Shin’s POV It was already evening at nasa hapag-kainan na ang lahat sa oras na ito. Lahat ay tahimik lang na kumakain at nakafocus sa kani-kanilang pagkain. “Sorry.” Natigilan si Raffa Greyson matapos marinig ang aking taos-pusong paghingi ng paumanhin. Kagat-labing hinintay ko ang itutugon nito. Ngunit sa aking pagkadismaya ay hindi man lang bumaling ang binata sa aking direksyon. Sa halip ay itinuloy lang nitong muli ang pagkain na tila walang narinig. Napasimangot ako. Ano ba `yan? Akala ko ba na matatalas ang pandinig ng mga asong lobo? “I said, I’m sorry,” ulit ko sa aking sinabi. And this time in a loud and clear voice. “Promise, hindi na ako dadaan sa bintana kapag tinakasan ulit kita. I promise, I won’t shoot you with the arrow again. And lastly, I promise na magtatakip na ako