Misaki Lumipas ang ilang linggo matapos nang birthday ni Maggy ay heto ako ngayon, nasa kuwarto lang nakakulong dahil sabado ngayon at walang practice. Nakatitig lang ako sa mga libro ko na halos mag-mukha ng bundok na nakapatong sa study table. "Hay ano ba puwedeng gawin?" Tanong ko sa sarili ko na inuuntog-untog pa ang ulo ko sa study table. May ginagawa kasi si Manang kaya wala akong ka-bonding, at kakatawag lang nila Okaasan at Otousan. Samantalang si Miyuki naman ay nag out of town. "Dapat pala sumama na lang ako sa kaniya eh" nakanguso kong sabi. "Kaso aakyat naman iyon ng bundok eh hindi ko naman trip iyon" reklamo ko pa. Naisip ko ng tawagan ang mga kaibigan ko kaso baka busy sila lalo na sila Chinie at Harold. Saka napansin ko rin kila Chris at Maggy ay nagiging straight na