, sa isang single monoblock chair.
Pagkatapos ng ginawa kong pagsuntok dito kanina sa harap ng mga tao sa lugar na iyon, dito sa silid na ito ako dinala ng maskuladong kampon ng damuhong tsinitong ito. Kung may pagsisi ba akong nararamdaman sa aking naging marahas na aksyon laban sa lalaking nasa aking harapan? Puwes, wala! Because he deserved it! Pero dapat nakakaramdam ako ng tuwa ngayon. But I felt weird, because after the powerful punch that I gave him earlier I couldn’t feel the satisfaction of doing it.
Flashback...
“Are you insane woman?!” Imbes na si Raffa Greyson ang unang mag-react, ang lalaking palagi nitong kasama ang kumompronta sa akin at marahas akong hinawakan sa braso.
Agad akong pumiksi upang makawala sa mahigpit nitong pagkakapit. “Bitiwan mo nga ako, unggoy!”
Sino ba ito sa palagay niya? Gusto rin ba niyang makatikim ng suntok mula sa `kin? Imbyernang mabilis na pinag-aralan ko ang kabuuan nito. In fairness, may kakisigan din pala ang loko at mukhang hindi ito basta madadala sa salita lang. Plus this man is so muscularly huge which intimidates me.
“Bitiwan mo siya, Ridge.” Isang suwabeng boses ang biglang bumasag sa tensyon na nasa paligid.
Lahat ay bumaling sa may-ari niyon na walang iba kung `di si Raffa Greyson. He is now facing me with a certain look on his handsome face. I automatically snapped at myself. Handsome?! At saan naman iyon nanggaling?! Am I that hopeless? Bakit kahit namumuhi ako sa tsinitong lalaki sa aking harapan, may time pa akong mahumaling sa hitsura nito?
Nang mapansin kong kumilos si devil Raffa upang tanggalin ang kamay ng tinawag nitong Ridge, sa pagkaka-hawak sa aking braso ay bumalik ang aking atensyon sa mga ito nang may pagtataka.
“Alpha Raff!” the devil muscular minion groaned.
“She’s mine,” mahinang boses na pahayag nito sa kasama. This time, seryoso na rin maging ang dating ng boses nito.
And damn me! Tila may kung anong kuryente ang bigla na lang gumapang sa buo kong katawan dahil doon. And at the same time, I just confirmed one thing. The chinky dude is more intimidating than the other one. Maybe he’s slimmer than this monkey Ridge guy, but his aura reeked of authority and superiority.
Then, I noticed one more thing. Ewan kung imagination ko lang, pero bakit tila nagkakaintindihan ang mga ito kahit sa mga tingin lamang? Like they were having a mental conversation or something. I gulped. Is that even possible? Pero, teka nga uli. Muling bumalik sa akin ang winika ni Raffa Greyson. Tila may sinabi ito kaninang “She’s mine.”?
“Harvey, sa study room.” Bigla ko na lang narinig ulit magsalita si Raffa Greyson matapos ang ilang minutong pagtititigan ng mga ito. Kaya napapalatak ako, nang muling maputol ang aking pagmumuni-muni. Yeah, great. Nandito na naman ang aking maaasahang bodyguard. Note the sarcasm!
End of flashback...
Napakurap ako nang matapos ang aking pagbabalik-tanaw sa nangyari kanina. Tumuon muli ang aking paningin sa binatang kaharap ko sa loob ng study room. Hindi pa rin ito nagsasalita at sa halip ay nakatingin lang sa bawat kilos ko. I couldn’t stop myself but to feel annoyed. Nakakairita ang kumag na ito ah. Hindi ba nito alam na masama sa pakiramdam ang tinititigan?
“Will you stop staring at me?! Don’t you know that staring someone is rude?!” Mas lalo akong nainis nang ngumisi lang ito nang hindi man lang inaalis ang pagkaka-titig sa akin. Pero pilit kong kinalma ang aking sarili. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim. At sa aking pagmulat ay muli ko itong tiningnan.
“Okay. Look here, chinky dude.” I sighed again at pinilit na balewalain ang nakakalokang tingin ni Raffa Greyson.
Mabuti pa daanin ko na lang sa magandang usapan ito. Baka sakaling makinig na ito sa akin sa pagkakataong ito. Kahit na mukhang mas interesado pa yata ang ungas sa pagtunaw sa akin gamit ang mala-laser nitong mga mata. Pero kailangan kong magpasensiya at subukan muling makiusap bago pa ako tuluyang mag-freak out.
I cleared my throat and continued my speech. “One week ago, aksidente lang ang pagkakatapak ko sa lugar na ito. Actually, sa Howling Point talaga ang aking punta, but I took the wrong way. It was unintentional nang pasukin ko ang compound ninyo. So please, pakawalan n’yo na ako. Harmless ako and wala akong pagsasabihan na kinidnap ninyo ako. Please, let go of me. Please!”
Ito din ang ipinaliwanag ko rito noong isang lingo. But he refused to believe my excuses. Pero sana may guardian angel din ang mga devil at sana naman ay bagabagin ng anghel na iyon ang konsensya ng lalaking ito.
Okay, magiging honest ako. Actually, hindi naman talaga masama sa paningin ang lugar na kinaroonan ko ngayon. The whole compound is great with the modern buildings na nakatayo rito, which were the houses of the people who lived here. Isa pa, the surrounding of this place is peaceful and relaxing. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit ayaw nila sa mga intruders.
Alam ba ng ilang mga tao sa bayan ng Howling Valley na may ganitong klaseng lugar doon? But it was not my business anymore. Pakawalan lang ako ng mga ito, pangako na wala akong pagsasabihan na kahit na sino. Tinapunan ko ng nagmamakaawang tingin ang aking kausap. And just like earlier, he’s still busy from examining my beautiful face like there’s no tommorow.
Anak ng—! Narinig ba ng singkit na ito ang mga sinabi ko? I was about to lose my patience, but I was caught off guard as I noticed Raffa Greyson’s lips twitched. “You want your way out of this place?” Finally he spoke.
Napasinghap ako at agad na tumango ng sunod-sunod. “Yes! Yes pretty pretty please, with lots of strawberries on top!” Who said na wala na akong pag-asa? Eh mukhang sa wakas ay tumuwid na rin ang isip nito dahil sa aking mga ipinahayag kanina. I smiled widely as my chest was filled with hope.
“Isang buwan,” he replied.
Awtomatikong nabura ang ngiti sa aking mukha at kumunot ang aking noo. “Isang buwan? For what?”
He tilted his head to the side and smirked. “Palalayain kita. But first, you need to stay here with me in one month.”
Napaawang nang bongga ang aking bibig. Stay with whom?! My eyes narrowed. Anong pinagsasasabi ng mokong na ito?! Ako? Makikipaglive-in dito!? I mentally cursed as my eyebrows furrowed. Nasisiraan na ba ang lalaking ito?! I should have known it. I already knew that this chinky jerk was the one who is really hopeless!