Shin’s POV “Oh!’’ Namilog ang aking mga mata sa sobrang panggigilalas. Naiintindihan ko na ngayon ang lahat. Pero parang wala namang pinagkaiba noong wala pa akong ideya sa wolf life ng mga ito, at ngayong pati biography ng mga ninuno nila ay inilahad na sa akin. “Uhm, so anong maiko-comment mo, Ate Shin?” may kaba sa boses na tanong ni Ella. Bumaling ako sa dalagita at hinapit ito sa balikat. “Rabbit girl, ang dami mong alalahanin sa buhay.” Hinagkan ko ito sa ulo. Awtomatiko namang yumakap ang teenager sa aking baywang, at bahagyang nakahinga nang maluwag. “Ano pa ba’ng maiko-comment ko, kung `di dapat matulog ka na kasi may pasok ka pa bukas, right?” Ella giggled at napangiti naman ang iba. “Okay, matutulog na ako. Thank you, Ate Shin. Ikaw na ang pinaka-awesome na luna sa buong