Shin’s POV
“Hoy, Raffa Greyson!” Halos mabiyak ang lupa dahil sa lakas ng aking pagtawag sa lalaking ilang hakbang lamang ang layo mula sa akin. Nagulat tuloy ang mga tao sa paligid kaya napabaling sila sa nanggagalaiti kong hitsura.
But, who cares?
Ngayong nabigyan akong muli ng magandang pagkakataon upang kumprontahin ang nilalang na dahilan ng pagka-stranded ko sa lugar na iyon, hindi ko na dapat na palalampasin pa iyon upang komprontahin ito.
Sobrang nagpupuyos sa galit ang aking dibdib at nararamdaman kong anomang oras ay tila sasabog na ako sa pagngingitngit kaya naman wala nang makapipigil pa sa akin na harapin si Raffa Greyson na abala sa pakikipag-usap sa isa sa mga kampon nito.
Yes, I used the word “kampon” because, for me, Raffa Greyson is the devil himself and those people who are living in that creepy place were his minions.
Oh, how I hate them just as much as I hate him. At sa mga sandaling iyon ay isinusumpa ko na matitikman ni Raffa Greyson ang tindi ng “hate” kong iyon.
So, I walked towards him with squinted eyes. Halos umusok din ang mga butas ng aking ilong at mga tainga dahil sa pagka-imbyerna. Seething, I automatically stopped from my tracks as the chinky despicable excuse of a man turned around and faced me.
Awtomatikong nagsalubong ang aming mga paningin. His chinky eyes settled into mine with surprise but the moment I fixed mine into his, I almost gasped and grabbed my chest as my heart suddenly twitched painfully inside of it.
What the heck was that? Kailan pa ako nagkaproblema sa puso? O baka dahil sa labis na pag-inom ng kape kaya naging abnormal na ang heartbeat ko? O baka naman dahil din sa “to the highest level” na rage ko kay Raffa Greyson kaya nagka-heart disease na ako?.
My jaw clenched and I glared at him.
I should have known na wala talagang dulot na mabuti sa akin ang singkit na lalakeng 'yon.
Ngunit sandali lang, kailangan ko munang kumalma. Mamaya ko na iintindihin ang tungkol sa bagay na may kinalaman sa aking kalusugan dahil may bagay na mas dapat akong unahin bago pa mawala ang aking ‘once in a lifetime chance’.
Ibinalik ko ang aking atensyon kay Raffa Greyson. Right from his spot, I noticed how amusement reflected from his eyes. I huffed. Seryoso? Naaaliw ba talaga ito? I think he’s not taking me seriously and it made me pissed even more.
Raffa Greyson smirked and crossed his arms above his chest. “Another escape, I guess.”
I rolled my eyes at him and replied, “Ay! hindi ako ‘to. Isang multo lang ang nakikita mo.” Well, sarcasm is my middle name, duh!
Inaasahan ko na maiirita ito dahil sa pabalang kong pagsagot ngunit sa aking pagkadismaya, lalo lang lumapad ang ngisi ng damuho. Even the man beside him began to laugh too. Nagtaasan ang aking mga perpektong kilay.
At ano naman ang nakakatawa, aber? Mukha ba akong clown? Seriously, are these jerks making fun of me?
I snickered.
Hindi na talaga ako nagtataka kung bakit napakalaki ng pagkadisgusto ko sa Raffa Greyson iyon. There are so many things that makes me despised him at upang mas maging malinaw, iisa-isahin ko ang mga dahilan kong 'yon..
Una, nang aksidenteng maligaw ako sa kakaibang lugar na 'yon ay sapilitan akong binihag ni Raffa Greyson at ang mga kampon nito. The place was like a big compound. Pinalilibutan ito ng mga matataas na pader at makakapal na bakal na bakod.
What a creepy place, right?
Now, for the second reason. Iyon ay dahil ayaw nila akong pakawalan kahit na ano’ng gawin kong pagma-makaawa. I am innocent. Wala rin naman akong pera para hingian ng ransom ng mga ito. Although my lolo is really rich, those riches were not mine. Nakikiambon lang ako sa mga kayamanan ng lolo ko. Kahit na nasa langit na ito ngayon. So, kiber me.
At ang pangatlong dahilan na aking labis na ikinaiinis ay naglagay si Raffa Greyson ng bantay sa labas ng kuwarto kung saan nila ako ikinukulong. Kaya naman nakaka-stress talaga! Pero infairness, guwapo ang bantay kong iyon. Mabuti na lang at hindi ako basta-basta nakukuha sa kaguwapuhan lang. Hindi ako kailanman papayag na maging sunod-sunuran dito at sa tsinitong amo nito.
And thankfully, I was such a clever girl dahil pang-apat na beses ko na ngayong natakasan ang personal bantay kong iyon. Served him right for being impossibly loyal to this devil Raffa Greyson. And this chinky devil, how I loathed him and his handsome face and amazing body! Tsk! Paanong ang isang taong walang konsensya na pasimuno sa pagkidnap sa walang kalaban-labang babae na tulad ko ay biniyayaan ng ganoong kakisigan? Oh, how unfair life is!
Bumalik sa pangkasalukuyan ang aking diwa nang muling marinig ang malakas na pagtawa nina Raffa Greyson at ng mokong na sanggang-dikit na minion nito. Dahil doon, nagtagis ang aking bagang. These stupid jerks should learn not to mess with me! I am Shin Rivas and no one can make this amazing woman a laughing stock, ever!
Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay mabilis na naihakbang ko ang aking mga paa patungo sa mga ito. Nang hustong makalapit ako sa tsinitong aking arch-nemesis ay agad kumuyom ang kaliwa kong kamay.
“How dare you?!” I spat at Raffa Greyson and gave him a powerful straight blow on his handsome face that made his head turned 45°. “There!” Kuntentong napangisi ako kahit tila nagcrack yata ang mga kawawang buto sa aking kamay. I proudly lifted my chin up and pointed a finger to him. “Do not mess with me, ever!” I sneered at him and then flipped my hair.
Napuno ng singhap ang buong paligid dahil sa pagkagulat sa aking ginawa. I smirked. Who cares? Kaya ko kayang manunok `no! If they got a problem with that, then f*****g bite me. I mentally praised myself, but I suddenly frowned and touched my bruised knuckles. Hindi ko maintindhan pero parang nakaramdam ako ng tila boltahe ng kuryente sa aking katawan, nang lumapat ang aking kamao sa pisngi ng lalaking aking sinuntok. I blinked. That’s weird.